Makalipas ang isang linggo, naging maayos naman ang trabaho ko sa mansion. Pinagbutihan ko para lalo akong tumagal dito at nang makapag-ipon. Kahit naloloka ako minsan lalo na sa mga ikinukuwento sa akin ni Nanay Sofie. Naging maganda naman ang aming samahan kasama ang mga pantulak kong mga Ateng. Ang babait din nila sa akin at itinuring nila akong bunsong katulong. Kung hindi ko alam ang gagawin ay sadyang tinuturuan nila ako at hindi nila ipinagdamot iyon. Ang suwerte ko naman dahil minsan ka lang makakakita ng mga kapwa kasambahay na katulad nila. Araw ng Sabado kaya walang pasok si Senyorito Cheesy. Mag-aayos sana ako at maglilinis ng kaniyang silid subalit parang natutulog pa siya kaya muli akong bumaba sa kusina. "Nay, nasa anong grado na po ba si Senyorito Cheesy?" Minsang natanon

