Chapter 2 Midnight kiss from my neighbor

1872 Words
Gia * * " Love bakit parang nakarinig ako ng Ungol sa banyo?" Tanong ko " Wala naman akong narinig?" Tugon ni Hazen Tumango lang ako magkahiwalay kami ng Kwarto. Magkasama sa iisang Kwarto si Fidel at Hazen may sakit daw sa puso si Hazen Hindi rin siya makalakad sanhi ng Aksidenti sa Motor. Magkaibigan si Fidel at Hazen Hindi sila magkahiwalay. Kahit alam kong nagsisingaling siya Hindi na mahalaga yon Dahil may pakay ako sa pamilya ni Hazen may hinahanap ako nagkakahalaga ng malaking pera. Okay lang naman saakin dahil hindi ko na siya kailangan alagaan Tinulak ko ang Wheel ni Hazen palabas ng bahay pinaarawan ko siya. Habang pinapaarawan ko siya masaya kami nag kwentohan. " Love malapit na tayo makapag tapos ng Pag-aaral ano ang plano mo?" Tanong ni Hazen " Balak ko mag apply ng Trabaho sa Shoun Corporation. " Nakangiti na tugon ko " Halos Karamihan naman pangarap makapasok sa Companya na yon. Malaki kasi ang sahod at kompleto benepisyo. " Nakangiti na wika ni Hazen Mabilis lumapas ang mga araw naging normal na sa bahay ang magkaiba kami ng Silid ni Hazen Kaya naging normal sa pagsasama namin na parang magsyota lang. Hindi ko rin naman pinagtuunan ng pansin ang pag-iwas saakin si Hazen dahil Abala ako sa ibang bagay. Iba't ibang Trabaho tulad ng pagpatay sa mga bigatin criminal. Pag hacked ng iba't ibang bank account ng mga bigatin tao. Happy 3 years weddings anniversary Love." Masaya na bati ko sabay abot ng Box " Love! Tatlong taon na tayo mag-asawa? " Hindi makapaniwala na tanong ni Hazen " Isang billion ang Kapalit ng pagtraidor ng iyong Ama sa Sindikato na kinabibilangan nito. Nagkanaw ang iyong Ama at kailangan ko maibalik ang kinuha niya. " Piping sambit ko " Naku nakalimutan ko na anniversary pala natin ngayon. Naging Abala ako sa pagpapagamot. Sabi ng doctor malapit na ako gumaling may lakad nga kami ni Fidel ngayon may therapy kasi ako. Baka gabi na kami makauwi." Mahinahon na wika ni Hazen " It's okay. Dito lang ako sa bahay Aayusin ko ang documents na Gagamitin ko sa pag apply ng Trabaho." Pilit na ngiti na wika ko " Aalis na kami Gia. Pasensya kana mahalaga ang pagpapagamot ni Hazen. Gusto ko kasi sabay kami mag apply Trabaho. " Mahinahon na wika ni Fidel Tumango lang ako tinulak na ni Fidel ang wheelchair ni Hazen palabas ng bahay. Pinagmamasdan ko lang nakangiti silang dalawa habang buhat nj Fidel si Hazen pasakay sa kotse.. " Something wrong. " Sambit ko Kinabahan ako nanlalamig ang kamay ko. Iba kasi ang tinginan ng magkaibigan para bang ang lagkit para bang may mga ibig sabihin sa bawat tingin nila. Pinanood ko sila habang papalayo Hindi ako mapalagay sa mga naiisip ko. Gabi na sila ng dumating parang ang saya nila nagtatawanan at parang pagod sila pero masaya. Mag-isa ako kumain dahil kumain nadaw kumain. " Love! May bago na ata tayong kapitbahay." Wika ni Hazen " Love! Bakit maganda ba?" Tanong ko " Ulol Lalaki Nag-iisa lang ata ilang araw ko na yan napapansin tuwing gabi 9 to 11 pm nag swimming. " Wika ni Hazen naupo siya sa Wheelchair nasa Balcony ng Kwarto Nakangiti na naupo ako sa Lap niya " Love! Two week's ako mawawala may Trabaho kasi na binigay saakin ang kaibigan ko. Papuntahan mo muna dito Si Daddy Matt Para may kasama ka. Mag iiwan ako ng Pera panggastos nyo at pamasahi ni Daddy. Sasamahan ko kasi magbakasyon ang Lola ng kaibigan ko. Dalawang linggo lang naman sayang din yon 30k din ang ibabayad saakin. Nasanay na kasi saakin ang matanda ayaw sa mga Apo. " Mahabang pagsisinungaling ko " Okay