Atoy's POV Tinawag ako ng pulis dahil may dalaw daw ako. Ilang araw ding wala akong dalaw at nag-alala na ako kay Garlic. Wala na rin akong cellphone dahil kinuha ng isang supladong pulis nang minsang nahuli niya akong nagbukas nito. Wala na rin akong balita kung ano na ang kalagayan ni Sir Peanut. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang aking dalaw. Masaya akong sinalubong ni Nanay Sofie. Nakaupo na rin si Barbara at hinintay na makaupo rin ako nang maihatid ng pulis. "Atoy, anak kumusta ka rito? Masyado akong nag-alala sa iyo," agad niyang bungad sa akin. Nanabik din akong mayakap muli si Nay Sofie. Malungkot man ang buhay ko sa loob ng piitan ngunit kailangan kong maging matatag. Ayoko ring bigyan ng pangamba si Nay Sofie lalo na at may malaki ring problemang hinaharap ang mga Javier. "

