How to Love Chapter 29 "Shane, sasali ka?" tanong ni Tin habang kumakain kami sa room. "Saan?" "Doon sa in-announce na short writing story? Yung sa English?" "Ah, ewan ko lang. Gusto mo bang sumali?" Kahit anong genre naman daw yung short writing contest kaya lang isang tao lang daw ang pwedeng sumali per section. She shook her head. "Wala naman akong hilig magsulat eh. Puro basa lang." "Ikaw na lang, Best." Biglang sabi ni Ralph. "Ayoko nga." I said. "Baka mamaya kung ano pang masulat ko diyan eh." Ralph laughed. "Oo nga, baka mamaya ikwento mo pa yung love story mo diyan—aray!" Kung ano-ano kasing sinasabi, ayan tuloy nahampas ko. "Ang epal mo ha?" He grinned at me and I rolled my eyes at him. "Tumigil ka, Ralph ha? Ang g**o mo. Ginugulo mo buhay ko." Totoo naman na ginugulo

