PROLOGUE
Emerald
Sa likod eskuwelahan hinila niya ako, kasama ang kaniyang mga kaibigan. Isinandal niya ako sa isang pader at sinusuri ang aking mukha. Gumagalaw ang kaniyang mga mata na parang may nagawa akong mali na hindi niya nagustuhan.
“I don't want to repeat, what I said. How many times do I have to tell you that I am the only one who owns you?” madiin niyang wika sa akin.
“Hindi mo ako pagmamay-ari at hindi ako ipinanganak para angkinin mo na sa’yo. May sarili akong buhay, kaya tantanan mo ako!’’ matigas kong sabi sa kaniya.
Hindi ako nagpapakita ng kahinaan o takot dahil alam ko na mas lalo lang lalakas ang loob niya upang pagbantaan ako. 3rd years college na ako sa Kurso kong Business Management. Subalit parang hindi ko na yata matapos ang kinuha kong kurso dahil sa masugid kong manliligaw na isang anak ng may-ari ng paaralan na pinapasukan ko.
Nagtataka ako kung bakit ang lahat ng mga estudyante at mga guro rito ay kinakatakutan siya. Dahil ba ama niya ang may-ari ng paaraalan na ito, kaya ang lakas ng loob niya upang takutin ang sino mang gusto niyang takutin?
“Alam mo kung ano ang mangyayari kapag nagmatigas ka, Emerald De Vera. Ang lalake na lagi mong kasama na boyfriend mo? Isang pitik ko lang ng aking daliri mawawala siya sa paaralan na ito at hinding-hindi mo na makikita kahit kailan man. Huwag mo akog subukan!’’
Kinabahan ako sa banta niyang iyon. Ilang estudyante na ba ang nabugbog at na-bully sa paaralan na ito kapag sinuway ang gusto niya? Ayaw ko mangyari iyon kay Enrico. Kahit anak siya ng asawa ni Tita Margaret, at hindi niya gusto si Tita Margaret para sa Daddy niya ay naging mabait naman si Enrico sa akin.
One Years ago nang sinagot ko si Enrico. Sumunod ako sa kaniya rito sa America upang may kasama siya at iyon ang utos ng kaniyang ama na samahan ko siya rito. Malalim, ang hidwaan ng mag-ama, kaya bilang kabayaran sinunod ko ang utos ni Tito Frederico na bantayan si Enrico.
Paano ko matutupad ang pangako ko kay Tito at Tita, kung mapapahamak man lang si Enrico dahil sa akin? Magkaiba kami ng paaralan ni Enrico subalit iisa lang ang may-ari. Sa tuwing pagkatapos ng klase sinusundo niya ako at sabay kami umuuwi sa condominium na inuupahan namin. Magkaiba ang silid namin at madalas sabay din kami pumapasok sa paaralan.
“Huwag mo pakialaman si Enrico, ano ba ang nagustuhan mo sa akin at ayaw mo ako tantanan?’’ Pigil ang mga luha sa aking mga mata habang tinatanong ko iyon sa kaniya.
“Don't ask me that stupid question of yours, Emerald! You already know the answer!”
Kinakabahan ako sa klase ng mga tingin niya sa akin. At sa klase ng sagot niya kapag nagtatanong ako.
“Binabalaan kita! Oras na makita ko pa na magkasama kayo ng lalaking iyon, sinisigurado ko na hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Nasa mga kamay mo ang buhay ng lalaking iyon, Emerald!
Pagkasabi niyang iyon ay tumalikod siya at sininyasan ang kaniyang mga kasama na iwanan na ako at sumunod sa kaniya. Parang titiklop ang tuhod ko nang tuluyan na silang umalis. Ayaw ko mapahamak si Enrico, kaya wala akong ibang pagpipiliian kundi ang gawin ang ikabubuti ng lahat.
“I’m Emerald De Vera, 22 years old. The only child of Mr Lando and Mrs Mera De Vera. My goal is to finish my study and become a famouse business woman. My Dream is to have my own happy family. I was young when my parents died in a construction site that collapsed in Holand City. My Aunt, Aunt Margaret stood as my parents. I stopped studying for a year. With the help of my Aunt, I was able to continue studying that's why I'm here in front of you. Thank you."
Palakpakan ng mga ka-klase ko ang aking narinig matapos ko mag-present sa gitna sa isa naming subject na kailangan ipakilala ang sarili namin sa harap ng mga ka-klase namin. Sa paaralan na ito hindi ako palakaibigan. Mailap ako sa mga estudyante na para bang may sarili akong mundo.
