Part 14
Months ang binilang bago natanggap nina mom at dad si zach na parti nang buhay niya, malaya na itong nakaka pasok sa loob nang bahay na ipinag kakait niya noon minsan nga ay ginagabi pa ito sa kanila kapag inihahatid siya sa bahay galing office,
Iniiwasan nalang din niyang kausapin si luke dahil pareho lang silang nasasaktan kakalimutan niya muna ito pansamantala.
At dahil pinayagan narin ito ni hanggang office ay naging asungot ito doon, para itong body guard niya na laging naka buntot,
Mayaman ang pamilya nang lalaki, kaya hindi nito kailangan mag work, isang pitik lang nito sa kamay nakukuha na ang gusto ni Zach, as in sa idad nito walang alam gawin ang lalaki kundi mag pasarap sa buhay, at unasa sa magulang, sabagay marahil dahil narin sa kundisyon nang lalaki, ang alam niya bawal itong mapagud although wa siyang nakikitang sintomas na may sakit ang lalaki,
Ang alam niya sa bahay ito nag gagamot at hinihintay nalang ang sinasabing taning,
At aaminin niyang habang papalapit ang araw na iyon ay nalolongkot siya
Pag katapos nang duty niya ay kumakain sila sa naka sanayan nilang kainin ang street food, noong una ay hindi niya gusto pero masarap, hindi lang siya sanay sa ganoon dahil alam niyang marumi iyon pero dahil kay zach natuto siya,
Na experience niya ang mga bagay na dipa niya nagagawa sa tanang buhay niya lalo na ang mag skateboard, ang galing kasi nang boyfriend niya sa ganoon, kapag wala siyang pasok ay inaaya siya nito at halos doon nila gugulin ang mga uras nilang mag masama.
basta natuklasan nalang niya sa sariling nag eenjoy siya the moment na lalabas sila nang lalaki. Manuod nang sine, kumain sa labas at mamasyal sa mall katulad nang araw na iyon,
At hindi niya sinasadyang makita si luke yes ang the man of my dreams ang first love niya ang lalaking laman ng pusot isip niya lagi so umuwi na pala ito.
Sa subrang excite nga niya ay tinakbo niyang papalapit ang lalaki, iba ang kaba nang dibdib niya dahil nakalimutan niyang kasama si zach na nag totoo ay mas mahalaga pa si luke sa kanya..
naramdaman pa niya ang luha sa subrang tuwa atlast nakita niya ito ulit at mayayakap.
"lukeeeeeee..!!!"tawag niya reto.
lumingon ito..nag smile..sheeeet ang puso niya kumakabog nang subra..ang gwapo nito talaga..gusto niyang yakapin at e kiss ang lalaki pero di niya magawa lalo na nang makitang may babaeng lumapit dito at nag kiss sa face nito.
na statwa siya sa sakit parang mabiyak ang puso niya, may iba na pala ito.. ang bilis nitong nag move on, ang bilis nitong nag palit, sabi nito love siya ni luke sinungaling.
"paano siya? bakit siya nagawang saktan ni luke..
ang tanga niya wala na pala sila, di niya naisip yun kanina siya pala ang unang nag luko, ang sakit palang malaman na may iba na rin ito.
Kita niya ang pag ka gulat sa reaction ni luke nang mag tagpo ang mga titig nila, naka kawit na noon ang kamay nang babae sa bewang ni luke, doon naka tingin ang mga mata niya
"Uhm mica si Valen girlfriend ko, babe si mica friend ko."
Parang sampal sa kanya ang ang mga sandaling iyon, plastic siyang nakipag beso sa babae na parang lulubog sa kinatatayuan,
Pag katapos ay nag tatakbo siya sa cr para umiyak. Ibinuhos niya ang lahat nang luha.
"Baby asan kana.?" Chat ni Zach, kasama niya pala ito sa mall, nawala na sa isip niya kanina.
Nag pahid siya nang luha di niya kayang humarap kay Zach na ganito ang hitsura niya,
"Pasensya kana nauna na akong umuwi masakit kasi ang ulo ko." Pag sisinungaling niya sa chat,
Dina ito nag reply, muli ay umiyak nanaman siya dahil sa sakit na nararamdaman, nang maubos ang luha saka niya inayos ang sarili, nag retouch upang mawala ang pamumula nang mga mata saka lumabas banyo, saktong kalalabas niya lang nang matigilan pag kakita kay Zach na ngayon ay naka tingin sa kanya na halatang inaabangan siya sa labas nang rest room.
Hindi siya naka imik nang Lumapit ito at niyakap siya,
"Micah sana kahit minsan mahalin mo rin ako," dama niya ang malingkot nitong boses, nakita ba nito ang nangyari kanina,
Umiiyak siyang yumakap din kay Zach, gustuhin man niyang itulak ito ay di niya magawa, kailangan niya ito ngayon dahil sa bigat nang nararamdaman niya. Hiniling niya nalang sa mga sandaling iyon na matutunan nalang ding mahalin si Zach at makalimutan na si luke lalo ngayong may mahal na itong iba,
Tahimik siya habang inihahatid nang lalaki pauwi. na udlot na ang panananuod sana nila nang sine ni zach, nauunawaan naman kasi siya nang lalaki sa naramdaman niya sa ngayon dahil tama siya, nakita ni Zach ang pag haharap nila ni luke kanina,
"Pwedi bang sa bahay ka matulog ngayong gabi baby, sasamahan kita baka kasi umiyak ka nanaman," nag bihiro nanaman ang boses ni Zach, minsan lang itong mag seryoso mamaya puro kalukuhan nanaman,
"Gusto mo bang katayin ka ni mom.?" Naiinis niyang tanong, mejo okay na siya ngayon dahil nagagawa nanaman niyang mag taray.
"Wala naman akong gagawin ah, masiguro ko lang na dika iiyak,"
"Iuwi mo na ako sa bahay, "utos nalang niya reto,
Iiling iling naman ang lalaki,"sige na nga pero kapag nalongkot ka tumawag kalang huh, isang tawag mo lang dadating agad ako," ngiti nang lalaki,
"Salamat Zach pero okay lang ako,"Aniya,
Pero nang mapag isa si micah sa kanyang silid ay muli siyang umiyak hanggang sa naka tulugan nalang niya,
Kinabukasan nang umaga wala siyang ganang pumasok sa trabaho, pasado alas nuibe na nasa higaan pa siya, mugto ang mga mata, panay ang ring nang kanyang cellphone, kinakatok din siya nang ina,
Tamad siyang bumangon at pinag buksan ito,
"May sakit kaba anak.?"Kahit papaano ay nag alala ito sa kanya. Sinalat pa nga siya sa nuo sa pag aakalang may sakit siya, magulo kasi ang buhok niya, at sigurado mukha siyang may sakit.
"Wala mom, napuyat lang ako," umiwas siya nang tingin dito,
"Tumawag ang dad mo may outing tayo kaya hindi kita ginising dahil wala namang pasok, mag ready kana at kanina pa si Zach nag hihintay sayo sa baba." Pag kasabi nito ay tumalikod na,
Outing.? At kasama ang makulet na yun, haisst mas gusto pa niyang maiwan sa bahay Walang ganang nahiga ulit sa kama at nag talukbong nang kumot,