Suicideking Akala ko noon ay mananatili ang mga napag-usapan namin ng asawa kong si Angel. Akala ko'y gabi-gabi ako nitong gagambalain, noong una oo, kinabukasan pa lang e nanumbalik na kaagad ang mga "Plano" nila ni Carina. Nakakapanabik na nakakatakot, subalit sa paglipas ng mga araw ay nalimot ko na rin ito. Hindi naman kasi biglaan, hindi nagmamadali, kaya nga naka-plano upang ito'y maisagawa ng mahusay. Minsan nga naisip ko na sa tagal na nitong "Plano" na ito e sa malamang na ito'y magbago, o kaya nama'y mauwi rin sa wala. Ganunpaman, hindi ko naman ito tuluyang binura sa aking isipan. Ang pantasya ng asawa kong makatikim ng iba'y narito lamang, nakatago, naka-reserba sa isang sulok ng puso ko. Buti na lang narito na si Tricia, siya ang nagsilbing panangga sa mga usaping sekswal na

