MALALIM ang buntong hiningang pinakawalan ko nang matapos basahin ang message ni Curse para sa akin, ipinapaalam na hindi siya makakapunta ngayong lunchtime ko. "Bakit mukhang malungkot ka riyan?" Nawala ang atensiyon ko sa phone nang marinig ang tanong ni Rosa. Nagkibit-balikat ako. "Wala, ayos lang ako." Ngumisi siya at halata sa mukha na hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. "Nako, Akira. Kilala na kita. Kapag ganyan ang mukha mo, isa lang ibig sabihin niyan. Hindi makakapunta si Curse, ano?" Nang wala akong maging tugon sa kanya ay tumawa siya. "See?" Tanging pagbuntong hininga na lang ang itinugon ko sa kanya. Napailing naman siya nang makita ang reaksiyon ko. Nawala na kay Rosa ang atensiyon ko nang marinig ko ang pagtunog ng phone ko. Dahil sa pag-aakalang si Curse ang tuma

