Isinayos ang bulwagan para sa piging. Naglagay ng mga mesa at upuan sa gitna na natatakluban ng mga gintong sapin. Naayos ang mga gintong kopita sa bawat mesa, kapares ang gintong plato at mga kubyertos. Naaadornohan ang buong paligid ng naggagandahang iba't ibang uri ng puti at dilaw na bulaklak, mula ang mga ito sa hardin ni Persephone. Isa-isa nang nagdatingan ang mga imbitadong imortal sa piging. Dumating na rin isa-isa ang labindalawang Olympians. Naunang dumating si Dionysus, bitbit at paboritong gintong kopita na hindi nauubusan ng alak. Kasunod na pumasok sa bulwagan ng Olympus Hall si Hermes, nakasuot ito ng itim na tuxedo. Lumakad ito patungo sa kaniyang nakalaang trono. Sunod na dumating si Athena, suot ang asul na bestidang nakahakab sa magandang hubog ng katawan nito. Taas an

