"Hey!" tawag ng boses lalaki. Napalingon naman si Sai at napakunot noo. Hindi niya ito kilala. Nakangiti lamang ito at nilapitan siya. "I'm Raz," pagpapakilala nito. Tiningnan lamang ni Sai ang nakaumang na kamay nito at tinaasan ng kilay. "Hindi kita kilala, may kailangan ka ba?" tanong niya. Hindi rin nagbago ang reaksiyon ng mukha niya. Natigilan naman ang binata sa sinagot niya. "Nakita kita kanina, actually matagal na kitang napapansin. Ang ganda mo kasi eh, " saad nito. Kaagad na nairita naman si Sai. Hindi niya alam kung ano ang gusto nitong iparating. May dumaan namang mga estudyante at tila kinilig pa sa pagngiti niya. "Kilala nila ako dahil ako ang campus hearthrob," anito. Napataas naman lalo ang kilay ni Sai. Guwapo ng ito, may ipanlalaban. Pero si Allaric mas guwap

