1

1540 Words
Sa mundong ating ginagalawan, hindi na bago ang mga kwento ng mga kabit. Mga pamilya o relasyong nasira dahil sa isa pang taong pilit na sumisiksik sa relasyon nang may relasyon. Madalas iba-iba ang reaksiyon ng mga 'legal' sa tuwing nalalaman nilang mayroon pa palang iba sa relasyon nila. Mayoong inaaway. Mayroong halos patayin na. May mga pinapahiya maigi. Oo, mahirap. Nakakatakot nga kasi pati mga taong nakapaligid sa 'yo ay huhusgahan ka rin. Pero ni minsan ba ay pinakinggan natin ang rason ng ilang mga babae o kalalakihan kung bakit nilang nagawang makiapid? Wala. Walang sino man ang nakinig o na nagtangkang tingnan pa ang point of view ng mga tinatawagn nilang 'kabit.' Dahil nga sila ay kabit na. Noon nga ay iniisip ko na ang sama nga nila. How could they ever think of hurting a woman like them? Paano kung sa kanila gawin iyon, 'di ba? Kung yung ang lalakeng minamahal nila ay magkakaroon din ng ibang babaeng mamahalin habang boyfriend o asawa pa rin niya? Hindi ba masakit? Ako? I came from a family like that. Ten years old ako noong iwanan kami ng nanay ko para sa ibang lalake. Sinubukan akong isama ni Mama pero hindi ako pumayag. I stayed with my father because I thought it was my mother who is wronged. Wala pang isang taon noong umalis si Mama sa amin nang may dalhin si Papa na babae sa bahay. Si Tita Mariel. She become the mother I never had. Sobrang bait niya sa amin ng kapatid kong si Clarisse. Lahat ng luho namin ay nakuha namin. Ni minsan ay hindi niya ako pinagalitan. Lahat ng pagmamahal ay binigay niya sa amin. Growing up, marami akong naririnig sa mga kamag-anak namin. Galit na galit ang mga relatives ko sa side ni Papa dahil sa pang-iiwan ni Mama. They are saying na makati raw si Mama. Na lalakero raw at hindi marunong makuntento. Lahat na nga raw binibigay at tumatanggap na lang ng 50,000 buwan-buwan galing sa sweldo ni Papa ay nakuha pa ring manglalake. Sabi pa nga nila ay baka raw gumaya ako kaya h'wag na h'wag ko raw gagawin iyon. I just shrug. Ipinangako ko na kasi sa sarili ko na hindi ako magkakaroon ng lalake o babaeng mamahalin. Pero sa side naman ni Mama ay iba. Naiinis nga ako dahil kapag pumupunta kami ay nagagalit din sila kay Papa. Pero kapag tinatanong ko naman si Mama ay hindi siya nagsasalita. Sinasabi niya lang na paglaki ko ay mauunawaan ko rin daw ang dahilan niya. Like, wow? Well, gusto ko rin naman ang bagong asawa ni Mama. Si Tito Romel. He is nice at binibigay rin sa amin ang lahat. Kaso, I hate him. I think na siya ang may kasalanan kung bakit kami nagkawatak-watak. Kung bakit nagawa ni Mama na iwanan kami. Kaso wala naman akong magawa. Gusto ni Papa na pumupunta pa rin ako kay Mama kahit ayaw ko naman. Dahil nanay ko pa rin daw ito at kailangan ko pa ring irespeto. Pathertic, right? Bakit ko irerespeto ang taong may malaking kasalanan sa amin? Now, that I'm already twenty years old. Doon ko lang unti-unting na realize. Parang may mali sa alam ko. Pero kahit na gano'n ay mas lalong lumalim lang ang galit ko kay Mama. I was just waiting for her apologize pero wala siyang sinasabi. She never think of explaining her side to us. "Jamaica! Clarisse Let's go!" tawag sa akin ni Mommy Mariel. Yes, as years pass. We called her Mommy. Mas naging mommy naman kasi siya sa amin kaysa kay Mama. Papa and Mommy Mariel never had a child. Unlike mama who really chooses to let us go the moment she decided to get pregnant with Tito Romel. Never kong matatanggap ang half-brother ko. "Okay, Mommy!" I answered. Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko. Nakasalubong ko pa si Clarisse na college na rin ngayong araw. It was our first day. I am at third year college at UP taking Accountancy. Habang si Clarisse naman ay gustong maging teacher. "Ako sa unahan!" sigaw ni Clarisse. Napanganga ako at pinandilatan ito ng mga mata. "No! Ako sa unahan!" reklamo ko at nagmamadaling bumaba ng hagdang. Tatawa-tawa namang tumakbo palayo sa akin si Clarisse. "Hey! Be careful!" saway ni Papa sa amin. Hindi ko pinansin si Papa na palabas ng kusina. Nagmamadali kong hinabol si Clarisse na naroon na pala sa tabi ng kotse. Pero bago niya pa mabuksan ang pinto ng unahan ay inabot ko iyon at marahan siyang tinulak. "Mine!" sabi ko habang tumatawa. Binuksan ko ang pinto at naupo roon. "Ate! I hate you!" sigaw ni Clarisse. "Ako ang nauna!" Tumawa lang