ALAS-tres ng madaling araw, habang mahimbing na natutulog sina Lolo at Lola, abala ako sa paggamit ng social media. Ewan 'ko ba, kung bakit napapadalas ang pagpupuyat ko ng dahil dito. Siguro kasi napakarami mong pwedeng gawin sa social media. Ang mga taong walang kinagisnang Ama, Ina at kapatid, pwedeng magkaroon sa social media. Gaya ko! Ako si Yuri, isang solong anak na inabandona ng mga sariling magulang. Sina Lolo lang ang tumayo kong mga magulang, at sila lang rin ang mayroon ako. Dahil sila ang aking pamilya. "Ti-ni-ning-ning-ning..." Naagaw ng ringtone sa aking telepono ang aking atensyon. Agad ko naman itong tinignan kung sino ang nagsend sa 'kin ng message. "Hi 'nak, papunta ko ngayon d'yan sa iyo, susunduin na kita." Bahagya akong natawa sa message sa 'kin ni mama. Alam kung bir

