Nakatingin siya sa malaking pangalan nang building ng huminto ang sinasakyan niyang jeep sa harap nito. Papunta na siya sa trabaho at ito nga may mga iilang trabahante ang pababa nang jeep para pumasok sa malaking building sa harap niya.
Samaniego Group of Companies
Ulit na basa niya, bago siya umupo nang tuluyan ay tiningnan muna niya ang mumurahin niyang cellphone. Dalawang buwan nadin siya dito sa manila at ngayon ay nagtatrabaho bilang crew sa isang fastfood chain. Pero hindi padin niya makalimutan ang nangyari sa kanya habang papunta dito.
Napangiti siya habang inaalala kung paano siya nanatili sa bisig nang lalaking katabi niya hanggang sa naging maayos ang lipad nang eroplano. Kahit tiningnan lang siya nito nang magpasalamat siya ay sapat na yun para sa kanya. When they landed ay agad itong nawala sa paningin niya, kaya nga pinuslit niya ang magazine sa eroplano kung saan featured ang lalaki.
Kyros Samaniego
Pangalan palang gwapo na, yes tila siya nagkacrush at first sight sa lalaki. Pero alam naman niyang suntok sa buwan ang magkatagpo sila ulit. Kaya ok na sa kanya ang picture nito na nasa wallet niya na ginupit pa niya mula sa magazine na pinuslit niya.
Nang makita ang establisemento na kanyang pinagtatrabahuan ay agad siyang bumaba nang jeep at tumakbo papasok. Nang makapasok ay pansin niya na ang mga estudyanteng costumer na nakapila sa counter kaya agad siyang nag clock in para maka pwesto sa counter niya.
Napasinghap siya nang makita ang lalaki sa harap niya. Kahit naka shades ito alam niya siya iyong lalaking katabi niya sa eroplano. Napalingon siya sa katabi nang bahagya nitong sinipa ang paa niya at taasan siya nang kilay.
"Hmm welcome to Mcdonald's sir , may I take your order?" Tanong niya dito.
Pasimple niyang nilibot ang tingin sa paligid at hindi na siya nagtaka nang makita ang mga mababaehan na pasulyap sulya sa pwesto nila, maging ang kanyang manager ay lumabas at pasimpleng sumulyap din dito.
"Love."
Napalingon siya sa lalaki nang magsalita ito.
"Ano po?"tanong niya. Pinaraanan niya nang tingin ang lalaki at napasin na hindi ito naka business suit. Simpleng tshirt na puti at pantalon lang ang suot nito pero ang s*x appeal nito ay tila hinihila ang nga mata nang mga kababaehan para tingnan ito. Kita niya ang paglapit nito lalo sa counter niya kaya agad siyang napayuko.
"I said Love can I speak to you in private?" Sabi nito na nag pasinghap sa mga kasamahan niya na nakarinig sa sinabi nang lalaki. Bago paman siya makasagot at humarap na ito sa manager niya. "Can I speak to my wife for awhile in your office?"
Ramdam niya ang kurot sa tagiliran nang katabi niya tsaka ito bumulong. "Akala ko ba single ka Luna? Jusko bat dimo sinabi na subrang gwapo nang asawa mo? Nako bhe kung ako asawa niyan ipangangalandakan ko na akin yan." Sabi nito.
Sasagot sana siya nang tumingin ang lalaki sa kanila tsaka ito ngumiti na nagpatili nang mahina sa kasamahan niya.
"Luna, go ahead talk to your husband in my office." Her manager said kaya tumango nalang siya at naunang pumasok sa loob. Ramdam niya ang pag sunod nito ganun nalang ang panlalaki nang mga mata niya nang ilock nito ang pinto. Umupo agad siya sa upuan nang magsimula itong maglakad sa palapit sa kanya.
Umupo ito sa harap niya at ramdam niya ang katahimikan nang titigan siya nito.
"What is your name?" Basag nito sa ka tahimikan.
"Luna po." Sagot niya.
"Full and real name."
"Luna Marie Ocampo po." Sabi niya.
Napaangat siya nang tingin nang hindi ito magsalita, pero ganun nalang ang pamumula nang mukha niya nang makita itong nakatitig sa kanya.
"Do you know why Im here?" Tanong nito sa seryosong boses.
Umiling siya bilang sagot.