Pagkatapos ng klase paglabas ko sa paaralan isang magarang sasakyan ang naghihintay sa akin. Suot ang kaniyang sun glasses na kulay black at naka polo na kulay asul at nakatupi ang manggas hanggang sa kaniyang siko. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan.
Tahimik akong pumasok sa loob ng sasakyan at naupo front seat, subalit sa hindi kalayuan may mga matang nakatingin sa akin na para bang tagos ang hanggang sa kaluluwa ko ang klase ng tingin niya.
“Do you want to drink a coffee first?’’ Walang expression ang mukha ni Enrico sa akin nang tanungin niya ako at isuot ang kaniyang seat belt pagkatapos niyang pumuwesto sa harap ng manobela.
“Yes, may mahalaga tayong pag-uusapan,’’ matamlay kong sagot sa kaniya.
Kung nakakamatay lang ang tingin sa akin ng anak ng may-ari ng paaralan na pinapasukan ko nang dumaan ang sinasakyan ko sa harap niya kanina pa siguro kami humandusay ni Enrico. May pagbabanta sa mga mata niya habang nakatingin sa sinasakyan ko.
“Kumusta ang araw mo sa paaralan?’’ tanong ni Enrico.
“Okay lang naman,’’ tipid kong sagot at nagkibit balikat.
Habang nasa kahabaan kami ng kalsada may tumawag sa cellphone ni Enrico. Pinindot niya ang wireless earphone na nakakabit sa tainga niya.
“Napatawag ka, Dude?’’ tanong ni Enrico sa kabilang linya.
Hindi ko naman marinig ang sagot sa sa kabilang linya. Subalit sapat na sa akin malaman na may hindi magandang nangyari sa kung sino man ang kausap ni Enrico.
“Okay, okay, hintayin mo ako riyan, Bro.” Nagmamadaling iniliko ni Enrico ang sasakyan na para bang mahalaga ang bawat oras.
“May nangyari ba?’’ tanong ko habang nagtataka na pinagmasdan siya.
“Daanan ko lang muna si Lorenzo sa bar. Pasensya na, ha? Mukhang may problema yata siya,’’ paumanhin ni Enrico sa akin.
Tipid lang akong tumango. Ilang saglit pa dumating kami sa isang bar. Agad bumaba si Enrico at nagtungo sa loob ng bar. Pinaiwan niya na ako sa loob ng sasakyan. Alas-siete emedya na ng gabi. Mula ala-una ng hapon hanggang alas-siete ng gabi ang pasok ko sa paaralan. Sa umaga alas-singko ng umaga hanggang alas-nuebe ng umaga nagta-trabaho ako sa isang restaurant bilang cashier.
Ayaw ko naman na laging umaasa kay Tita at Tito. Dito sa America kailangan may sarili ka ng pera at hindi ka na umaasa sa mga magulang mo pagtungtong mo ng de sy otso. Independent ang mga bata rito. Sanay kumita ng sarili nilang pera.
Ilang sandali pa ang lumipas akay-akay na ni Enrico si Lorenzo, patungo sa kinaroroonan ko. Pinaupo niya ito sa backseat ng driver nang makarating sila rito sa sasakyan. Pagkatapos pinaupo ni Enrico si Lorenzo, pumuwesto naman ito sa driver seat at binuhay ang makina.
“Anong nangyari riyan?’’ tanong ko kay Enrico.
“Nasobrahan yata sa inom. Kaya pala parang hindi ko siya nakita sa school kanina,’’ sagot ni Enrico at pinatakbo na ang sasakyan. “Pasensya na sa condo na lang tayo tutuloy. Hindi ko puwede iuwi si Lorenzo sa kanila na ganito ang kalagayan niya. Mamaya mapapagalitan siya ni Tita Rosa,’’ hingi ng paumanhin ni Enrico.
“Okay lang. Sa condo na rin tayo mag-usap,’’ seryoso kong tugon sa kaniya.
Napapakunot ang noo niya na parang nahahalata na may problema ako.
“Bro, she broke up with me,’’ basag na boses ni Lorenzo.
Itinabi ni Enrico ang sasakyan. Pareho kaming napalingon ni Enrico kay Lorenzo.
“Bakit, Bro? It is imposible, Bro. Alam natin kung gaano ka kamahal ni Katrina,’’ hindi makapaniwalang saad ni Enrico sa kaibigan.
“She said she wanted someone else. She says I'm not good enough for her. She was my first love, why did she do this to me?’’ umiiyak na wika ni Lorenzo sa amin ni Enrico.
