Kasalukuyan akong nagpeprepare ng aming gagamitin ni Jacob para bukas. We will have our outing to celebrate teachers day at dahil walang pwedeng maiwan kay Jacob ay kailangan ko siynag dalhin bukas.
As we step on the white sand of the beach dali dali naman akong tinawag at kinawayan ni Jen one of my colleagues.
"Hi baby Jacob" bati nito sa baby ko.
"Hi po tita teacher Jen! You look great on your sunflower dress" magiliw namang bati ng bata.
"Thank you baby Jacob" sabay halik sa pisngi
"Tita teacher! ewww... Im big boy already. Dont kiss me like a baby and dont call me baby anymore" nakanguso nitong pahayag.
imbes na mag react pa si Jen ay natawa na lamang ito sa tinuran ng anak niya.
Jacob is a smart guy. at the age of 3 he could already memorize the alphabet and count one to 100. I was also amaze the way he speaks english. Hindi ko naman kasi ito tinuran na mag english mahilig lang talaga ito manood ng Nick Jr.
" Baby dont act like that I told you already that when you talk to your tita teacher you must be polite." pangaral ko sa bata. Ayaw ko may masabi na hibdi maganda sa aking anak ang mga kasamahan ko ngunit alam naman ng mga ito na hibdi talaga nagpapakiss ang bata kasi giit nito ay malaki na siya. Ito lang talaga si Jen ang mahilig asarin si Jacob.
"Sorry po tita teacher" nakayukong saad ng bata.
Isa sa nakakagiliw sa bata ay madali itong magsosorry.
niyakap lang ito ni Jen para aluin alam kasi nitong iiyak sj Jacob kapag nag sosorry ito.
Jen is my clossest friend sa school na ito siguro dahil sing edad lang kami kaya nagkakasundo kami a lahat ng bagay.
"Mabuti pa itong si Thalie ay nakatikim na ng langit dahil may baby na ito kayang si Jen kailan pa?" nakatawang turan ni Nicole habang inaayos ng mga ito ang pagkain sa lamesa.
Mahilig talagang biruin nito si Jen kasi nga 31 na ito ngunit wala pang boyfriend.
" pang huling taon mo na ngayon sa kalendaryo ah wala ka bang plano na magboboyfriend?" tanong naman ni Clarise.
" Jen kapag ikaw magkaboyfriend sagot ko ang isang letchon" sabat naman ni Rhea.
Natawa na lang ako sa mga 'to hindi talaga nila hinahayang makasagot si Jen sa sunod aunod nilang tanong.
" Hay naku sa inyo! bakit ba pinoproblema nyo ako? bakit kayo? may jowa ba kayo?
Ilang taon lang naman ang agwat natin ah mag tutwenty eight kana rin Clarise at pati ikaw rin Nicole at mas lalo kana Rhea diba birthday muna sa susunod na buwan at 29 kana?
pag makapag salita kayo parang ang happy ng lovelife nyo ah! " pikong ganti ni Jen sa tatlo.
"siguro kung ibang propesyon ang kinuha natin ay may kanya kanyang pamilya na tayo ngayon" malungkot ngunit makatunayang saad ni Clarise.
" Kasi sa nature ng trabaho natin hindi talaga malayong tatanda tayong dalaga neto . Aalis ng umaga at uuwing malapit nang gumabi tapos gagawa pa tayo ng lesson plan at ubang report wala na tayong time na pumunta sa bayan upang makahanap ng jowa palagi nalang libro, papers at mga bata ang kaharap natin buti panga itong si Thalie eh may Jacob na siya kahit wala siyang partner ay masaya narin siya" dagdag pa nito.
"Eh tayo? tatanda na nga tayong dalaga wala pa tayong anak na mag-aalaga sa atin kapag tayo ay uugot ugod na!
Natawa na lamang kami sa tinuran ni Clarise. Tama naman ito. The nature of our work ay malayo talagang makapag asawa ka kung ganito kami ka busy palagi. Our weekends ay minsan ginagamit namin upang puntahan ang mga mag-aaral namin na madami nang absent para bigyan ng gawain upang makahabol sa klase kaya napa ka dalang lang kapag kami ay lalabas at magkasiyan tulad ngayon.
Teachers day talaga ang inaabangan namin kasi dito kami maka hinga dahil binibigyan kami ng isang araw upang mag saya.
Bandang alas dyes ng gabi nang maisipang kung bumalik sa mga kasamahan ko. pagkatapos kung mapatulog si Jacob ay nagpasya na akong lumabas.
Bumungad naman sa akin ang masasayang kwentuhan at tawanan ng mga kasamahan ko. Napailing na lamang ako ng makita ko ang isang bote ng bear na pinapaikot nila para tuloy itong mga bagets kung makapag laro ng truth or dare.
"Heto na pala si Thalie. Halika upo ka para makasali ka sa amin. Pero tika lang natutulog naba si Jacob?" tuloy tuloy na
" Ou napatulog ko na siya" sagot ko naman at umupo katabi ni Jen.
Napatulog ko si Jacob matapos itong magwala kanina nang gusto nitong maligo sa dagat ngunit hindi ko pinayagan. Ayaw ko kasing sipunin ito lalo nat gabi na at maginaw. Jacob has tantrums pag hindi nasusunod ang gusto nito. Ngunit pagkatapos kong aluin at yakapin ay kumalma agad ito at nakatulog habang nakakandong sa akin.