EPISODE 1. Ako si Anica, lumaki ako sa aking lola sa side ng aking nanay, kasama ng aking mga tiyahin, tiyuhin at mga pinsan.

5000 Words
Ready ka na ba? Maasaakit.. (pareho kaming babae pero aaminin ko, Masarap din.. ) habang hinihimas at biglang pinasok ang kanyang mga daliri sa ang aking pribadong parte ng katawan.. .. Ako si Anica, noong pagka panganak sa akin ni nanay ay nag pasya na siyang mag trabaho sa ibang bansa, wala akong kina gisnang ama.. kasama ko sa bahay ang aking lola.. may takot ako na matulad kay nanay, kaya mailap din ako sa mga lalake.. Lagi si nanay sumusulat kay lola at kung minsan ay tumatawag sa landline ng aming kapit bahay gamit ang prepaid call card.. kinakamusta ako ni nanay at pinaaalalahanan si lola na huwag akong pababayaan, batid pa nito ay mahirap daw ang buhay sa ibang bansa, tanging idlip lang daw ang nagiging pahinga ni nanay upang kumita ng pera dahil sa kaliwa't kanang trabaho.. unang beses na umuwi si nanay ay noong ako ay Limang taong gulang..naalala ko pa nuon ay inilibot niya pa kami nila lola sa isang Mall, binilan niya ako ng magagarang pantulog at mga laruan pagkatapos ay kumain pa kami sa masarap na restaurant..at mga ilang araw, kami ay nag swimming kasama ng aking mga pinsan, tiyahin at tiyuhin siyempre kasama ang aking lola.. napaka saya nung mga araw na andito si nanay..tabi kami natutulog ni nanay, habang tulog si nanay ay pinagmamasdan ko ang kanyang mukha, dahil ito ang aking unang taon na nakasama ko siya mula nuong ako ay pinanganak at nagka isip.. napaka ganda ni nanay, makinis ang mukha, matangos ang ilong at manipis ang mga labi ni nanay.... ngunit pag gising ko ng umaga ay wala na sa aking tabi si nanay, nakita ko si lola kung kaya ay tinanong ko siya kung nasaan si nanay, at doon nag simula pumatak ang luha sa aking mga mata.. "Umalis na apo, hindi ka na niya ginising dahil mas lalo lang daw siya malulungkot sa ibang bansa pag nakita ka niyang umiyak.. " ika ni lola.. umalis na pala ang nanay ko pabalik ng ibang bansa..??? tinanong ko ang aking lola, "kelan po babalik si nanay lola?".. ang sabi ni lola ay pag nakaipon na daw si nanay ulit..Mula nuon ay halos linggo - linggo si nanay tumatawag sa landline ng aming kapit bahay, tumatakbo kami ni lola sa tuwing tinatawag kami ng kapit bahay pag si nanay ay nasa linya, nagmamadali kami at baka maputol ang tawag dahil naka prepaid call lang si nanay at may kamahalan ang bawat minuto ng pag tawag.. maka lipas ang dalawang taon, tumawag si nanay sa telepono na may malungkot na boses at Tila naiiyak.. kinakamusta niya ako kay lola, nag aantay ako na matapos ang kanilang usapan para makausap ko si nanay.. narinig ko na lang kay lola habang kausap ni nanay "aba, ikaw kamo ay nagsusuka? ay siya ka.. paano na.. ay aba, wala naman tayo magagawa" habang napapatingin saakin si lola ng pasulyap, ako naman ay nag iisip kung ano ang nangyayari kay nanay.. narinig ko muli ng sumagot si lola sa telepono, "ilang buwan na iyan? at paano ka nakakasiguro na pananagutan ka niyan?" bata pa ako noon at hindi ko talaga lubos maisip ano ang pinag uusapan nila.. hangang sa sabi ni lola "ay teka narito ang anak mo".. ngunit tila ay hindi ako gusto makausap ni nanay, batid pa ni lola.. "tahan na, tahan na huwag ka ng umiyak.. at ako na ang bahala rito, magpahinga ka at mag iingat palagi.." narining ni lola sa kabilang linya "Hey honey whose your talking with? let's go We're almost late.." at nagpaalam na si nanay habang nagmamadali.. ibinaba na ni lola ang telepono..ika ko "lola, bakit ibinaba na po ni nanay?" sagot ni lola nagmamadali ang nanay mo at dumating na