“Maraming babae, Bro. Kalimutan mo na siya,’’ tugon lang ni Enrico sa sinabi ni Lorenzo. Nakainom si Lorenzo at lasing ito.
Isang text message ang natanggap ko. Halos manlaki ang mga mata ko habang binabasa ko ang text message na iyon. Galing iyon kay Daniel Carters.
“That's my warning alarm to you, Emerald. That people around you will be hurt because of your stubbornness. Stay away from the man you are with. Trust me, if you don't break up with your boyfriend, you'll find them all floating down the river.”
Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba. Kung hindi ako magkamali, kagagawan ni Daniel kung bakit nakipaghiwalay ang girlfriend ni Lorenzo sa kaniya. Para siyang Diyos kung itrato ng ibang estudyante. Ano pa ba ang kaya niyang gawin kung hindi ko susundin ang gusto niya?
Inuwi ni Enrico si Lorenzo sa condo unit niya. Kabado ako nang makarating sa condo unit ko. Hindi ko pa nga nailapag ang bag ko tumawag na naman ang Impakto sa cellphone ko.
“What do you want?’’ galit kong sagot sa kabilang linya.
“Your timer is start now. You have one hour and fifty eight seconds left to break up with Enrico. If you don't want your boyfriend's unit to collapse,’’ pagbabanta niya sa akin.
Nakakalat ang mga tauhan niya, kaya alam niya ang bawat kilos ko. Pinagsisisihan ko na nanalamin ako sa sasakyan niya at nagasgsan ko ito ng bato na nasipa ko habang papasok ako sa restaurant na pinapasukan ko. Nagsisisi ako ng araw na nagkita kami ng Impakto na iyon.
Sa paaralan na pinapasukan ko roon siya nag-aral. Narinig ko sa iba na isa siyang business tycoon. After niya makapagtapos may sarili na raw itong negosyo at walang sino man ang gustong bumangga sa isang katulad niya. Noong una akala ko isa siyang estudyante sa paaralan na pinapasukan ko. Subalit isa pala siyang visitor kung minsan sa paaralan.
“Tantanan mo na ang mga malalapit sa akin. Gagawin ko na kung ano ang gusto mo, basta layuan mo sila, please!” Halos mapigtas na ang lalamunan ko sa pakikiusap sa kaniya na huwag saktan si Enrico at ang mga taong malapit sa akin.
“I’m easy to talk to, Miss De Vera,’’ aniya at naputol na ang kabilang linya.
Mabilis akong nagbihis at nagtungo sa unit ni Enrico. Hihintayin ko pa ba mapahamak si Enrico bago ko gawin ang nais ni Daniel? Ilang sunod-sunod na katok ang ginawa ko bago ako pagbuksan ni Enrico.
“Mabuti bumaba ka, Babe. Tinatawagan ko ang cellphone mo, kaya lang busy. Gumawa na ako ng coffee sa coffee maker. Pumasok ka, dito ko muna si Lorenzo patulugin sa bahay. Sabay na lang tayong tatlo maghapunan,’’ malawak na ngiti ni Enrico sa akin.
Subalit hindi ako pumasok kailangan ko ng sabihin ang dapat kong sabihin.
“Gusto ko na makipag-break sa’yo, Enrico.” Ang ngiti ni Enrico sa labi unti-unting nawala.
“Are you kidding me? This is not the time for jokes, Babe,’’ walang expression ang mukha niyang wika sa akin.
“Hindi ako nagbibiro, Enrico. May mahal na akong iba at dapat kailan ko pa ito sana sabihin, kaso wala akong oras sabihin sa’yo. He Promise me na papaaralin niya ako at ibibigay niya ang lahat ng gusto ko. Hindi na ako makapaghintay na maka-graduate ka. Isa pa may nangyari na sa amin at alam ko na ayaw mo ng hindi virgin. Sorry kung sa kaniya ko naisuko ang virginity ko. Na-realize ko kasi na hindi talaga kita mahal. Isa pa ano na lang sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nila na pamangkin ako ng asawa ng Daddy mo?’’ Sinisikap ko maging buo ang boses ko upang hindi mapaghalataan ni Enrico ang pagsisinungaling ko.
Subalit ang totoo nadudurog ang puso ko. Ang sakit makipaghiwalay ng ganito sa lalaking gusto mo at first love mo. Hindi lang naman kasi kasintahan si Enrico para sa akin isa siyang mabuting kaibigan, kapatid at kasintahan. Sa kaniya ko natagpuan ang pagmamahal na hindi ko naranasan sa iba.Tinanggap niya ako ng buong-buo at minahal niya rin ako sa kabila ng galit na nararamdaman niya sa Tita ko.
