Habang tumatagal syempre lumalaki sila Daneyel at Mads. Tumutulong naman si Daneyel sa pag aalaga kay Mads at matalino siyang bata. Nakikita na namin sa kanya na mabilis siyang maka intindi at makatanda ng mga bagay bagay. Sa pag lipas ng taon pumasok na nga si Daneyel at si Mads naman ay nagsisimula na ding mag aral mag sulat. Makikita mo talaga kung gano ka kuya si Daneyel kay Mads kasi pag wala itong ginagawa ay siya na mismo ang nag tuturo sa kapatid mag sulat. Minsan ay nahuli ko pa ang dalawa na naglalaro ng school at si Daneyel ang teacher kahit na halata mo sa kanya na ayaw niya ng laro. May pagkakataon din na nahuli kong nag lalaro ang dalawa ng mga barbie ni Mads. "Come on, kuya. You have to pretend to be him so you need to speak." I smile when I saw how Daneyel almost roll