ang kaniyang boss.. "halika na apo, tayo'y umuwi na.." masayang sabi ni lola na tila ay nililibang niya lang ako..Pagka dating namin sa bahay ay sabi ni lola saakin, "apo ko, (paglalambing niya) ano ga ang gusto merienda ng aking apo.."ngunit ako ay wala sa aking sarili dahil iniisip ko ano ang problema ni nanay, may sakit ba siya???"Apooooo, halina na rito.. nag luto ako ng paborito mong pancake, lalagyan ko na ba ito ng tskolate na sauce apo".. sumagot ako, "opo lola"..Makalipas ang ilang buwan ay may dumating na package, galing kay nanay.. ako ay 8 y/o sa pagkaka alala ko.."apoooo halika rito, buksan natin, masaya at excited si lola.. sabi ng nanay mo mayroon daw siya biniling magandang bag, damit at sapatos saniyo.."habang kami ni lola ay nag bubuklat ng padala isa - isa, may nakita ako na envelope, at ipinakita ko ito kay lola..inabot ni lola ang envelope, at binuksan.. nandoon ang sulat ni nanay at may naaninag ako na picture.. kung kaya ay sumilip ako, ng biglang nagulat si nanay at itinabi ang picture.. at muli nanaman niya akong inaliw.."apo na sukat mo na ga iyong mga padala ng iyong nanay?.. tugmango naman ako at nag sabing opo lola..hindi ako mapalagay, dahil sa pag kaka silip ko ay picture ng baby ang nakita ko sa litrato, gayun pa man ay hindi ako ganoon kasigurado.. lumapit si lola at may aaminin daw siya, at hirap na din si nanay kung paano ito sasabihin saakin, "oh ano kaya ito? "Apo, yung picture na nakita mo.. (habang kumakabog ang aking dibdib) Siya si Jenica, kapatid mo siya sa iyong nanay.. (Grabe, para akong sinakbluban ng langit at lupa noong mga oras na yun..) " apo, pasensiya ka na hindi namin alam ng nanay mo kung paano namin sasabihin saiyo.. alam kong masasaktan ka, kung kaya't hindi ko mawari kung sa paanong paraan ko saiyo ito ipapaalam, ganon din ang iyong nanay." Gusto kong sumagot at magtanong kung bakit inilihim saakin ng nanay ko ang bagay na yun.. , kaso ano naman ang magagawa ng aking lola.. " apo, may naging nobyo ang nanay mo sa ibang bansa, pero hindi nito pwede malaman na may anak ang iyong ina dito sa pilipinas dahil baka siya ay iwanan lalo na't may anak na sila si Jessica.." hindi na ako kumibo, hindi na rin ako nagpakita ng kahit anong emosyon kay lola dahil ayoko siyang mag isip para saakin.. pumunta na lamang ako sa aking kwarto at doon umiyak ??? ng tahimik.. nakalipas ang ilang taon, hindi na nagparamdam ang nanay saamin ni lola.. marahil ay masaya na ito sa kanyang bagong pamilya.. Mayroong tindahan si lola na nasimulan niya noong panahong nakakapag padala pa si nanay ng pera, at lumago ang kanyang sari sari store hangang sa ito ay naging MINI GROCERY STORE.. malayo saaming lugar ang bayan kaya naman sa amin nag bibilihan ang mga kalapit na lugar.. Nagsisimula na rin ako mag dalaga,.. ako ay 18 years old na, nakakaranas na rin ako na maligawan ng mga kabataan sa amin.. at sabi naman saakin ng lola ay pwede na ako mag entertain pero huwag ko daw kalilimutan ang pag aaral ko.. at dito ko nakilala si Barron, ka schoolmate ko siya.. gwapo, singkit at maputi ngunit hindi ganoon katangkaran.. niligawan niya ako pero dahil sa may takot ako na baka matulad ako sa aking ina, iniwasan ko rin siya.. habang ako ay naglalakad papuntang skwelahan, may nakita ako isang babae na estudyante din sa aming paaralan, hindi lang ito isang beses ko nakita na tumititig saakin.. mga ilang araw may lumapit saakin na ka eskwela ko, at hiningi ang aking number..nagtanong ako kung bakit? sagot saakin ay.. "may nagpapahingi lang".. binigay ko naman ang numero ng aming telepono sa bahay.. dali dali akong umuwi ng bahay at nag