Matapos nilang mag-usap ni Lin ay lumabas na si Shan at sumakay ng taxi papunta sa building ni Cross. Kahit may trabaho ay inuna niyang puntahan si Lin. Hindi puwedeng hindi. Nakasalalay rito ang buhay niya at ang kaniyang kinabukasan. Kaya nitong bilhin ang buhay niya kaya hindi puwedeng ipagsawalang bahala iyon. Huminga nang malalim si Shan at napahawak sa dibdib niya. Napatingin siya sa rearview mirror nang makita ang drayber na nakangiti sa kaniya. “Bakit po, Manong?” tanong niya rito. “Ma’am, hindi ba kayo po ‘yong nasa balita kagabi?” tanong ng drayber. “Po?” “Iyong nag-viral dahil nambugbog ng criminal?” ani nito ulit. Napakamot naman sa ulo niya ang dalaga at nahihiyang napangiti. “Ang galing niyo po roon, Ma’am,” komento nito. “Galing ng galawan parang Cynthia Luster

