Inabot na kami ng dilim kina Kaye kaya duon na din kami ang hapunan. "Pacharge naman, Kaye. Lowbat na ako." ani ko sa kaibigan. "Sure. Akin na phone mo." Hinayaan ko naman siyang icharge iyon. After our dinner ay nagkwentuhan muna saglit bago namin napag desisyonan na mag siuwi na lalo na at nakatulog na din si Mads at Genesis. Si Daneyel na inaantok na din. "Thank you, Kaye. Byee!" Ani ko sa kaibigan bago umikot sa sasakyan. Tulog na ang dalawa sa likod ng kotse ko. Kumaway ako kay Laila na paalis na din. "See you!" On my way home ay naisipan kong buksan na ang phone ko dahil umangat na ang battery nuon. Ang bumungad sa akin ay ang mga missed calls and text messages ni Ashton. From: Ashton Where are you? Answer my call babe. Zeanna where the hell are you and the kids? I am star

