C H A P T E R 2 6: K U T O B P T .2 UNTI-UNTING nawala ang mga bisita. Tapos na rin ang program, ngunit ang ngiti ni Natalie ay hindi pa rin nawawala. Everything was getting better and better. Kanina, bago mag-umpisa ang party ay in-approach na ni Bradley si Wena; humingi ng pabor sa kung anong bagay na mukhang isinisikreto sa kanya nito. Hindi na rin siya nag-usisa pa dahil mukhang walang balak ang lalaking sabihin iyon sa kanya. Gayunman, nabatid na ni Natalie na naayos na ni Bradley ang kung anong pinoproblema nito. Mula sa kinauupuan, nilingon niya ang lalaki. Patalikod itong nakasampa sa counter ng mini bar na sinadyang itinayo sa bandang sulok ng garden para sa party. Kasama nito ang ilan sa mga kabanda na panay ang tawanan. Kung noong mga nakaraang araw, laging tulala si Br