hintay ng pang ring ng aming telepono.. Ring.. Ring.. riiiing.. sinagot ko agad kahit ako ay nasa CR pa at nagmamadali ako.. Hello" sabi ko.. sumagot "andiyan po ba si aling Ansang?" kako.. "ay wala po nasa grocery po, sino po sila?" "ay pasabi na lang tumawag si malou, salamat".. (at ibinaba na ang telepono) makalipas ang ilang minuto, nag ring ulit ang telepono.. hello".. (walang sumasagot) hello".. (ayaw pa din sumagot) hangang sa ibinaba ko na lamang.. maya maya ay nag ring ulit.. (alam kong ito na yung nanghingi ng numero ko sa eskwelahan.. hello" (ayaw ulit sumagot) hello.. kung ayaw mong sumagot huwag ka na lang tumawag nakaka istorbo ka".. "Pp-pasensiya na..ang sungit naman" (biglang nagsalita, boses babae, sa pagkakaalam ko lalake ang nanghingi saakin ng numero ko) Ano yun?" sagot ko.. -ahhh, ako nga pala yung nag pahingi ng number mo".. ah ok bakit? " sagot ko ulit.. -wala naman, gusto ko lang sana makipag kaibigan" (nahihiyang sagot nito) ako nga pala si Kris.. tanong ko "kris?" sagot niya, oo short for kristine.. ah ok, anong satin? " -wala naman, ang ganda din pala ng boses mo bagay na bagay sa mukha mo kaso may kasungitan ka pala, pero okay lang kayang kaya kita intindihin kahit gaano pa kainit.. (hindi niya maituloy).. yang ulo mo.. (napapailing na lang ako habang hawak ang telepono..) eheeem" sino ka ba talaga? at ano ang pakay mo? -araw araw kitang tinitignan sa skwelahan at ikaw na yata ang inspirasyon ko kaya't ako ay laging pumapasok.. Binabaan ko ng telepono ng hindi ako nag papaalam.. (ang creepy, babae siya tas kung ano ano ang sinasabi saakin).. kinabukasan ay nagmamasid ako habang papasok ako ng eskwelahan, wala namang tumititig saakin.. hangang sa nakasalubong ko si john, "John diba kahapon kinuha mo number ko?? kanino mo binigay?? (pagalit kong sinabi).. sagot ni john" kaaaay.. Kris.. kaso hindi siya pumasok ngayon.. naalala ko na, siya yung babaeng laging nakatitig saakin, medyo maangas ang dating (tisay, singkit ang mata at medyo makapal ang labi, medyo may katangkaran saakin).. Pagka uwi ko sa bahay ay maya maya lamang nag ring na ang aming telephono.. Ring.. ring.. Hello..(hindi sumasagot ang nasa kabilang linya..) (inulit ko) Helllllllllloooooo.. subukan mo huwag mag salita, alam ko namang ikaw yan.. at sumagot siya "hi, sorry.. bigla nanaman ako sinaniban ng hiya.." anong pakay mo nanaman?.. sagot ko.. "mangangamusta lang sana.. okay naman ako, okay na?? sige bye bye.. (biglang baba ng telephono) ano kaya ang pakay niya saakin, babae siya ganoon din naman ako.. kung makikipag kaibigan naman siya ay tila iba ang kanyang paraan para makipag kaibigan, tila nararamdaman ko na mayroon siyang gusto saakin ("ano Anica??? sobrang gandang ganda lang sa sarili?) hay.. habang kami ni lola ay kumakain ng aming hapunan ay muling nag ring ang aming telephono.. kaya naman ay biglang tumayo si lola at sinagot.. hello?.. sagot ni lola hi po, pwede po kay Anica? sino ito? tanong ni lola.. siiiii krisss po siii kristine po.. (nangangatog na boses) ay, kumakain pa.. tumawag ka na lang maya-maya.. sagot ni lola sabay baba ng telephono.. Anica apo, ang tumawag ay si kristine daw, hinahanap ka sabi ko ay tumawag na lang ulit mamaya dahil kumakain ka pa.. tumango lang ako kay lola (ano nanaman kaya pakay nun, ang kulit kulit) Sakto naman pagka ligpit ko ng aming pinag kainan ni lola ay nag ring na ulit ang telepono.. Ring.. ring.. ring.. ring.. (tila ayoko ng sagutin..) Apooo yung telepono.. okay po lola.. HELLO??? (pagalit kong sagot..) "Hi Anica, ako ito si kristine, mangangamusta lang.. OKAY NAMAN AKO, LAGI KA NA LANG NANGANGAMUSTA!!! wala naman akong sakit.. " bbbukas kasi ay birthday ko, pwede ba kita ma invite?.. hmmm pag iisipan ko.. "oh sige sana mapag isipan mo, kung sakali naman na ayos lang sayo.. antayin na lang kita bukas sa labas ng gate ng school natin sa waiting shed.. okay, bye!! (sabay baba ng telephono) habang ako ay nakahiga at nag papa antok, pinag isipan ko mabuti kung pupunta ba ako sa party ni Kristine after school.. kaso baka mag antay siya sa labas? baka umasa siya? or baka naman isipin niya nagpapakipot ako masyado? (whehsjshwbs grrrrr.. anica??? bakit ka nag iisip ng ganyan??? affected ka ba???? assumera ka talaga ehh) pag gising ko, ay kumain at gumayak na ako upang pumasok sa eskwelahan.. pag pasok ko sa loob ng eskwelahan ay nakita ako ni john at tinanong kung makakapunta daw ba ako mamaya sa birthday ni kristine.. hindi ako kumibo, dahil hindi pa ako decided.. makalipas ang ilang oras breaktime na, may naaninag ako na naka tingin saakin na babae "ayyy shettt, si kristine nanaman" (hindi pa kami nakakapag usap ng personal simula ng tumawag siya sa aming telephono) "shettt, nangangatog mga kamay ko habang hawak ko ang tray at pinag papawisan ang aking kili-kili, bakit?????) makalipas ang ilang oras ay uwian na.." ito na yun, bakit parang kumakabog nanaman yung dibdib ko??) nakita ko si kristine kasama si john at iba nilang classmates at kaibigan sa labas ng gate sa waiting shed, na tila ba ako na lang ang inaantay.. (haba ng hair ko ?..) maya maya ay lumapit muli saakin si john at sinabing "Anica, tara na".. para akong hinipan ng hangin at biglang sumama sakanila.. (nahiya rin ako at baka isipin ng iba ay nag mamaganda ako..) habang kami ay nag lalakad papunta sa bahay nila kristine, nararamdaman ko na naka titig nanaman sa akin si kristine.. hangang sa nakarating na kami sa kanilang bahay, (malapit lang din naman ito mula sa eskwelahan).. (ohhhh myyyy, ang laki ng bahay.. at ang ganda..at may mga sasakyan na nakaparada sa loob ng kanilang garahe.. ) gulat na gulat ako.. ? pumasok na kami sa loob ng kanilang bahay at mukhang mamahalin ang kanilang mga gamit.. bumungad sa amin ang isang matandang babae, kaya naman ay nag mano ako at nakangiti saakin si kristine at ang kanyang mga kaibigan.. laking gulat ko ng sabihin ni kristine na "Manang, naka hain na po ba ang mga pagkain?" at sumagot si manang "opo, tara na po at kumain na po kayo, halina halina kayo.." (shettttt, kasambahay pala nila yun??? pero okay lang. pinalaki ako ng lola ko na kailangan ay mag bigay galang sa matatanda).. labis naman na kinatuwa ni kristine dahil nakita ko siya na parang bilib na bilib saakin hahahahha.. habang kami ay nasa hapag kainan, nagulat ako ng lumapit saakin si kristine at tinabihan ako sa lamesa, tinanong niya ako "anong gusto mo?" sabay sabi eto tikman mo, masarap ito.. " at binigyan niya ako ng aking maiinom.. tanong ko naman ay " Alak yan?? sagot niya "hindii, juice lang.. bakit gusto mo ba ng alak??" sagot ko, "ay hindi, bawal saakin yun.. baka pagalitan ako ng aking lola".. sabay, tumango siya sa akin.. Maya maya ay nagsitayuan na ang lahat, niyaya sila ni Kristine na mag karaoke sa kabilang area.. (aba may Karaoke room sila).. nagkakantahan ang lahat, at may nag iinuman din.. nasa legal age na ang lahat 18 y/o pataas ang aming mga edad.. hangang sa... pinakanta nila si kristine (shettt, bakit love song???) nag hihiyawan ang lahat at ang iba ay tinutulak tulak ako.. para bang kinikilig sila at nag aasaran.. parang may mga alam sila na hindi ko alam.. maya maya pa ay nakatitig saakin si kristine habang kumakanta.. sabay sabi sa mga kaibigan niyang "oyy