Natulala siya na hindi makapaniwala sa sinasabi ko sa kaniya. Ilang saglit pa ngumisi siya ng nakakauyam. “Pamangkin ka nga ni Margaret. Pareho kayong gold digger. Pareho kayong hindi makuntinto sa anong mayroon kayo. Kalimutan ko ang araw na nakilala kita, Emerald. Pagsisisihan mo ang lahat ng ginawa mo sa akin. Hindi ka magiging masaya sa buong buhay mo! Magsama kayo ng tiyahin mong mukhang pera dahil pareho lang naman kayon dalawa!”
Pabalibag na isinara ni Enrico ang pintuan pagkatapos niyang sabihin ang mga masasakit na salitang iyon sa akin. Napahagulgol ako na napasandal sa pader. Mas gugustuhin ko pang magalit siya sa akin kaysa mapahamak siya ng dahil sa akin. Umakyat ako sa condo unit ko at tinawagan ang numero ni Daniel na tumawag sa akin kanina.
“Good Job, Emerald. Ang sarap mo paglaruan,’’ wika ng Impaktong Demonyo sa kabilang linya.
“Ang sama mo. Tandaan mo ito. Darating ang araw na sisingilin kita sa lahat ng ginawa mo! Wala kang kasing sama, Impakto ka! Demonyo!’’ sigaw ko sa kaniya sa kabilang linya.
“Sinisingil lang naman kita sa ginawa mo. Sinabi ko naman sa’yo masama akong kalabanin. Pasalamat ka nga at na in love pa ako sa’yo dahil kung hindi baka nakabaon ka na sa lupa. Siya nga pala, narito ako sa tapat ng condo mo. Samahan mo ako magkape, para naman mahimbing ang tulog ko mamaya. Ops! Bawal tumanggi at hindi pa natanggal ang bomba na nakakabit sa condo unit ng ex-boyfriend mo,” paalala nito sa akin bago ako pinatayan ng cellphone.
Gustuhin ko man na tanggihan siya subalit ayaw kong ilagay sa alanganin ang buhay ni Enrico at Lorenzo. Nagbihis ako at bumababa ng building. Tumawid ako sa coffee shop at pumasok. Nakita ko kaagad ang Impakto sa isang sulok ng restaurant habang kampante na nakaupo at hinintay ako.
“Maupo ka,’’ alok niya sa akin.
Naupo ako at nakipagtagisan ng tingin sa kaniya. “Nagawa ko na ang gusto mo. Siguro naman tantanan mo na si Enrico. Sinusumpa ko talaga ang araw na nakilala ka Mr. Carters!” nanggigil kong sabi sa kaniya.
Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. “Wala naman akong gagawing masama kay Enrico. Actually kaibigan kong matalik si Lorenzo. Well, wala naman akong kinalaman sa paghihiwalay nila ng girlfriend niya. At wala akong pakialam, ang pakialam ko sa’yo lang Emerald. Gusto kita maging babae ko. Babayaran kita ng malaking halaga sa bahay ka tumira. Ako ang bahala sa tuition mo at sa lahat ng pangangailangan mo. Gusto ko lang makita ng mga magulang ko na may babae sa bahay ko.”
Napalunok ako ng laway sa alok niyang iyon sa akin. “Maraming babae riyan, bakit ako?” Halos maputol na ang litid sa aking leeg sa tanong kong iyon sa kaniya.
“Simple lang, dahil ikaw ang gusto ko,” aniya saka uminom ng kape.
“Ano ang akala mo papayag ako sa gusto mo? Hindi ako laruan para paglaruan mo, Mr Carters,’’ madiin kong sabi sa kaniya.
“Napaglaruan na kita kanina, Miss De Vera. Simple lang naman ang gagawin mo. Pumasok ka sa paaralan, tapos umuwi ka ng bahay matulog o manuod ng telebesyon. Mag-shopping ka kung gusto mo. Bibigyan kita ng allowance, magiging buhay Princesa ka. Kung tutuusin napaka-suwerte mo dahil maraming may gusto sa posisyon mong ito. Bihira lang ako ma in love, Miss De Vera. Kaya, ipagpasalamat mo dahil type kita!”
Napaawang ang labi ko sa huli niyang sinabi. “Ha! Kung para sa’yo masuwerte ako, para sa akin napakamalas ko dahil type mo ako. Maghanap ka ng bago mong laruan at tantanan mo na ako!’’
