Chapter 14

1410 Words
Luna's POV "Ma'am ok ka lang?" tanong niya sa isang babae na nasa mga early 50's ang edad na nakaupo sa labas nang mall. Mukha naman itong mayaman pero kasi namumutla ito at tila nahihilo kaya agad niya itong nilapitan. The woman smiled at her bago ito humawak sa braso niya. "Salamat sa concern iha, medyo nahilo lang ako sa init nang pinas. Hindi na kasi ako sanay." sabi nito at tatayo na sana nang tila matutumba ito kaya agad niya itong inalalayan.  "Dadalhin ko nalang po kayo sa ospital ma'am." she said sabay tawag ng gwardiya para kunan sila nang taxi. Nang makapasok sila nang taxi ay agad niyang pinaypayan ang ale dahil napapapikit ito habang nakasandal sa upuan ng taxi. When they arrived in the hospital ay agad namang may umasikaso sa kanila. Lalapitan sana niya ito pero nang makita niyang tila nakatulog ito ay dumeretso nalang siya sa billing area at nagbayad nang bill para sa Ale.  Nang tingnan niya ang oras ay halos maibato niya ang cellphone nang makita ang madaming message galing sa asawa. May mga missed call din mula dito na hindi niya nasagot at ni hindi nga niya napansin kanina. Agad niya itong tinawagan dahil paniguradong galit na yun sa kanya. "Where the fck are you?At bakit dimo sinasagot ang text at tawag ko?" Agad na bungad nito sa kanya ni wala man lang hello.  "Nasa Ospital ako ky." mahinang sabi niya habang naglalakad palabas. Napakagat labi siya nang madinig niya ang pagmumura nito.  "Saang hospital yan? May nangyari ba? Ok ka lang ba? LUNA MARIE SUMAGOT KA."nailayo niya ang cellphone sa tenga niya nang sumigaw ito sa kabilang linya.  She stop walking at huminga muna bago sinagot ang asawa. " Ok lang ako Ky." she said pero nagtaka siya nang madinig ang tila pagmamadali nito.  "Stay where you are, pupuntahan kita." he said bago nito binaba ang tawag.  Napailing nalang siya at tinitigan ang cellphone niya. Hindi na siya nagulat kung alam na nito kung nasaan siya ngayon dahil siguradong pagkasagot niya sa tawag nito ay gumana na agad ang gps sa phone niya. It only took her nineteen minutes to wait dahil agad niyang nakita ang sasakyan nito na palapit sa main entrance nang hospital kung saan siya nakatayo.  Napakunot noo siya nang agad itong umibis nang sasakyan at agad siyang hinila palapit dito.  "Kyros." she said pero tila ito bingi dahil bigla siya nitong niyakap. Ramdam niya ang kabog nang dibdib nito, yayakap sana siya nang bigla itong bumitaw at umatras nang isang beses palayo sa kanya.  At sa gulat niya ay chineck nito ang buong katawan niya mula mukha hanggang paa niya infront of all the people na nasa labas nang main entrance. Halos mamula ang buong katawan niya nang paikutin siya nito at ang likod naman niya ang sinuri nito. When his finally satisfied na ok lang siya ay niyakap siya nito ulit at hinalikan sa noo.  "Dammit love wag mo na ako tatakutin nang ganun." bulong nito habang pahigpit ang yakap sa kanya. "At mula ngayon hindi kana aalis nang hindi ako kasama." sabi nito and to her suprise ay hinawakan nito ang mukha niya at siniil siya nang halik sa labi na nagpasinghap sa mga taong nakapaligid sa kanila.  The kiss is sweet na agad naman niyang tinugon, and when the kiss is over ay agad niyang tinago ang mukha sa dibdib nito lalo nat napasin niya ang mga taong kumukuha nang video o litrato sa kanila.  "Don't be shy my love, I am proud na halikan ka sa harap nang mga tao." nakangiti nitong sabi sabay halik sa tungki nang ilong niya. He then cupped her face tsaka siya tinitigan na nagpailang sa kanya, yong tipong di niya masalubong ang mga mata nito.  "You're driving me crazy my wife." Sabi nito sabay  hinalikan siya ulit nito sa labi. --------------- Tahimik na nakaupo lang siya sa sofa sa loob nang opisina ni Kyros. After siya nitong sunduin sa hospital ay dinala na siya nito dito at tumayo lang siya para kumuha nang maiinom ay tatayo din ito. Inshort mukha siyang praning mga bes.Katulad ngayon she get up para sana umihi pero bigla din itong tumayo at tinitigan siya.  "Saan ka pupunta?" He ask na halos magpaikot nang mga mata niya.  "Tatae Kyros, wag mong sabihing sasama ka?" She ask sabay lakad papuntang banyo. Pero bago paman niya masara ang pinto nang banyo ay may humarang na kamay na dito at sa panlalaki nang mga mata niya pumasok si Kyros at ito na mismo ang nagsara nang pinto. "Seryoso hanggang dito?"  Kyros  just stare at her bago ito tumango at ngumiti sa kanya. "Yes love  hanggang dito. Umihi ka na tatalikod ako." He said bago ito tumalikod sa kanya. "Shutangina Kyros tatae ako." Pasinghal na sabi niya. "Paano ako tatae nang maayos kung andito ka. Labas." She said sabay tulak dito. Pero ganun nalang ang pagtataka niya nang tumawa ito. "Damn your the only woman who cursed me like that. You're so cute baby." He said sabay yakap nang kamay nito sa bewang niya. "Ok lang naman sakin kung tatae ka at andito ako, gusto ko lang makasiguro na hindi ka madudulas at masaktan. Dahil hindi mo ramdam ang takot ko kanina nung sinabi mong nasa ospital ka." He said.  Sweet sana eh pero tangna natatae talaga siya. "Please lang Kyros lumabas ka. Hindi kana nakakatuwa. Jebz na jebz na ako."she said bago tinanggal ang pagkakayakap nito at tulak dito palabas nang banyo.  When she successfully push him out ay agad niyang nilock ang pinto at napailing nalang bago ginawa ang dapat niyang gawin.  After she did number two ay nag ayos na siya at  naghugas na siya nang kamay ha. Ganun nalang ang gulat niya nang paglabas niya nang banyo ay nakaabang na si Kyros  sa harap nang pinto. Tangna ngayon niya lang napasin ang gwapo nang asawa niya sa suit nito. Nakabukas pa ang dalawang butones kaya medyo kita niya ang dibdib nito.  "You ok?" Tanong nito. Pinagtaasan niya ito nang kilay sabay tapik sa balikat nito. "Tumae lang ako Kyros jusko hindi ako nanganak sa loob. Ang oa mo ha." Sabi niya at lalampasan na sana ito nang bigla siyang niyakap mula sa likod at halikan ang gilid nang leeg niya.  "Masama bang mag alala sa asawa ko? Sorry if im overeacting but you dont know how scared I am when you tell me that your in the hospital."he said sabay paikot sa kanya para makaharap ito. "Damn love what spell did you use to me?" Napakunot noo siya sa sinabi nito, di niya gets eh. Pero isa lang ang gets niya at yun ay ang unti unting pagkakahulog nang puso niya dito. Bumuntong hininga siya sabay yakap dito.  "Pafall kang lam mo yun."she whisper na hindi naman nito nadinig.  "Akala ko kaya kong mag pigil pero  mukhang hindi na ata." He said before holding her chin and making her face him sabay halik sa labi niya.  In all the kisses they shared, parang ito ang naiiba. "So ganyan talaga dapat ang salubong mo sa akin ha Kyros Samaniego?." A new voice pop out at nang tingnan niya ito ay halos mamutla siya nang makita ang mama ni Kyros. Of course she knows her pinakita na kasi ni Kara  ang picture nito sa kanya.  "Ma." Kyros said sabay bitaw sa kanya at lapit sa mama nito. Kita niya kung gaano kaingat ang asawa sa paghalik sa noo nang mama nito sabay baling sa kanya. "Sorry for that but ma meet Luna Marie." He said sabay hawak sa kamay niya at hila palapit sa mga ito. "My wife."  Kyros  mom smile at her at sa gulat niya ay niyakap siya nito. "Thank you iha, thank you at sayo napunta ang anak ko." Naiilang man ay gumanti din siya nang yakap dito. When she look at Kyros ay nakangiti itong nakatitig sa kanya. Pero agad siyang nanigas nang mabasa ang sinabi nito nang walang tunog.  I LOVE YOU Yan ang basa niya pero baka ANG GALING MO din ang gustong  sabihin nito.  Tangna puso kumalma ka. -------------------------------####------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD