Sumibol sa labi ng binata ang isang dalisay at matamis na ngiti. Kumawala ito mula kay Kisses at seryosong tumayo sa harapan nito. Hindi naman pinutol ng dalaga ang paningin dito na tila ba naghihintay ito kung anong magiging sagot ni Kone. Ilang minuto ang lumipas ngunit titig lang ang naging sagot sa kaniya ng binata. Wala pa rin itong imik habang inaalis ng dahan dahan ang mga butones ng suot nitong tuxedo sa harapan ni Kisses. Napangiti pa ito nang makitang namula ng bahagya ang mukha ng dalaga nang itinapon niya ang hinubad na tuxedo sa gilid. Matikas itong tumayo sa harapan nito, suot ang natirang polo na naka-insert lamang sa mamahalin nitong pantalon. Bahagyang napa-angat ang gilid ng labi nito habang ginugulo ang pormado nitong buhok. "Bakit ako maaawa sa'yo? I know you're bra