lang Love! Siguro magbook nalang ako ng Car pauwi saamin. Bakasyon na muna kami ni Fidel tatawagan nalang kita kung kilan balik ko." Tugon ni Hazen " Gusto mo ihated muna kita sainyo?" Tanong ko " Hindi na Love Kasama ko naman si Fidel." Tugon ni Hazen Inayos ko nalang ang mga dadalhin nya. Nag-iwan din ako ng 50k sakanya tuwang-tuwa naman siya " Laki naman nito." Wika ni Hazen Inilapag ko ang maliit na malita sa tabi ng pinto tumingin ako ng seryoso sa Asawa ko Sumakay ako sa kotse ko nagmamaniho ako paalis " Yes kuya Gio?" Bungad na sagot ko sa tawag ng Kapatid ko " Umuwi ka nandito kami ni Mama sa lumang bahay. Kararating lang namin." Tugon ng Kapatid ko Pinaharorot ko ang Kotse pauwi sa bahay namin. Tatlong oras ang byahe bago ako Nakauwi sa bahay namin. Dumaan din ako ng lechon belly bago ako umuwi Pagbukas ng gate nakatayo na si Mama sa nakangiti ito napamura ako " Bakit parang mas sexy pa saakin si Mama? 51 na sya diba? " Naiiling na bulalas ko Inayos ko ang kotse sa Garahe paglabas ko ng kotse sinalubong ako ni Mama ng Yakap pinaghahahalikan niya ako sa mukha narinig ko ang tawa ni Kuya Gio " Oh my Baby i miss you so much." malambing na wika ni Mama Niyakap ko si Mama tuwang-tuwa ako. Humiwalay ako sa mama ko tumingin saakin si kuya tinaas nito ang magkabilang braso.. Nakangiti na naglakad saakin niyakap ko si Kuya. Binuhat niya ako hinalikan sa ulo at nagpaikot-ikot tuwang-tuwa naman si Mama. " Oh my Goodness! Gio anak may Letchon." Masaya na wika ni Mama " Kumusta." Tanong ni Kuya Habang nakaakbay saakin naglalakad papasok sa bahay " Tama na yan! kumain na tayo." Sigaw ni Yaya " Naku sarap! namiss ko to." Masaya na Sabi ni Mama nakapikit pa habang kumakain ng balat ng letchon " Nak bakit hindi mo nalang hiwalayan ang Asawa mo sumama ka saamin sa ibang bansa. " Wika ni Mama " Mama Mahal ko si Hazen. Hindi ko siya iiwan dahil lang sa may sakit sya. Hindi ako ganon kasamang babae. " Tugon ko kay Mama Naging Abala ako sa mga sumunod na araw kasama ko si Mama at Kuya ang beach kami. Nagulat si mama ng magbigay ako ng pera sakanya " Anak ang laki nito saan mo nakuha ang pera?" Nag-aalala na tanong ni Mama " May Trabaho kasi na binigay si Carmelita. Magkaayos na kasi ang Kanyang Ama at Lolo kaya nakabalik na sila sa dating istado ng buhay." Nakangiti na Paliwanag ko " Sige mag-iingat ka. Aalis ka kami baka ma late pa kami sa flight namin." Malambing na paalam ni Mama " Bunso! Dalawin mo naman kami pag may oras ka. Ingat ka Iwasan mo ang paggawa ng kalokohan. Huwag ko mabalitaan na puno ng bala ang kotse malilintikan ka saakin." Wika ni Kuya " Hehe! Nag-iingat naman ako Kuya." Alanganin na tugon ko Pagkaalis nila mama nagpaalam ako kay yaya na uuwi na sabay namin ni Hazen. Sakay ng jeep tahimik ako na naghintay sa kanto ng subdivision. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko gumamit ng sasakyan. Pagbaba ko sa jeep nakapamulsa lang ako na naglakad " Hey! Miss kapitbahay lang kita diba? Halika sabay kana saakin." Napalingon ako sa huminto na sasakyan sa tabi ko Parang tumigil ang oras nang makita ko kung sino ang tumatawag saakin. Kapitbahay nga namin sya pero hindi ko naman Akalain na mas gwapo pala siya sa malapitan. " Maglalakad nalang ako." Nahihiya na tugon ko " Halika kana sabay kana saakin medyo malayo pa ang bahay mo. Sa dulo pa." Nakangiti na tugon nito Binuksan niya ang Pinto ng sasakyan sa tabi nahihiya na pumasok ako sa sasakyan. " I'm Skyler Single 8 pack abs." Nakangiti na pakilala nito may kasama pang kindat " Gia Married For 3 year's." Nahihiya