C H A P T E R 2 8: B O D Y C H A I N S "BRADLEY, can I ask you something?" aniya pagkapasok na pagkapasok sa mansyon habang si Bradley ay nasa likuran niya. "What is it?" ani Bradley. Sinundan iyon ng pagsara ng main door ng mansyon. Bagaman ay nanatiling nakatalikod siya, humalukipkip. She just couldn't face him. "Are you sure you want to marry me?" Katahimikan ang pumailanlang maliban sa tunog ng keypad ng door lock. Napakunot ang noo niya, pumihit at hinarap ang lalaki. Nakatalikod ito, nakayuko, panay ang paggalaw ng kanang braso habang patuloy pa rin ang sunud-sunod na pag-beep ng door lock. Busy pala ang lalaki kaya marahil hindi siya naririnig. Gayunman, napatanong siya sa sarili. Paano kung mag back-out si Bradley sa kasal nila kapag sinabi niya rito ang isang bagay na da

