Angel Lumipas pa ang mga araw at nagsimula na rin ang aking online class. Okay lang naman dahil siniguro ni Salvatore na kumpleto ang lahat ng pangangailangan ko. Binilihan niya ako ng laptop at bagong cellphone at nalaman ko mula kay Mauro na kumpleto na rin sa gamit si Angelo. Sa isang pag-uusap naming magkapatid ay napag-alaman ko rin na sa private school siya nag-aaral. Masyang masaya ako dahil sa wakas ay makakapag-aral na ako, kami ng kapatid ko. Parang isang pangarap na napakahirap abutin nito noong kila tita Anacleta pa kami nakatira. Hindi ko akalain na mapapaganda pa na ako at si Angelo ang ipinambayad nila sa utang nila. Samantala huling beses na may nangyari sa amin ni Salvatore ay kasunod din na umaga ng aking first time. Hindi ko alam kung nawalan na ba siya ng gana or ano