na pakilala ko " Pumatol ako sa may Asawa hahaha I'm kidding." Pagbibiro niya Ngumiti lang ako sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nanlalamig din ang kamay ko. Napatingin ako sa bahay namin sarado na ang mga bintana at patay na ang ilaw. Namalayan ko nalang nakapasok na ang sasakyan sa Garahe ng Kapitbahay namin. " Gusto mo magkape muna sa bahay? Tara pasok ka." Nakangiti na wika ni Skyler Akmang tatanggi ako hinila niya ako papasok sa bahay niya " Pasok ka muna baka may makakita sayo dito nagsumbong sa Asawa mo." Wika ni Skyler Hindi ako nakaangal Pinaupo niya ako sa sofa saglit na iniwan pagbalik may dala na siyang dalawang can beer.. " Mas masarap ang beer kasya Kape. Don't worry may gate sa likod ng bahay pwede ka dumaan doon papunta sa likod ng bahay nyo Para walang makakita sayo. " Nakangiti na wika ni Skyler Tumango lang ako napansin ko na panay ang titig saakin si Skyler nahihiya ako kaya nakayuko lang ako " Welcome ka sa dito kahit anong Oras. " Nakangiti na wika ni Skyler Inubos ko ang Beer tumayo ako " Uuwi na ako Midnight na may lakad pa ako bukas. " Kinakabahan na paalam ko " Ihahatid na kita." Nakangiti na wika ni Skyler Tumayo na rin siya hinawakan ang kamay ko napasinghap ako parang may Kuryente na dumaloy sa buong katawan ko ng magkalapat ang mga kamay namin ngumiti siya saakin Dinilaan ang paligid ng labi. Binuksan niya ang gate na maliit hawak parin niya ang kamay ko. Holding hands kaming dalawa habang naglalakad papunta sa bahay namin. Nanginginig pa ang kamay ko habang sinususian ang maliit na gate naramdaman ko kasi ang pasemple nitong pag-amoy sa Ulo ko. " Ang kamay ko papasok na ako. S-salamat Sky." Pautal na tugon ko Akmang papasok na ako sa gate Bigla niya ako hinila dahilan para masubsob ako sa kanyang dibdib. Hinawakan niya ako sa bewang ko Ang Tigas ang kanyang dibdib ang bango. " Oops sorry." Wika niya Dahan-dahan ako tumingala nakayakap parin siya sa bewang ko nagtama ang aming mga mata Sobrang lapit ng aming labi nararamdaman ko ang mainit niyang hininga. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nanlalamig ang kamay ko Hindi ko magpaliwanag ang nararamdaman ko. " Goodnight Gia. " Paos na wika niya Naamoy ko ang kanyang hininga ang bango. Napatitig ako sa kanyang mga mata namumungay nang-aakit. Napatitig ako sa kanyang labi nakaawang ng bahagya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari saakin Dahan-dahan niya inilapit ang kanyang labi sa labi ko hanggang napapikit ako ng kusa. Lumapat ang malambot niyang labi sa labi ko. Binuka ko ang labi ko pinasok niya ang dila sa loob ng bibig ko ang tamis ng kanyang halik. Gumapang ang Kakaibang init sa buong katawan ko init na hindi ko naramdaman kay Hazen. Kakaibang halik ang pinaparanas saakin ng Kapitbahay ko. " Goodnight My Sweet moonlight I'll be thinking of you until morning." Malambing na wika niya Tulala ako nakaawang ang labi ko hindi ako makapaniwala sa nangyari nagtaksil ako sa Asawa ko. Wala sa sarili na tumalikod ako narinig ko pa ang pagsasalita ni Skyler " Oh My moonlight. Your lips taste like candy. The sweetest I've ever tasted." Malakas na wika ni Skyler Nanlaki ang mga mata ko sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nagmamadali ako sa pagpasok sa bahay. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok sa sarili kong kwarto " Oh my Goodness Gia." Bulalas ko " Midnight kiss from my neighbor." Bulalas ko " Fvck! Bakit nga pala naghalikan kami? Paano nangyari yon? " tanong ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD