Joy's POV
"Tutulungan kita." mga salitang lumabas sa bibig ni Kurt na syang nakapagpahinto sa paghagulgol ko.
Di ko man alam kung sa paanong paraan nya ko matutulungan pero at some point, napanatag ako.
Ang tanong eh..
"Paano?" sabi ko habang nakatingin sa mga mata nya.
Tila ba nagulat sya sa tanong ko at napabitaw mula sa pagkakahawak nya sa braso ko sabay umiwas ng tingin.
Ano bang trip neto? Malamang itatanong ko kung sa paanong paraan nya ko matutulungan di'ba?
"Ah eh. Halika." sabi nya sabay tinulungan akong makatayo mula sa pagkakaupo ko sa sahig.
Nakahawak sa aking balikat at kinausap ako mula sa repleksyon ng salamin, "Anong napapansin mo?" tanong nya.
"Saan natin dapat simulan, sa tingin mo?" dugtong pa nyang tanong.
Pinagmasdan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Ang laki nga ng pinagbago ko. Lalo na sa katawan. Sobrang laki ng itinaba ko.
"Sa katawan?" tanong ko.
Isang tipid na ngiti lamang ang sagot ni Kurt. Ngiti na para bang satisfied sa sagot ko.
"Paano nga?!" tanong ko sa kanya habang nakakunot na ang aking noo.
Ang dami namang pasa-kalye netong Kurt na 'to eh.
"Ano bang trabaho ko ha?" buong pagmamalaki nyang tanong.
"Gym Instructor." walang gana kong sabi.
"Tingin mo papayag si Kent ha? Tingin mo ba hindi ko sinubukan?" dugtong kong tanong sa kanya.
Kampanteng-kampante pa sya. Akala nya makakatulong sya. Hays.
"Eh bakit kasi magpapaalam? Lahat ba ng bagay pinapaalam mo kay Kent? Wala kang personal space?" dire-diretsong sabi ni Kurt na syang nakapagparealize sakin ng mga bagay-bagay.
Oo nga noh? Sa loob ng apat na taong relasyon namin ni Kent, palagi kaming nag-uupdate sa ginagawa ng isa't-isa. Ganun naman dapat di'ba? Ganun yung sikreto ng mahaba at masayang relasyon?
"Hindi ba dapat?" taka kong tanong kay Kurt.
Parang may karanasan sa relasyon kung magsalita 'tong kumag na 'to ah.
"Hindi ba nakakasakal? I mean, sa pananaw ko lang naman 'to ah. Bilang wala pa naman akong karanasan sa relasyon pero kung sakali, ayoko ng ganyan. Bawat kilos, bawat kibot, update. Paano nyo mamimiss ang isa't-isa kung halos minu-minuto din naman kayong magkausap." tapat na sagot ni Kurt.
Sa bagay. May point sya.
Baka naman nasakal na sakin si Kent. Baka naman nagsasawa na sya sa gantong set up.
"Baka yun talaga ang problema namin? Tingin mo?" buong takang tanong ko kay Kurt.
"Hmm. Ewan. Never been into relationship eh. Pero kung pagbabasehan yung kwento mo, pwede syang maging problema sa relasyon. May mga tao kasing nasasakal sa ganun eh. Pero pano mo malalaman kung yun talaga ang problema nyo kung di nyo pag-uusapan di'ba?" simpleng sagot ni Kurt.
Another point. Tama na naman 'tong mortal enemy ko na 'to ah.
Di'ba dapat masaya sya na nagkakalabuan kami ni Kent kasi makaka-score na sya sa boyfriend ko pero heto sya ngayon, nasa kwarto ko, nakikinig sa mga ka-dramahan ko at handa pa kong tulungan.
Mukhang mali nga yung first impression ko sa kanya.
Pero bago ang lahat tatawagan ko muna si Kent para mapag-usapan namin 'tong problema namin.
Kukunin ko na sana yung cellphone ko na nasa kama ko pero biglang hinawakan ni Kurt ang aking pulsuhan, dahilan para mabitawan ko ang cellphone ko.
"Huy, problema mo?!" taas na tono kong tanong kay Kurt.
Kasi naman, sya 'tong nagsabi na pag-usapan ang problema kaya ko nga tatawagan si Kent eh tapos bigla nya namang gagawin yun.
"Tatawagan mo ba si Kent?" tanong ni Kurt.
"Oo sana kung di mo ko pinigilan." sarkastiko kong sagot sabay tingin sa kamay nyang nakahawak pa rin sa pulsuhan ko.
Mukhang never talaga kaming magkakasundo netong sisterette kong 'to. Nakakaloka.
"Ah sorry." sabi nya sabay bitaw sa pulsuhan ko.
"Sasabihin mo ba sa kanya na tutulungan kita magpapapayat?" wika pa nya sa malungkot na tono. Ramdam ko ang pagka-bothered nya.
"Hindi ah. Pag-uusapan lang namin yung problema namin pero don't worry, di ko ipapaalam sa kanya na tutulungan mo kong magpapayat. Di ako magpapahuli sa mga gym sessions natin kaya sana ikaw din." paliwanag ko na tila ba nakapagpanatag sa loob nya nang makita ko syang tipid na ngumiti.
Alam ko namang pinapahalagahan ni Kurt ang pagkakaibigan nila ni Kent at mas lalo namang pinapahalagahan ko ang relasyon namin ni Kent at ayokong masira yun nang dahil lang sa pagnanais kong pumayat.
This should not be a big issue pero unti-unti na kasing nawawala yung self-confidence ko tuwing nakikita ko ang sarili ko na lumalaki ng lumalaki eh. Plus ayaw pa ni Kent na nagpapapayat ako so he left me with no other choice. And that is to keep this one as a secret to him.
I'm not doing this for other people. I'm doing this for myself. Hindi ko naman siguro kailangang humingi ng permiso kahit kanino para sa pag-iimprove ng sarili ko di'ba?
Pagkatapos ng anim na tawag kay Kent wala pa ring kahit anong sagot mula sa kanya, medyo lumalalim na din ang gabi kaya pinauwi ko na si Kurt pero bago pa umuwi eh naghabilin na wag ko daw sabihin kay Kent na nagpunta sya sa bahay para di daw makahalata. Tumango na lamang ako bilang sagot sa bilin nya. Hindi ko na magawang sumagot sa pamamagitan ng mga salita dahil nalulungkot na naman ako, di ko maiwasang hindi mapaisip sa inaasal ni Kent para lang sa ganto kababaw na away. Walang text at hindi din sumasagot sa tawag. Hays.
Buong akala ko eh lumabas na ng kuwarto si Kurt pero nasa may pinto lang pala sya ng kwarto ko habang nakatingin sakin.
"Bakit nandito ka pa?" buong pagtataka kong tanong.
Di ko na lang din siguro napansin kasi spaced out na naman ako.
"Sure kang okay lang na umalis ako? I can stay naman." sabi nya nang may buong pag-aalala sa kanyang mukha.
Di ko alam kung anong tumatakbo sa utak neto ni Kurt pero mas hindi ko alam ang tumatakbo sa utak ko nang..
"Sige, pwedeng dito ka muna?"