Chapter 13 "Ano sa tingin mo? Magugustuhan kaya 'to ng magiging asawa ko?" tanong niya noong makarating na kami. Wala sa loob akong tumango, palihim na namamangha sa ganda at gradioso ng bahay niya. And no! It's not a house; it's a mansion! Tripleng laki yata ito kumpara sa malaki naming bahay sa Santander. "I'll tour you inside," sabi niya habang nangingiting nakatitig sa reaksiyon ko. Kinuha niya ang kamay ko. Nagpatianod ako sa kanya habang umaakyat kami sa malawak na limestone staircase na kumukonekta sa iron cast double-front entrance door ng kaniyang mansion. Ngumiti muna siya sa akin. He swipes his hand in front of the doorknob, and it automatically unlocks. Bumukas pa iyon ng kusa, kaya napataas ang kilay ko. "Just roam around; ilalagay ko lang ang mga pagkain sa kusina," sa

