Nang iangat ko ang aking ulo ay sinalubong ko ang nagbabagang tingin ni Barbara. Tila uminit ang mga mata niya sa mga binitawang salita sa kaniya ni Atoy. Alam kong mas lalo siyang nagagalit sa akin. Nilapitan naman siya ni Nanay Sofie para aluin. "Barbara, huminahon ka. Minsan lang kayong nagkikita ng Kuya mo, tila magsasakitan pa kayo ng loob." "He is not my Kuya! Magsama kayong mga walang kuwenta!" Muli niya akong dinuro. "Hindi pa tayo tapos, Mutsatsa, may araw ka rin sa akin!" "Barbara!" saway pa rin ni Atoy ngunit tumalikod na ito at padabog na umalis papunta sa kuwarto nito. Napasinghap naman sina Nay Sofie at Atoy. Nagkatinginan lang ang mga Ateng. "Pagpasensiyahan mo na ang anak ko, Garlic. Sinusumpong na naman. Baka may marami lang siyang dapat tapusin sa kaniyang pag-aara

