CHAPTER 2

1050 Words
"Ngayon, mag-away-away kayo," utos ni Steph. Seryoso ang kaniyang mukha nang iutos niya ito. Naramdaman niyang nag-iinit ang katawan niya habang inis sa mga kaklase niya at sa professor nila. Biglang nagsabunutan ang mga babaeng magkakatabi, samantalang nagsuntukan ang mga lalake. Nagkagulo na sa buong klase. Nawasak ang ilang mesa at upuan, habang nalilito naman si Minerva. "Class! Class! What's happening?!" hiyaw ng professor nila. Hinampas nito ang hawak na stick sa table para awatin ang mga nag-aaway-away pero walang tumigil sa ginagawa nila. Nasira na ang mga lamesa, upuan, mga estante ng libro sa gilid room. Si Jared ay nakaupo pa rin at nakapikit. Sinunod nito ang sinabi niyang huwag didilat. "Class!" Nanginginig na sa galit ang professor nila. Tumayo na ito sa sobrang pagkalito at inis, nauubos na rin ang pasensya niya. Tumalikod si Steph sa klase at hinarap nito ang guro. "Nagustuhan mo na ba ang nakikita mo ngayon?" nakangising tanong ni Steph. Napatulala ang professor nila. "Sino ka? Patigilin mo sila!" "Hindi ba ito ang gusto mo? May class, maganda, bagay sa corporate world. I am even more than that." Tinitigan ni Steph ang professor. Tila nawalan ito ng sariling pag-iisip at tumitig lang din sa kanya. "Now, slap yourself." Sinampal ng professor ang sarili niya. "Lakasan mo pa!" utos ni Steph. Sinampal ulit ng professor nang malakas ang sarili nito, habang nagkakagulo pa rin ang mga estudyante sa likod niya. "Stephanie!" May humawak sa balikat niya. Nilingon niya ito. Si Jared. Nakapikit pa rin ito. "Tama na, please," pakiusap nito. Napakunot-noo si Steph sa lalake. May alam ba ito sa sumpang taglay ng mukha niya? Hinarap niya ang professor nila na patuloy na sinasampal ang sarili. "Now stop it." Tumigil na ito sa ginagawang pagsampal sa sarili. Isinuot ni Steph ang wig niya at salamin. "Jared okay na, pwede ka nqng dumilat. Pero pakisampal nang malakas ang professor natin para matauhan. Nasa ilalim pa rin siya ng sumpa ng aking mukha." Sinampal nang malakas ni Jared ang professor nila at natauhan naman ito. "Jared! What was that slap for?" Sapo nito ang namumulang magkabilang pisngi gawa ng pagkakasampal sa sarili ng ilang ulit. "To wake you up, Athena. S-sorry." "Athena? Akala ko ba Minerva ang pangalan nito?" Nagpalipat-lipat ang nagtatanong na mga tingin ni Steph sa dalawa. "Wake me up? Bakit? Nakatulog ba ako?" nalilitong tanong nito kay Jared. "Ano ba ang nangyari?" "No, you were under her curse." Tumingin ang professor kay Steph. Napatingin din ito sa mga nag-aaway-away pa ring estudyante niya. "Will you all stop!" Saway niya pero hindi pa rin sila tumitigil. "They won't stop until I say so," saad ni Steph. "Who are you?" tanong ni Minerva s***h Athena daw. "No, who are you? And you?" Tumingin ito kay Jared. "We will explain everything, but please, let them stop!" sumigaw na ang prof nila dahil hindi na sila magkarinigan sa ingay. Tumalikod si Steph at humarap sa mga estudyante. Sumigaw siya nang malakas ng "STOP!" Parang mga robot na nahimasmasan ang lahat ng estudyante na naroon sa school. Ang iba ay parang mga bruha na dahil sa sabunutan, mayrooong may duguan na ang bibig dahil sa suntukan. Lahat ng mesa at upuan ay wasak na. Nagtataka ang mga ito sa itsura nilang lahat. Wala silang matandaan sa mga ginawa nila. Napaupo ang prof nila at napahinga nang malalim. "Class, you are all dismissed, proceed to the clinic and have your wounds tended." Isa-isang naglabasan ang mga kaklase nila na mga nagkakamot ng ulo at hindi pa rin maintindihan kung ano ang nangyari. "Now, lady. Explain what happened." Nagbabanta ang mga mata ng professor nila. Hindi nagpatalo si Steph. "No, you explain first. You owe me that for insulting me earlier." "Ginagalit mo ba talaga ako?" Lumiwanag ang buong katawan nito. Nagbago ang anyo ng professor nila. Isang magandang babae na nakasuot ng asul na silk gown at napakaganda ng hubog ng katawan nito. "Athena, 'Ma, pagpasensyahan mo na. Ikaw naman ang nagsimula kanina," umawat si Jared sa kanya. "Ha? Athena? 'Ma? Ano 'to?" naguguluhang tanong ni Steph. "She's the Goddess Athena, Minerva in Roman. At Mama ko siya. Anak niya ako sa isang mortal. Isa akong Demigod. I think, isa ka ring Demigod, pero hindi ko maintindihan kung kaninong kapangyarihan mo namana iyang meron ka. It's really weird, and honestly, it's dangerous. Kahit ang isang Goddess, napasailalim sa kapangyarihan mo." Tumingin ito sa Mama niya. "Hindi ko maintindihan... isa lang akong ordinaryong anak ng mangingisda sa dagat. Paano akong magiging anak ng isang god o goddess?" "Nakilala mo ba ang both parents mo?" tanong ni Athena. "N-no. Just my father." "See. Then it means isang Goddess ang other half ng magulang mo, but your power is totally different from any of them. Kaya ako nandito ay para maghanap ng iba pang Demigods na naliligaw, at kanina napansin kita. Iba ka sa kanila. Sabi rin ni Pinky, naamoy niyang Demigod ka," paliwanag ni Jared. "Pinky? Sinong Pinky?" "Iyong sa registrar. Isa siyang female Satyr. Naamoy niya noong nag-enroll ka. Itong si Mama eh sumabit lang ngayon, boring daw doon sa kanila eh kaya nag-pretend na professor dito." Napabuntong-hininga si Steph. Hindi niya alam kung paano niya ia-absorb ang mga narinig niya ngayon. "Hindi ka dapat dito nag-aaral. Dapat sa Demigod Cytheria Academy ka. Masyadong delikado ang kapangyarihan mo para makisalamuha ka sa mga ordinaryong tao. Nilingon nito ang nag-iisang estudyanteng tahimik sa sulok. Hindi rin napansin ni Steph na may isa pang nilalang doon mula kanina pa. Nakapikit ito, pero halatang nakikinig. Iyong lalaking mayabang. "Luis." Pukaw nito sa lalakeng mayabang. "Narinig ko ang usapan n'yo, pati na rin ang sinabi niyang ipikit mo ang mga mata mo, kaya gumaya ako." Dumilat ito. Lumapit kina Jared sa harap. "Si Luis, Demigod din siya. Unknown parent din like you. Noong isang araw ko lang din siya natagpuan, noong enrollment. He can hear voices kahit gaano pa kalayo." Inirapan ito ni Steph. Inis pa rin siya dito. "Tama na ang usapan. Ang mabuti pa ay ihahatid ko na kayo sa Demigod Cytheria Academy, para mas madali kayong makarating doon. Jared, hawakan mo sila," utos ni Athena. Hinawakan ni Jared si Steph sa braso at sa balikat si Luis. Humawak naman si Athena sa Balikat ni Jared saka sila nag-teleport sa Demigod Cytheria Academy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD