PROLOGO : CL Back Then

753 Words
WHEN A B♡YISH GIRL FALLS INL♡VE Prologue Zach's Point Of View "Guys! Bilisan niyo na dali!" "Nasaan ba?" "Nasa field of humiliation sila ngayon!" 'Field of humiliation? Sila? Anong meron sa mga students dito?' Out of curiousity, I followed those students who were running towards the field which they addressed as "field of humiliation". Nang marating ko ang sinasabi nilang field ay nalaglag ang panga ko sa nakita. Isang babaeng may hawak na lollipop ang nakatayo at walang emosyong nakatingin sa lalaking nakaluhod sa harap pa ng isang babae. "Magsorry ka." saad ng babaeng may lollipop. "Lumuhod na ako sa harap niya at ng napakaraming tao, CL. Ano pa bang gusto mong gawin ko?!" singhal ng lalaki sa babaeng may lollipop which is, si CL daw. "Bingi ka rin eh ano?" pabalang na sagot ni CL kaya nagtawanan ang mga students na nanonood. 'Anong nakakatawa dun?' "Ang sabi ko mag-sorry ka." dagdag ni CL "No way! Hinding-hindi ako magsosorry sa squammy na 'to!" sigaw ng lalaki at tumayo pero napaluhod siya ulit dahil pinatong ni CL ang kamay niya sa balikat ng lalaki at pilit itong pinabalik sa pagkakaluhod. "Tsk. Tsk. Tsk. I'll give you choices, Kyle. Magsosorry ka o ipagsisigawan ko ang sikreto mo? Choose wisely." nakangising saad ni CL at nilabas ang lollipop niya. And to my surprise, "S-sorry, Jane. H-hindi na mauulit." the guy named Kyle said sorry. "Wuhooo! CL lang sakalam!" "News flash! Kyle, the guy who's so high of himself just said sorry!" "HAHAHA!" Unti-unting nahawi ang mga studyante at nagsialisan habang si Kyle ay nananatiling nakaluhod at tila pinapagalitan ang sarili niya. Si CL naman ay inakbayan ang babae-Jane- at sabay silang umalis. Nagitla ako ng biglang may umakbay sa akin. "Transferee ka, dude?" Nilingon ko ang umakbay sakin, lalaki. Nakasuot ng soccer uniform. Gwapo. "Oo, bakit may ganung ganap dito?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang nangyari kanina. "Malalaman mo rin." tinapik nito ang balikat ko at naglakad papalayo. 'Hmm...' CL's Point Of View "Ano ba?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" Napahinto ako sa pagkain nang marinig 'yon. Nilingon ko ito at si Kyle-ang prinsipe ng school. More like a jerk. ‘Walang pinagbago.’ "Look what you did! Natapon ang pagkain ko dahil diyan sa katangahan mo, Squammy!" dagdag na sigaw pa nito habang dinuduro si Jane-ang dakilang Vice President ng Student Council. "I'm sorry, Kyle. Nagmamadali kasi ako kasi pinapatawag ako ni-" pinutol ni Kyle ang sasabihin ni Jane sa pagsampal rito. 'That's it.' Tumayo ako at naglakad sa direksiyon nila. “Kyle!” nakangiting tawag ko at ngumiti habang nagbabalat ng lollipop. "Oh, look who's here." nakangising saad nito. "The one and only." matamis ang ngiti kong saad rito bago naglaho ang ngiting yon nang pingutin ko ang tenga niya at binitbit siya sa field. And the rest that happened is history. The prince of jerks that was so high of himself just said sorry. "You okay?" tanong ko kay Jane pagkatapos ng eksenang ginawa ko. "Oo. Alam mo CL, hindi mo naman kailangan gawin yun eh. Kaya ko naman-" I shushed her. "Alam mo kung bakit ko ginawa 'yon. Kaya manahimik ka na diyan at baka ikaw naman ang mapingot ko." biro ko at natawa siya. Jane's Point Of View Hindi ko pa rin makalimutan ang araw na yun. Yun yong araw na tinulungan ako ni CL at pinagsorry si Kyle sa field of humiliation. Sa araw na yun nakilala namin si Zach, ang lalaking nagpaibig kay CL. Dahil sa kanya mas naging masayahin si CL. At dahil rin sa kanya kung bakit ang CL na nakikita ko ngayon, hindi ko na kilala. Kitang-kita ko kung paano makipagbasag-ulo si CL sa mga grupo ng bullies na umusbong dito sa school simula nung mawalan siya ng pake sa mga nabubully dahil kay Zach. Kahit pa masapak siya ay wala siyang pake. Marami ang nagtitinginan sa kanila at isa na ako doon. Lahat ng tagahanga ni CL ay nanghinayang. Nang dahil sa love, nagbago siya. Pero hindi yun ang totoo. May mas malalim pang dahilan si CL. Ang ang mas malalim pa na dahilang yun ay kasalanan niya. Sinisi niya ang sarili niya. Saksi ako sa lahat. Nasaksihan ko kung gaano minahal ni CL si Zach but it turned out na pinagpustahan lang siya. She even stopped playing soccer after she knew about it. Saksi ako kung paanong nasaktan si CL dahil sa hindi niya inaasahang pangyayari. Kaya nakatatak sa isip niya, na ng dahil sa pagmamahal at katangahan niya, kinuha siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD