“Sai,” tawag sa kaniya ng kaniyang team mate. Nakangiting nilapitan naman niya ito. “Sweety,” aniya rito. “Ikaw ha, nakita ka namin nakikipag-usap doon kay gamer boy,” tukso nito sa kaniya. Napakunot noo naman ang dalaga. “Si, Allaric ba?” sagot niya habang nagtataka. “Wow! First name basis agad ha,” saad nito at halata ang mapaglarong ngisi sa mukha. “Bakit?” nagtatakang tanong niya. “First time kasi namin nakita kang nakikipag-usap nang matagal sa isang lalaki,” sagot nito. “Nakikipag-usap naman ako kay coach ah,” sagot naman niya. “Iba kasi iyon, kasi naman ha, matalino ka, maganda at sikat na sikat sa school na ito, MVP pa ng university. I mean nasa sa ‘yo na ang lahat pero wala kaming narinig na may boyfriend ka,” wika nito. Natawa naman si Sai at napaisip. Totoo nga,