Tatayo sana ako upang talikuran siya subalit napahinto ako sa sinabi niya. “Mamili ka, isang kumpas lang ng kamay ko makukuha ko ang restaurant na pinagta-trabahuhan mo at ang building na tinitirhan mo. Hindi lang iyon. Kaya ko rin pabagsakin ang negosyo ng ex-boyfriend mong si Enrico. Pag-isipan mo ang alok ko sa’yo, Miss De Vera.”
Pagkasabi niya tumayo siya at nag-iwan ng pera sa lamesa saka umalis. Napanganga ako literally sa sinabi niyang iyon habang tanaw siya na sumakay sa magara niyang sasakyan. Hindi ko lubos maisip makaharap ko si Satanas sa oras na ito.
Laglag ang balikat ko na umuwi sa aking condo unit. Pabagsak akong nahiga sa kama. Ilang sandali ang lumipas tumunog ang cellphone ko at tawag iyon galing sa Holand kay Tita Margaret.
“Tita, kumusta na po kayo riyan?” tanong ko sa kaniya.
“Ayos lang naman kami, Iha. Kumusta na kayo riyan ni Rico? Napag-usapan namin ng Tito Frederico mo na pag-graduate ni Rico magpakasal na kayong dalawa,’’ malamyos na boses ni Tita na wika sa akin.
Nalungkot ako sa aking narinig. Alam ko magagalit si Tita kapag nalaman niya na nakipaghiwalay ako kay Enrico.
“Wala na po kami ni Rico, Tita.” Bahagyang natigil ang sa kabilang linya. Ilang sandali pa malalim na buntonghininga ang narinig ko kay Tita.
“At ano ang nagyari sa inyo?’’ problemadong tanong ni Tita.
“Nakipaghiwalay na ako sa kaniya, Tita. Sorry, pero hindi ko na mahal si Rico,’’ pigil na iyak kong sabi kay Tita.
“Emerald, naman! Alam mo naman na galit si Rico sa akin dinagdagan mo pa! Ano ba ang nangyayari sa’yo? Noong nakaraan tuwang-tuwa ka habang sinasabi mo na excited kang makasal kay Rico,’’ sumbat ni Tita sa akin.
“Tita, naisipan ko kasi na parang ang sama tingnan na asawa mo si Tito Frederico, tapos ikakasal kami ni Enrico. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao?’’ Iyon na lang ang tanging nasabi ko kay Tita. Hindi ko naman puwede sabihin ang totoong nangyayari sa akin dahil ayaw kong mapahamak sila dahil sa akin. Mas gustuhin ko pa na mag-isang harapin ang probelama kaysa may makiramay sa akin at madamay lang din.
“Panahon na siguro para malaman mo ang totoo. Kung ang iniisip mo ang kalagayan natin at parang magkapatid na kayo ni Enrico, nagkakamali ka Emerald. Malaya ninyong mahalin ni Enrico ang isa’t isa. Una hindi naman kayo magkadugo. At mas lalong hindi ka tunay na De Vera. Sanggol ka pa lang ng mapulot ka ng Papa mo sa tabi ng ilog.”
Namanhid ang pisngi ko sa sinabing iyon ni Tita. Pinagloloko niya ba ako? Kaya, niya ba sinasabi sa akin ito upang ipagpatuloy ko ang pakikipagrealsyon kay Enrico?’’
“Tita, kahit sabihin mo pa iyan sa akin hindi na magbabago ang isip ko. Hindi mo na kailang mag-imbinto pa ng kuwento para lang makipagbalikan ako kay Enrico. Buo na ang desisyon ko at hindi na iyon mababago pa,’’ matigas kong sabi kay Tita.
“Hindi ako nag-iimbinto ng kuwento, Emerald. Bago naaksidente ang Mama at Papa mo iniwan niya sa akin ang lampin na nakabalot sa’yo noon. May nakasulat sa lampin ng pangalan mo, Emerald ang nakasulat subalit ang apilyedo mo hindi mabasa dahil napunit iyon. Patawarin mo ako kung ngayon ko lang sinabi sa’yo. Hindi naman iyon basihan upang hindi kita maging pamangkin. Minahal kita bilang pamangkin at anak ko na, Emerald. Ayaw kong masaktan ka at isipin na iba ka sa akin.’’
Tuluyan na talagang gumuho ang mundo ko sa sinabing iyon ni Tita. Sadyang napakailap ng tadhana para sa akin. Bakit ngayon ko pa nalaman ang totoo? Bakit patong-patong na unos na dumarating sa buhay ko? Sino ako? Saan ako galing? Sino ang totoo kong mga magulang? Mga katanungan na hindi ko masagot na parang binabarina ang ulo ko.