"How about visiting Ate Lei?
Kumunoot ang noo ni Ashton sa naging tanong ng kanyang pinsan. Tila hinahagilap sa kanyang ala-ala ang taong iyon.
Samantala, biglang sumulpot ang amo ni Leinara sa kanyang likuran. Muntik na siyang mapasigaw sa tapik nito sa kanyang likod.
"May pagka-chismosa ka rin pala?" pabirong wika ng kanyang amo habang inaayos ang mga slices ng cake sa lalagyan.
"Lagi na lang kayong nanggugulat, Boss Dominador Fernando E. Ignacio," biro pabalik ni Leinara. Nagtagumpay naman siyang asarin ang amo nang maningkit ang kanyang mga mata.
"You know that I hate my first name. It seems like someone wants her salary to be deducted, huh?"
"Boss naman, parang hindi mabiro." Agad siyang nagpunas ng plorera na malapit sa kanya para ipakitang sinisipagan niya ang pagtatrabaho, ngunit natigil ang kanilang asaran nang maagaw ng atensyon niya ang malakas ngunit mahinhing tawa ni Cristie.
"I'm just comfirming if you forgot some of your friends, no."
Agad namang tumugon ng tawa si Ashton. "It's just three years. Why would I forget all of the important people in my life? You're still silly, Cristie." Muling tumawa si Ashton at pinitik ang noo nito.
Habang pasimpleng pinagmamasdan ni Leinara ang dalawa, hindi niya maiwasang umasa na isa siya sa mga hindi nakalimutang importanteng bahagi ng buhay ng binata. Ngunit malabo nang bumalik pa sa dati ang kanilang pagkakaibigan dahil sa kanyang kakaibang nararamdaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago.
"And I'm not belong into your world anymore," bulong niya sa kanyang sarili. Tinutukoy niya ang langit-lupa nilang estado sa buhay.
"Tulala ka na naman dyan, Lei. Don't tell me na boyfriend mo 'yang nakatalikod na 'yan at kabit niya ang magandang babae sa harap niya?" bulong sa kanya ni Dom, ang boss niya.
Tila nabalik sa wisyo si Leinara at mabilis na humarap sa amo, ngunit hindi makatingin ng diretso. "I know that I'm not as beautiful as her, pero mas lalong hindi ko naman boyfriend ang ganyang..." muling sinulyapan ni Leinara si Ashton na masaya pa ring nakikipag-usap. "...ang ganyang kahanga-hangang nilalang."
Naghatid ng pag-aalala kay Dom ang reaksyon ni Leinara kaya minabuti nitong komprontahin siya. "If that's the case, then I bet that you know this man."
Hindi agad nakapagsalita si Leinara. Hindi siya sigurado kung sasabihin ba niya ang totoo sa kanyang amo o huwag na lang dahil wala na rin namang saysay kahit pa makita siya ng binata.
"Ikaw yata ang masyadong chismoso sa buhay ko, Boss."
Parehas na lamang silang natawa sa isa't isa at hindi na pinag-usapan pa ang kanilang dalawang kostumer.
Nang araw ring iyon, pagod ang buong katawan ni Ashton dahil sa kalalakad upang masamahan ang pinsan sa pamamasyal na para rin naman sa kanya. Katatapos lamang nitong maglinis ng katawan at handa na sa pagtulog. Habang siya'y nakahiga at nakatitig sa puting kisame, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Shane. Ilang sandali pa'y tumawag na ito na agad naman niyang sinagot.
"Hi, Ash! Wait, please accept my video call," bungad ng dalaga kaya agad namang tinugon ni Ashton.
Halatang hindi pa matutulog ang dalaga dahil sa suot nitong puting blouse na may cartoon character pati na rin ang kanyang light make up na hindi pa natatanggal.
Parehas ang time zone ng Tianjin, China at dito sa bansa kaya hindi mahirap hanapan ng oras ang kanilang pag-uusap.
