Sinundan ni Steph si Aphrodite palabas ng palasyo. Habang naglalakad ay minamasdan niya ito mula sa likuran, saka bumulong sa sarili. "Tunay ngang maganda siya, kahit likod ay dyosa talaga. Ang masaklap ay hanggang panlabas lamang ang kagandahang nakikita ko." Patuloy niya itong sinundan habang pinagmamasdan pa rin ang likuran nito. Huminto si Aphrodite sa isang napakagandang hardin. Puno ito ng mga halaman at bulaklak na hindi niya alam kung ano ang mga pangalan pero magaganda at matitingkad ang mga kulay nito. Iba-iba ang kulay at laki ng mga talulot ng mga bulaklak. Nababagay ang kagandahang nakatalikod sa kaniya sa ganitong klase ng hardin. "Ano ang kailangan mo sa akin?" diretsong tanong ni Steph dito. "Nakagugulat na nais mo akong kausapin. Ako na ikinahiya, itinatwa at isinumpa m