Bumuntong hininga ito "Im here to bring you home. And home is my house." He said.
Agad siyang napatingin dito. "Hala sir bakit po? May inuupahan naman po ako. Tsaka dipo kita masyadong kilala. Ni hindi ko nga alam ang pangalan mo." Sabi niya.
"You don't know me?"tanong nito kaya umiling siya.
Sige girl panindigan mo ang pag deny na hindi mo kilala si pogi.
Sa gulat niya ay bigla itong tumawa. "Damn thats a first. I never thought na may tao pa palang hindi nakakakilala sa akin. Do you even watch some news or read some newspaper or read some stuff in f*******: or other online thing?" Tanong nito.
Umiling siya tsaka napanguso. Ang hangin naman nitong lalaki. "Hindi po, wala po akong tv tsaka hindi po touchscreen cellphone ko. At hindi din po ako nagbabasa nang dyaryo dahil wala din po akong pambili nun." Sagot niya.
"Wow, so you mean you don't know that for two months ikaw ang talk of the town online and tv? Heck my so called wife don't even know that alot of reporters are hunting her, oh well likod mo nga naman ang nakunan habang nakakandong ka sakin sa eroplanong yun." Sabi nito.
"Po? Di kita maintindihan. Anong wife? Tsaka bakit naman ako pinaghahanap nang mga reporter?" Tanong niya.
"First of all. Nice to meet you I am Kyros Samaniego, 27 and a CEO of Samaniego group of companies. And also your husband." He said na nagpanganga sa kanya. Bago paman siya makapagsalita ay inunahan na siya nito.
"Remember the plane fiasco? When I let you sit on my lap because your shaking so bad out of fear? Naalala mo that I told the flight stewardess that you are my wife? It all start from there, some people took pictures of us and posted it online that create chaos. And now My Mom wanna meet you. Thats why Im here para iuwi ka." Paliwanag nito.
"Nako sir sabihin mo nalang sa mama mo na hindi totoo ang nabasa or napanood niya. Na tinulungan mo lang ako." Sabi niya.
Kyros smirk on her. "Do you think I didn't do that? But my mom call the airline company and talk to that flight stewardess and she confirm na sinabi kong asawa kita. And who would believe me kung kitang kita sa pictures na kandong kita at yakap yakap pa? Lahat nang makakakita sa atin sa picture nayun ay siguradong iisipin na girlfriend kita or asawa."
Sa gulat niya ay hinawakan nito ang kamay niya at may isinuot itong singsing sa palasingsingan niya.
"Be my wife. Or should I say be my pretend wife for a year and in return I will give you 50 million to start a new life." He said.
"Sir alam kung mahirap lang po ako pero hindi po ako pinalaking manloloko nang mga magulang ko." Sabi niya.
Tumayo ito tsaka ito naglakad sa pinto.
"Think about it Miss Ocampo, I'll give you two days to think about it." May binigay itong card sa kanya. "Call me once you've decided. Lets go." Sabi nito kaya sumunod siya sa paglabas nito sa opisina nang manager niya.
Pero ganun nalang ang gulat niya nang humarap ito sa kanya kasabay nang paglagay nang braso nito sa bewang niya ang ang paghalik nito sa noo niya na umani nang pagsinghap sa mga nakakakita sa kanila.
"Ill see you when I see you Mrs. Samaniego." he said tsaka ito umalis habang naiwan naman siyang tulala.
"Oh my God luna, bat dimo sinabi na asawa mo ang bilyonaryong yun? My god ikaw pala yung babaeng napapabalita na asawa niya jusko di kita nakilala dahil likod mo lang naman ang nakita don. Bat dimo sinabi? Did you guys have fight kaya biglang sulpot ka dito at nag apply pang service crew kung kayang kaya mo naman palang ipabili sa asawa mo ang lugar nato?" Sunod sunod na tanong nang Manager niya. "Hoy Luna, Ok ka lang?"
Tumingin siya dito tsaka umiling.
Paano siya magiging Ok kung hindi nga niya alam kung anong nangyari. She's still trying to understand everything he said. Napatingin siya sa kamay niya at kitang kita niya ang dalawang singsing na inilagay nito. An engagement ring and wedding ring and by the looks of it. Alam mong mamahalin.
Ano ba tong pinasok mo Luna Marie.
————————————####————————————