"Nǐ hǎo ma?" (How are you?) Tanong ng dalaga sa wikang Mandarin Chinese.
"I had a tiring day and still adapting," tipid na tugon ng binata.
"Did I interrupt your rest?"
"Bù." (No.) Agad niyang sagot. "Why are you still up?"
"I haven't finish pa kasi my last output. It's kinda hard." Nakasimangot ito na parang bata. "I miss you so much agad, Ash. I wan't to follow you there but I need to stay for another term here."
Tipid na ngiti ang tinuran niya. Sa loob-loob ni Ashton, malaking ginhawa na mapalayo kay Shane dahil sa halos hindi na ito humiwalay sa kanya. Naaapektuhan din minsan ang kanyang pahinga dahil sa mga gustong gawin ng dalaga. Wala namang namamagitan sa kanila at pawang pakikisama lamang sa pamilya ni Shane ang pakikipagkaibigan niya rito.
"Have you been to Liciada already? Did you meet Lei there?" Sunod-sunod nitong tanong.
Sa pagkakataong ito ay talagang napaisip na si Ashton dahil parehas ang binanggit ng kanyang pinsan kanina sa coffee shop at itong tinatanong ngayon ng kanyang kaibigan.
What's with these people? Who's Lei in Liciada? Ani Ashton sa kanyang isipan.
--------
Dahil night shift na ang schedule ni Leinara sa trabaho dahil kulang ang trabahante ng coffee shop tuwing gabi, nag-uumpisa siya ng alas sais ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw.
Ngayon ay lutang ang kanyang isipan habang naglalakad pauwi. Malapit na siya sa kanilang kanto nang mapansin ang ama na may kinakawayan sa loob ng nakaparadang taxi. Ilang sandali pa'y humarurot na ito paalis. Sakto namang napansin siya ng ama.
"Dad, who was that?" agad na tanong niya nang malapitan ang ama.
"Just a friend. Nga pala, ang aga mo umuwi," tugon nito habang sabay silang naglalakad sa masikip na eskinita.
"Yes, Dad. And I think this is better to take care of Mom when you're at work or not around at the day," nakangiting tugon niya sa ama.
Pagdating sa kanilang bahay, nagkalat ang ilang bote ng beer.
"Dad, did you invite your friend to drink with all of these?" may halong pagkadismaya sa boses ni Leinara.
Hindi agad nakapagsalita si Amado hanggang sa makahanap agad ng idadahilan. "Yes, it's my friend's treat."
"Why your friend didn't invite you somewhere? Why did you insist to drink here? If Mom knows about it, she'll be upset too," tugon ng dalaga habang tinutulungan ang ama sa pagliligpit ng mga nagkalat na bote ng alak at pinagbalatan ng mga minatamis.
Sa puntong iyon ay nag-aalala si Leinara na baka kung ano na naman ang kinasasangkutan ng ama, at kung anong klaseng kaibigan ang tinutukoy nito.
Pagsapit ng umaga, maagang gumising si Leinara upang tawagan ang kanyang ina at sinigurong dinalahan ito ng almusal ng kanyang ama.
"See you at lunch, Mom! I love you!" magiliw niyang pagputol sa tawag.
Alas nueve na ng umaga kaya oras na para sa gawaing bahay. Sanay siyang nakikinig ng balita habang naglilinis kaya nakabukas ang kanilang TV. Dahil palakasan ang ingay sa kanilang paligid, nilakasan niya rin ng tunog nito na kulang na lang ay umalingaw-ngaw sa buong bahay.
"Sa panayam tungkol sa inaasahang kasal kay Shane Yen Forrest ay wala itong naging tugon. Gayunpaman, iminungkahi ng ina ng dalaga na kasama sa pagtitipon, na nasa dalawa [Shane at Ashton] ang desisyon kung kailan nila balak magpakasal dahil sa kani-kanilang prayoridad sa buhay partikular sa careers. Myra Velasco, nagbabalita!"