It’s been two months simula nang ma-coma ang dalaga. “Mr. Zhen, know that whatever your decisions are nandito lang ako,” wika ng doctor sa kaniya. Tiningnan niya lang ito. “Kahit pa abutin ng ilang taon, Doc. Hinding-hindi ko isusuko si, Shan,” sagot niya rito. “Miracles do happen if you pray,” wika ng doctor. Napangiti naman nang tipid ang binata. “Kaya nga hindi ako nawawalan ng pag-asa Doc,” sagot niya. Tinapik ng doctor ang balikat niya at umalis na ito. Ilang saglit pa ay dumating naman si Sasha. Ilang linggo na rin at nakikita niya ang pagbabago rito. Humingi na rin ito ng paumanhin sa nangyari. Okay lang naman sa kaniya, he’s just hoping na hindi na ito magbabago. Malaki ang naitutulong nito lalo na sa pag-aalaga sa ina ni Shan. “Cross, may dala akong maiinom diyan baka

