Pagka tapos kong sabihin ay gulat na gulat na tumingin sa akin ang babae kaya ngumisi ako nang malawak. "H-he have a wife?" tanong niya sa akin. Kaswal akong tumango sakanya. Sasagot pa sana siya nang biglang pumasok si Victor sa loob ng opisina niya. "What are you doing here, Olivia?" tanong niya sa babaeng naka upo sa sofa. "Victor!" gulat niyang sambit at tumayo na. "Olivia, I am asking you a question," sambit ni Victor at lumapit sa akin. Nginisian ko ang babae nang tignan niya kaming dalawa. "I just want to talk to you," sambit nito sakanya. "Tell me," sambit ni Victor sakanya. "I like you Victor, and I am pregnant, I want you to be the father of my child," mabilis niyang sambit kaya natawa ako nang marahan sa sinabi niya. "Crazy," naiiling na bulong ko sa sarili ko.