ako at dinilaan siya. Yes, parehas na kaming malaki ni Clarisse. We are actually adults already because Clariss is eighteen yeas old already. Pero kung umakto pa rin kami at magharutan ay para pa rin kaming mga bata. Well, maybe that's the perks of being loved and spoiled by our 'true parents.' "Oh, ano na naman 'yang pinagtatalunan niyo?" tanong ni Mommy na palapit sa amin. "Si ate kasi! Sabi ko ako na sa unahan today tapos inunahan akong sumakay!" reklamo ni Clarisse. Umiling ako. "No! I'm already here kaya ako na rito!" Napailing si Mommy at pinagpalit-palit ang tingin sa amin. "You know what? Ako na ang sa unahan. Ako na riyan, Jamaica para makaalis na tayo." "What? No! Gusto ko rito, Mommy! Para makita ko agad ang mga friends ko!" "Sige na." I sighed and glared at Clarisse. Nakangiti na siya na parang tuwang-tuwa dahil parehas kaming hindi na pagbigyan. "I hate you!" inis na sabi ko kay Clarisse at bumaba ng sasakyan. Sumakay ako sa likod at sumiksik sa may bintana. Sumakay na rin sila Clarisse kasunod si Papa. "Everyone ready?" tanong ni Papa habang inaayos ang seatbelt ni Mommy. Lumingon siya sa amin. "Oh, Jamaica? Bakit Nakasimangot ka?" "Eh kasi gusto niya rito. Nag-aaway na naman ang mga dalaga mo." Tumawa si Papa. "What did you do to your ate?" tanong ni Papa kay Clarisse. "Ha? Wala akong ginawa, Pa! Si ate kasi ang hilig manguna." "Jamaica?" Tumingin ako kay Papa na nakasimangot. "Po?" "Ano'ng sabi ko sa inyo?" I sighed and roll my eyes. "H'wag mag-aaway." "And?" "Pa! Hindi na kami mga bata." "But you both still act like one." "Fine! Sorry na. Gusto ko lang naman sana sa unahan kasi para makita ko agad mga kaklase ko. Tagal namin sa probinsya eh. Hindi ko nga alam bakit pa kami nauwi roon." Biglang natahimik si Papa. Pero kalaunan ay narinig ko ang malalim na pagbuntonghininga nito. "Sige na. Ayusin mo na ang seatbelt mo. You too, Clarisse. Mali-late na tayo." Nakasimangot pa rin na inayos ko ang seatbelt ko. Napatingin ako kay Clarisse na nakangiti pa rin. Inirapan ko na lang siya at muling tumingin sa labas ng bintana. First day of class. Dapat hindi ako ma-badtrip. Hindi nagtagal ay dumating na kami sa UP. Doon kami nag-aaral ni Clarisse. Kung ako excited ay mas lalo na si Clarisse. As if naman may nakaka-excite sa pagpasok sa college. For sure wala pang kalahating taon ay umiiyak na siya dahil sa hirap maging college student. But me? Natuto na lang akong enjoy-in ang college days ko because of my friends. Nagpaalam na kami kila Papa at pumasok na sa loob ng school. "Ate. Punta na ko sa room ko." "Kaya mo na?" "Yes." "Good luck, sis." "Thanks!" Humiwalay na sa akin si Clarisse. Gano'n naman kami. Kung magkatampuhan may ay wala pang isang oras nagkakaayos na agad. Minsan nga napagkakamalan pa kaming kambal dahil sa sobrang close namin. Wala pa akong makitang mga kaklase ko kaya na isipan ko na lang na pumunta sa room namin. Hindi rin kasi sila nagre-reply sa GC namin kaya mukhang hindi pa sila online. Doon ko na lang sila hihintayin. I was already walking while looking at my phone for our first schedule today noong maramdaman kong bumangga ako sa kung ano. Muntik na akong matumba pero may humawak sa braso ko at naitayo ako ulit. "Whoa! Sorry!" ani ng boses ng isang lalake. Napatingin nag-angat ako ng ulo at nakita ko ang lalakeng mas matangkad sa akin. I was ready to shout at him pero natigilan ako noong makita ko ang mga dimples niya. "Are you okay?" nag-aalalang tanong nito. Napalunok ako at hindi ko maiwasang matulala habang nakatitig sa mukha niya. He has this good boy aura na lahat ay gugustuhin ng mga babae. Isa pa, sobrang cute niya tingnan sa mga dimples niya. Ang lalim noon na para bang hinulma dahil perpekto ang pagkakabutas. "Miss?" Napakurap-kurap ako at tinitigan siya sa mga mata. He has a long curly eyelashes and brown eyes. Bigla akong nahiya dahil average lang noong akin. "Miss? Are you okay?" "Huh?" Bigla akong natauhan noong tinapik niya ang balikat ako. Napalunok ako at tiningnan ang katawan ko. "I-I'm fine." "Okay. Sorry, ha? Nagmamadali kasi ako." Tumango ako. "Okay." "Mag-iingat ka." Tinapik niya ulit ang balikat ko tapos naglakad na paalis sa harapan ko. Noong mawala na siya sa harapan ko ay napabuga ako ng hangin. Sinapo ko ang aking dibdib at napatanong sa sarili? What just happened? Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD