Suicideking Mali pala ang aking akala, hindi pala tama ang aking hinala para sa dalagang si Alex. Akala ko'y iba siya kumpara kina Kat at Carina, na nagkaroon man ng tunay na minamahal ay hindi pa rin nakalimot sa dati naming pinagsamahan. Kung sa bagay, iba naman talaga, iba ang pamamaraan. Siguro nga'y talagang baguhan lang si Alex kaya't medyo hindi alam kung paano niya panghahawakan ang aming bawal na relasyon dati. Taliwas sa inaasahan kong "Kuya, pwede pa rin tayo", ngunit sa bandang huli'y naging malinaw naman na ang lahat ng isyu sa pagitan namin. "Wow, I didn't know na magaling ka pala magluto Alex..." bati ni misis sa kinakaing pansit. "Natsambahan lang ate hihi!" sagot ng dalaga. "Alam mo Benjo, swerte ka dito sa kaibigan ko..." sagot ni misis. "Uhm, ate Benjie not Benjo...

