C H A P T E R 3 8: T H E C A U S E A N D E F F E C T O F T H E S U N S E T P T. 1 TAGAKTAK ang pawis ni Natalie nang maibaon ang kahuli-hulihang buto ng okra sa lupa. Inalis niya ang suot na gloves at tumayong ipinunas ang face towel sa noo at mukha, tinatanaw mula sa kinatatayuan ang bandang sulok ng lupain kung saan nai-transplant niya ang mga tumubong petchay at kamatis. She had never done planting in her life and to her surprise, nabuhay lahat ng mga butong itinanim niya, anim na gabi na ang nakalilipas—mula nang tuluyang maghiwalay sila ni Bradley. Sa ilalim ng malaking puno ng acacia, umupo sa duyang ikinabit ni Mang Nardo para sa kanya. Tulad ng panibagong daily routine ni Natalie, matapos magbungkal ng lupa at magtanim, nilalango niya ang sarili sa alak; ang cranb

