Chapter 27 "Are you sure you're going home at this hour, Pa? Hindi ba puwedeng ipagpabukas mo na lang?" Handa na siyang umuwi at naghihintay na ang yate na susundo sa kanya sa pampang. Pagkatapos ng iyakan at hingian ng tawad kanina ay nagawa pa naming kumain ng hapunan nang sabay-sabay. 'Yon nga lang pagod ang mga bata kaya walang makulit habang inihahatid namin si Papa. They are in their room now, taking a rest. "Huwag mo akong isipin, pumasok na kayo roon at baka hinahanap na kayo ng mga anak n'yo." Humalik si Papa sa aking bunbunan. Tumingin siya sa akin. "Marami na tayong oras sa mga susunod na araw. Kaya ko nang umuwi. Kasama ko naman ang iba ko pang tauhan." "Pa—" "Huwag matigas ang ulo, Ey. "Hindi naman, Pa. Gusto pa kitang makasama. Bukas ka na lang kasi umuwi." "You're