ano ba kayo" (habang namumula ang pisngi).. maya maya pa ay inabutan ako ni kristine ng cake.. (parang girlfriend ang peg ko dito, sobra niya akong inaasikaso..kumpara sa mga kaibigan niya.. ) nakipag kwentuhan saakin si kristine, tinanong ako kung nag enjoy ba ako or kung may gusto pa ba ako kainin.. (habang kinakausap niya ako amoy Chico na ang kanyang bibig, tila nakainom na rin yata..) sumagot naman ako, sabi ko okay na ako salamat at HAPPY Birthday nga pala.. at tinanong ko siya kung ilang taon na siya, sumagot siya 19 y/o na.. siguro ay mas bongga pa ang 18th Birthday nito ( sa isip isip ko..) nang matapos na ang kanyang handaan ay nagpasiya na rin magsi uwian ang lahat.. laking gulat ko ng kumuha ng susi ng sasakyan si kristine, at sabay sabi saakin na "anica, tara hatid na kita".. (shettt, may pag hatid pa.. masyado ata akong espesyal) ngunit, tumanggi ako.. "ay, hindi na.. isa pa nakainom ka na din.." sagot niya, nakainom lang ako ng ilang shot pero hindi ako lasing, isa pa talagang naka mind set na saakin na ihahatid kita.. (killlllliggg ako ?) maganda ang sasakyan niya, luxury car.. habang kami ay nasa sasakyan, bigla siya nagsalita," anica, maraming salamat ah".. (tumango lang ako, kasi nahihiya ako..) pagka rating sa aking bahay ay nagtaka ako.. "paano mo nalaman itong bahay ko????" (hindi manlang ako tinanong kung saan ang daan..) napangiti lang siya.. nagpaalam na ako at nagpasalamat.. ngunit hindi siya kubi-kibo.. tila may gusto siyang sabihin sa akin.. ilang minuto kami napa tahimik sa loob ng kanyang sasakyan.. (iniisip ko na pag pahingahin muna siya at baka may amats pa nga siya..) maya maya ay may kinuha siya sakanyang bulsa.. sabay abot saakin.. isang kwintas na gold na may heart na pendant.. (hindi siya yung tipo na sobrang sweet napaka simple lang niya..) tinanong ko siya, ano yan??? sagot niya, para sayo yan.. kako ha?? bakit? ako nga itong walang regalo sayo.. sagot niya, "eh wala ka naman balak talaga pumunta eh, kung hindi ka lang napilitan.. dito na ako nag taka, at tinanong ko siya.. ano ka ba??? sumagot siya.. ha?? anong ano ba ako?? tanong ko, bakit mo ako tinatawagan, tinititigan.. tas ngayon bibigyan mo ako ng kwintas? nanahimik nanaman ang aming paligid.. ng hingid 10 minuto.. "Anica.. gusto kita.. sagot niya laking gulat ko ng marinig ko iyon.. babae ako, pero nagkakagusto din ako sa babae.. ganito na ako bata pa lang ako.. halata naman sa pormahan ko diba?? (hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko..) sabay hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako mata sa mata.. kitang kita sakanyang mga mata na sincere siya sa kanyang nararamdaman.. "anica, sana huwag mo akong layuan.. sabi niya pa.. iyang kwintas ay binili ko kahapon kaya ako nag absent.. bago kita tawagan kagabi para imbitahan.. mula umaga ay pinag isipan ko kung paano kita iimbitahin sa aking kaarawan.. (sabi ko na nga ba, hindi ako assumera ng taon.. may gusto nga ito saakin.. wait bakit ako kinikilig??) nagpaalam na ako, ngunit hinatak niya ang aking kamay at bigla ako hinalikan sa aking mga labi.. napaka lambot ng kanyang bibig.. (at bigla ako nanlamig, nanginginig ako).. sabay tanong niya, okay ka lang???... (Lola ko, ano ba itong ginagawa ko at nararamdaman ko..) tanong ko sa aking isip.. "o-okay lang ako, sagot ko.. baka kailangan mo ng umuwi.. at magpahinga.. at bumaba na ako ng sasakyan niya.. bukas ay araw ng sabado.. at wala kami parehong pasok.. pumasok na ako ng bahay, at laking gulat ko ng si lola ay naka pamewang.. (shettt, di nga pala ako nakapag paalam..) hi lola, pasensiya na po birthday po ng aking classmate.. biglaan lang po ako naimbitahan.. mabait ang aking lola, mukha lang talaga siyang mataray.. "oh sige na, apo magpahinga ka na sa iyong kwarto.." habang ako ay nasa kwarto at nakahiga, hindi ko mapigilang maisip yung pag halik saakin ni kristine na tila ay lumalabas pa ang kanyang dila na para bang gusto niya akong dilaan.. (first kiss ko yun kaya anong malay ko kung ano ginagawa niya saakin..) pero hindi maitatanggi na kinikilig ako.. napa isip din ako, hindi kaya dahil lasing lang siya at balak niya lang ako pag tripan??? hangang sa nakatulog na ako.. kina umagahan 8am nang nag ring ang aming telephono.. at sumagot siya agad.. tila nag mamadali.. " hello, anica??? " oh, kristine ikaw pala yan.. kamusta ka kagabi?.. "okay naman, sagot niya.. pwede ka ba mamaya? nood tayo ng sine.. kung okay lang sayo.. pakipot kong Sagot " depende kung papayagan ako ng aking lola.. sagot niya, "o sige, tawagan ulit kita bago mag 10am.. maya maya ay pinuntahan ko si lola sa grocery namin at nagpaalam ako.. at agad naman akong pinayagan ni lola dahil siya ay busy sa aming grocery kaya hindi na niya ako masyado inusisa.. ang importante lang naman kay lola ay alam niya at nag paalam ako.. bumalik na ako sa aming bahay, at nang muli nag ring ang aming telephono.. "hello, anica.. sagot niya.. sagot ko " kristine, nakapag paalam na ako kay lola.. sige gagayak lang ako.. bigyan mo lang ako ng isang oras at kalahati.. .. tila nagtaka si kristine (matagal pala siya gumayak isang oras at kalahati) "ok sige antayin mo na lang ako diyan, sagot ni kristine.. (matagal ako gumayak, at isa pa mag aayos din ako ng bahay bago umalis para pag uwi ni lola ay malinis ang bahay..dahil wala naman kaming ibang aasahan kundi kaming dalawa lang.. ang mga tiyuhin, tiyahin at pinsan ko ay sa kabilang bahay nakatira hindi naman ganoon kalayuan saamin kaya dadalawa lang kami ni lola sa bahay..) pa maya maya ay may bumu-busina na sa harapan ng aming bahay, hindi pa ako tapos gumayak.. naka suot ako ng itim na dress na sleeveless lagpas tuhod at hapit na hapit sa aking katawan, pabango na elizabeth amber sunflower, black na shoulder bag na cellphone lang at wallet ang kakasiya.. sandals na itim na may heels na 2 inches height.. nag lagay din ako ng light make up sa aking mukha at nag blower ng buhok.. (hindi ko maintindihan sa aking sarili, aminado akong excited ako at feeling ko ay date ito..) pagkatapos ko gumayak ay lumabas na ako ng aming bahay.. (hindi manlang niya ako sinalubong o pinag buksan ng pinto, na para bang nasa pelikula ako..) kumatok ako sa bintana ng sasakyan, at kunwari ay hindi niya ako agad nakita.. (ibang iba sa pelikula na napapanood ko).. binuksan niya ang pinto sa loob sabay sabing, tara??? ngumiti na lamang ako.. pagkarating namin sa isang mall ay tinanong niya ako, ano gusto mong pagkain sa loob ng cine..? (very casual ang dating, ibang iba sa kagabi.. baka nga nakainom lang siya kagabi kaya medyo sweet pa ang dating niya..) sumagot ako.. "kahit ano, okay lang..! maya maya ay ang dami niyang bitbit.. at namili na kami ng movie.. siya na rin ang pinapili ko.. ang pinili niya ay "horror movie".. (akala ko naman yung mga "romantic movie ang pipiliin") pumasok na kami sa loob ng cinehan, madilim ang daraanan.. hindi niya ako maalalayan pero gina-guide niya ako kasi madami siyang bitbit na pagkain.. nung naka upo na kami ay tinanong niya ako kung gusto ko na daw ba kumain.. (nahihiya ako, kaya sabi ko ay mamaya na lang).. nakakatakot yung movie, pero wala kaming reaction pareho kahit na nag sisigawan na mga tao.. tila ba hindi kami naka focus sa aming pinapanood.. hangang sa.. kinuha niya ang kamay ko at hinawakan.. (shett, nanlalamig yung kamay ko..) tinanong niya ako, "okay ka lang? sumagot ako, oo.. tinanong niya ako kung okay lang daw ba na hawakan niya ang kamay ko.. " tumango lang ako.. maya maya pa ay inakbayan na niya ako.. pero hindi na niya ako tinanong kung okay lang.. (aaminin ko, gusto ko itong nararamdaman ko, kinikilig ako kahit alam kong mali ito.. kasi parehas kaming babae, magkaiba lang kami ng pormahan.. pero ang puso niya ay lalake..) maya maya ay inalok na niya akong kumain, pumayag na ako kasi kumukulo na ang tiyan ko.. hangang sa natapos na ang movie.. sabay tanong saakin.. "saan mo gusto mag dinner?" sagot ko, kakakain lang natin.. hindi pa din ako gutom dahil busog na busog pa ako.. sagot niya.. "okay, maaga pa naman, gusto mo punta muna tayo sa bahay namin?? " tumango na lang ako.. (habang iniisip, ano naman kaya ang gagawin namin sakanila, mag karaoke? hahahah..) sumakay na kami ng sasakyan niya at nakarating na kami sa kanilang bahay.. pagka pasok namin sa kanilang bahay ay ti- nour niya ako.. dalawa lang daw silang magkapatid.. panganay siya, at ang bunso niyang kapatid lalake ay pitong taong gulang pa lamang.. architect ang kanyang tatay sa ibang bansa.. interior designer naman ang kanyang nanay sa ibang bansa din.. kaya tanging dalawang kasambahay lang ang kasama nila sa bahay at may isang driver.. maya maya ay nag bilin ito sa kanilang kasambahay na mag handa ng hapunan.. niyaya niya ako pumunta sa kaniyang kwarto.. tanong ko sakanya " bakit? sagot niya.." magpahinga ka muna.. sumama naman ako sakanya.. pag pasok namin ng kwarto niya ay laking gulat ko.. napaka ganda.. ibang iba sa kwarto ko.. napaka lambot at laki ng kama.. may study table, sariling CR, mini refrigerator, sofa at center table, naka split type aircon pa at tv, meron din siyang walk-in closet. pinaupo niya ako sa kama, ngunit mas pinili ko maupo sa sofa.. nakaka amaze kasi makakita ng kwarto na may sofa.. maya maya ay kumuha ito ng beer sakanyang ref.. at inalok ako.. sagot ko " no thanks, hindi ako umiinom ng alak.. tubig nalang please nilapitan niya ako at binigyan ng bottled water.. sabay binuksan niya ang tv sakanyang kwarto.. kako" sana pala hindi na tayo nag cine, pwede naman pala dito manood, naka aircon din naman, biro ko.. (hahaha) tila wala siyang reaction, (hahahaha ako lang natawa ?).. nag play siya ng movie, romantic movie (sheett, kinikilig ako).. maya maya ay tinabihan na niya ako, amoy chico nanaman siya naka ilang bote na rin siya.. hinawakan ang kamay ko, at inaamoy ang buhok ko.. nang bigla niya ako hinalikan sa leeg,.. "tok, tok, tok".. may biglang kumatok.. tumayo siya at pinag buksan niya ng pinto.. naka handa na po ang dinner.. (kasamabahay).. sagot niya "paki.. dalhan na lang kami dito.. sumagot ang kasambahay.. sige po.. pagka alis ng kasambahay ay para nanaman kaming hindi magkakilala, hindi nagkikibuan.. (ang awkward kasi ng dating).. maya maya ay may kumatok ulit, at dala na ang dinner.. sabay inilapag sa center table.. at lumabas na ang kasambahay sa kwarto.. inalok na niya akong kumain, 6pm na rin naman na kaya kumain na din kami.. habang kumakain kami nanonood pa din kami ng movie at umiinom pa din siya ng beer.. pagka tapos namin kumain ay nagulat ako bigla siya nagsindi ng sigarilyo.. (naninigarilyo pala ito..) at itinuloy namin ang movie na pinapanood namin.. maya maya ay tila lasing na siya.. bigla nanaman niya ako hinalikan sa leeg.. (unti unti bumibigay ang katawan ko).. hangang sa gumagapang na ang kaniyang kamay sa ibang ibang parte ng aking katawan.. (unti unti ko nagugustuhan na may halong kilig na nararamdaman).. hinawakan niya ang aking dibdib, tila ba ito ay kanyang unti unti nilalamas.. hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.. unti unti na ko na din nararamdaman na nag babasa ang panty ko.. hangang sa nag sabi "akong sandali.. tumigil siya tila ba nagulat.. "naiihi ako, pwede maki CR?".. tumango lamang siya.. nag tagal ako sa CR nagiisip ako kung ano itong nangyayari, at bakit parang gustong gusto ko din? wala kaming label kung ano ba kaming dalawa.. agad sumagi sa isipan ko na tama itong ginagawa ko, isa pa ayoko sa lalake kasi ayoko matulad kay nanay na nabuntis at iniwanan lamang.. ngunit gulong gulo ako, kasi hindi naman kami magkasintahan, napaka bilis ng pangyayari, hindi manlang ako niligawan, isa pa ???.. si lola, ano magiging reaction nito.. maling relasyon ito pag nagkataon.. Mayaman sila, kami naman ay katamtaman lang.. makalipas ang ilang minuto.. tok, tok, tok,... Anica??? okay ka lang diyan?? (ayy, shettt.. kanina pa pala ako dito. m) "ahhh, wait lang.. palabas na din ako.. Paglabas ko ng pintuan ay nasa sofa na siya naka upo.. " napa tagal ka yata sa loob.. aniya.. "pasensiya na.. hindi kasi ako maihi.. (ayy, ano ba itong sinasabi ko) umupo na muli ako sa sofa, ngunit tahimik nanaman kaming dalawa.. hangang sa nagpasiya na ako na umuwi.. gabi na rin pala.. 9pm na din.. hindi ako pinapayagan ni lola na lumagpas ng 10pm ng wala pa sa bahay.. "ahhh sige kristine, uwi na rin ako.. baka hinahanap na ako ng lola ko.. " o-ok sige.. hatid na lang kita.. maya maya ay hinatak niya nanaman ako.. at hinalikan sa labi.. nilalabas ang dila niya tila dinidilaan nanaman niya ang bibig ko.. lumayo ako, at sinabing" ano ginagawa mo? " hinahalikan ka" sagot niya.. "oo alam ko hinahalikan mo ako, bakit mo nilalabas pa yung dila mo??? " first time mo ba ito?? sinampal ko siya sa pisngi.. "aaaaray.. bakit? " sa tingin mo ba ay may karanasan na ako?? "iii-ibig sabihin ako ang first kiss mo?? " hindi ba halata?? laking gulat niya at parang nag yabang sa sarili, dahil siya ang first kiss ko.. " uuwi na ako.. ulit ko.. (dismayado ako, mukha na ba akong may karanasan.. tanong ko sa isip ko..) kinuha niya ang susi ng sasakyan, habang ako ay nag mamadali palabas ng kwarto niya.. " anica, antayin mo ako.. ihahatid kita.. "wag na kaya ko sarili ko, sagot ko.. habang binubulong ko sa sarili ko na.. (mukha ba akong easy to get? hindi ko ba deserve ang maligawan manlang, oo mali ito kung tutuusin pero mali rin naman na pumatol ako agad sakanya ng hindi ko manlang inalam kung totoo ba ang hangarin niya saakin.. malay ko ba.. mayaman siya, maganda siyang tomboy, malakas ang dating.. eh paano kung lokohin lang niya ako??) "anica, halika na.. sakay ka na.. aniya late na din, wala ako basta basta makukuha na tricycle sa loob ng subdivision nila, inaantay na ako ni lola.. kaya't sumakay na rin ako.. humihingi siya ng pasensiya sa nagawa niya.. (kung tutuusin ginusto ko na rin yun) hindi ako kumikibo.. hangang sa nakarating na kami sa bahay ko.. at bumaba na ako ng hindi nagpaalam sakanya.. mga ilang minuto nang nasa kwarto na ako nag ring ang telepono.. ayoko na sana sagutin kasi alam kong siya yun, pero nakainom na rin siya ng alak kaya nag aalala rin ako kung nakauwi ba siya ng maayos.. "hello? " anica, matutulog ka na ba?? "sana.. sagot ko.. hangang sa wala nanaman kaming kibuan ng ilang minuto, naka hang lang ang telepono naming dalawa.. naisip ko na, torpe siya pero mabilis siya.. ang gulo diba.. " sige na matutulog na din ako.. batid ko sakanya na pagalit
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD