Chapter 8

3504 Words
Achilles POV Sunday na ngayon eto yung araw na makikipagkita saken si sheena pero di ko pa din malimutan yung pag amin ko kay ash nung friday buti na lang kinabukasan walang pasok di ko alam pano siya haharapin. Makikipag kita na lang ako para maayos na to ayoko din na may galit dito sa puso ko. Nasa Manesse Garden ako at nakita ko si sheena na nakaupo sa bench naghihintay. Babe thank you alam kong dadating ka. umupo ako sa tabi nya Anong pag uusapan natin? tanong ko Ah ehh Babe sorry sa lahat ng nagawa ko at sa pinsan mo narealize kong hindi pala sya ang gusto ko at ikaw yon. aniya Grabe yung sakit tapos sorry lang yung kapalit. sagot ko So--sorry talaga babe nung nasa america kame play boy pa rin ang pinsan mo walang pinagbago pero hindi naman naging kame then suddenly na realize ko ang tanga ko na pakawalan yung lalaking laging nandiyan para saken im sorry babe can you court me again?. tanong niya na gusto kong matawa. Ha? hindi ganon kadali yon sheena. parang candy lang yung hinihingi saken. Pero babe ayusin natin to wag mo na kong itaboy kapag lalapit ako sayo ok lang kung hindi mo pa ko mapapatawad sa ngayon. umiiyak na sya Hinarap ko siya at pinunasan ang luha nya. Ok na yon pero di ko maipapangako na magiging tulad pa rin tayo ng dati ang sakit kase sheena sana maintindihan mo. Babe din tawag mo sa kanya yung mga sweet text mo siguro saken noon para siguro sa kanya? tanong ko Babe naman. sagot niya Pumayag na lang ako sa gusto niya na hindi ko siya iwasan at niyakap niya ko matapos ang usapan namin umuwe na ko at natulog. Naalimpungatan ako kaya napatingin ako sa orasan ano 6:30 am na ang haba naman ata ng tulog ko 5 pm ako natulog tsk tsk makapag ayos na nga at may pasok pa ko. Matapos ko maligo habang nagbibihis ako napatigil ako sa pag suot ng brief ko ng maalala kong classmate ko si ash makikita at makikita ko s8ya hays makapag brief na nga bumaba na ko para mag almusal Baby gising ka na pala upo kana mag almusal kana. si mommy Sige po mommy. sagot ko Kamusta kayo ni ash. tanong nito na taas baba pa ang kilay. Mommy naman nang aasar ka ba? ang aga aga si mommy talaga. Baby nagtatanong lang ako. humalakhak sya. Ah eh kasi ano po ahh. sasabihin ko ba kay mommy bahala na nga. u--umamin ako sa kanya mommy mukang nagugustuhan ko na po sya pero umalis agad ako nung sinabe ko sa kanya na gusto ko siya natatakot po ako ma reject. nahihiyang sabe ko Bakit mo iniwan ikaw talaga oh baby naman pero tandaan mo boto ko para kay ash gusto ko siya kesa sa sheena na nililigawan mo noon yung kinukwento mo saken. Madalas ko ikwento si sheena kay mommy na dapat ay ipapakilala ko na pero hindi na tuloy dahil nga sa nangyare. Eh yun lang mommy kung gusto rin nya ko. malungkot na sabe ko. Edi mag effort ka baby at wag kang magbabago kung sakaling sagutin ka niya wag kang panghihinaan ng loob magtiwala ka sa sarili mo kung tama ang intensyon mo. sabay kindat niya saken. Ewan ko sayo mommy sige na po papasok na ko. Ingat baby ko binata na yieeee. si mommy talaga kahit kelan. Sumakay na ko sa kotse ko at nagdrive papuntang school. Nasa Parking lot na ko ngayon ng may biglang kumapit sa braso ko. Babe good morning sabay na tayo pumasok magkatabi lang naman ang room natin. si sheena Sige. sagot ko pero napahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang motor nila ash na paparating. Babe ano ka ba ano pa tinutulala mo diyan tara na. hinatak niya ko at nagkatinginan kame ni ash mabilis kong iniwas ang tingin ko dahil nahihiya ako sa kanya. Rain POV Nakita ko si achilles at sheena na magkasama mukang nagkaayos na sila. Hoy! hoy! boy! ano diyan ka lang tara na baka malate pa tayo. bakit naiinis ako sa nakita ko. Nasa classroom kame at napatingin ako sa gawi ni achilles tumingin din ito pero nag iwas ng tingin bakit ganon yon tss. *Kriiigggg.. Salamat naman vacant na gutom na ako. Rain una kana sa cafeteria ilalagay ko lang tong isang book ko sa locker hanap kana ng upuan. tumakbo agad siya hindi man lang ako hinintay magsalita sasama sana ko sa kanya tss. Habang pababa ako ng hagdan may narinig akong nag uusap napahinto ako ng marinig ko ang boses na yun si sheena Babe sabay na tayo kumaen o kaya kahit araw araw na. aniya ok. sagot ng isa pang pamilyar na boses si unggoy nang wala na ko marinig akala ko umalis na sila bumaba na ko at nagulat ako nang hatakin ni sheena si achilles at hinalikan niya ito. Umakyat ulet ako at dumaan na lang sa kabilang hagdan tss play boy mag sasabe ng gusto ka tapos may kahalikan na iba tsk tsk. *booogsshh Sa kakasalita ko sa isip ko di ko namalayan na may nakabunggo ako dito sa garden teka garden? hindi ko napansin na dito ako napunta imbis na sa cafeteria lutang talaga. Aray! sigaw ng lalaki na nabunggo ko dahil nung nagkabungguan kame sa kasamaang palad yung tuhod nya lumanding sa bato na nasa damuhan. Sorry. inabot ko sa kanya ang kamay ko at kinuha naman niya ito pero nahihirapan siyang tumayo. Kaya mo ba dadalhin kita sa clinic. kinuha ko kamay niya at niligay ko sa balikat ko. Ah sorry din miss kase nakatingin ako sa cp ko kaya di kita nakita. aniya Ok lang pareho naman tayong nakatanga. bahagya siyang natawa pero kita pa rin sa muka niya ang iniinda nyang sakit. Grabe ka naman sa sarili natin baka magalit yang sarili mo at sarili ko. Bahagya din akong natawa sa sinabe nya. Nang makarating kame sa clinic nilinis agad ni nurse pat yung sugat nya. Bibili lang ako ng pagkaen natin hindi pa kase ako kumakaen anong gusto mo? tanong ko Ah eh miss nakakahiya ako na lang siguro bibili ng pagkaen natin. pagtanggi niya sa alok ko. Wag na ako na wag ka muna lumakad baka lalong sumakit sugat mo. paalis na ko ngunit nagsalita siya ulet kaya napahinto ako sa paglabas sa clinic. Ah miss. tawag nito saken kaya lumingon ako. Kent Leo Avilez pala inabot nito ang kamay nya.  Ashleigh Raina Imperial. sagot ko Such a beautiful name it really suits you. nginitian ko lang siya at aalis na pero sumigaw ito 2 pcs Cheese burger please. lumingon ako sa kanya oo nga pala hindi ko pa alam ang gusto niyang kainin. Tumango lang ako bilang sagot. Hoy bruha saan ka naman ng galing aber? kanina pa ko tumatawag di ka sumasagot? naka silent nanaman yang cp mo tsk tsk. Ang ingay mo may nakabunggo ako dinala ko sa clinic. Ano sino nanaman binangasan mo? ano ka ba umiwas ka nga sa g**o oh heto kumaen kana. tamang hinala to mas palaaway pa nga siya kesa saken. Hindi ako nakipag away abnormal nakabunggo nga aksidenteng tumama tuhod nya sa bato na nasa damuhan kaya dinala ko muna sa clinic para malinisan sugat nya. Ok kumaen ka na diyan 30mins na lang may klase pa tayo ulet. inirapan ako ng babaeng to. Sandali bibilhan ko lang ng pagkaen yon hindi pa kase makalakad. Wow ah Ashleigh Raina Imperial isdayu? may lagnat ka ba? magpapa misa na ba ko? humalakhak ang bruha. Ewan ko sayo abnormal ka hintayin mo ko at babalik ako. Pumunta na ko sa clinic at ibinigay kay kent yung Cheese burger na gusto nya Thank you leigh next time treat ko naman ok lang ba sayo?. aniya Ok lang naman. sagot ko para makaalis na at baka mabaliw na ang bruha dun sa canteen. Una na pala ko sayo hinihintay kase ako ng kaibigan ko. Sige see you next time leigh. kumaway pa ito. Leigh talaga ang tawag niya saken? well mas gusto ko yung Leo na name nya. Last subject na namin at ang boring ng topic tumingin na lang ako sa bintana at nakita ko nanaman ang mga ibon na lumilipad sa may puno nakakarelax. Hoy tulala ka friend? uwian na iwan na kita diyan?. si cash Tara na. isang buong klase akong nakatulala. Nasa parking lot na kame ng may bumato kay cash ng itlog. Puta! sino yon?!. sigaw ng galit kong kaibigan The one and only dirk. humalakhak ito na parang tanga. Lumapit ito kay cash at hinawakan nya sa kwelyo. Ano mas marami kami ngayon may bagong recruit ang g**g kaya nyo ba kame?. ngumisi ang loko Ganon ka ba ka duwag para mag tawag ng maraming kasama para sa dadalawang babae? si cash Tss Leader ng g**g yan boy pero lampa. sabat ko at ngumisi Hinawakan ko ang kamay niya na hawak ang kwelyo ni cash. Bibitawan mo o babaliin ko kamay mo. pero ngumisi lang ang loko at naramdaman kong may papalapit sa tagiliran ko. Isasalag ko na sana ang isang kamay ko na may biglang humarang dito. Kalalaki niyong tao babae pa kinakalaban niyo ganyan na ba ang out law tss. si kent at kinindatan pa ako nito. Wag nyong hintayin na maubos ang pasensya ko ngayon pa lang umalis na kayo. si kent na kalmado lang na nagsasalita Tara na may araw din kayong dalawa saken. tiningnan muna kame ng masama netong si dirt Thank you kuya, hi im cashmere. inabot nya ang kamay niya kay kent. Kent nga pala nice to meet you cashmere. at tumingin ito saken Leigh yung utang mo saken ah una na ko ingat kayo. anong utang ko sa loko na yon Hoy kadiri ka bakit ka umuutang wala ka bang pera? poorla? ano teh? pinapakaen kita bakit umuutang ka pa? sabe nito na nakapamewang pa. Hoy tigilan mo ko hindi ko rin alam yung utang na sinasabe non. nag iisip din aako kung ano yung utang ko. At teka bakit alam niya pangalan mo magkakilala na kayo? tanong niya na nakataas ang kilay Kanina lang siya yung nabangga ko tingnan mo siya ika ika maglakad dame mo tanong tara na uwe na tayo. ----------------------------------------------------------- Ginising ako ni cash ng maaga dahil last practice na namin ngayon sa basketball at papunta na ko sa field para naman sa practice ng archery. Kasama ko pa din si cash sasamahan niya daw ako at nakasalubong namin ang tatlong ugok. Ash panuorin ka namin magpractice. si juno Ah eh sige. sagot ko at tumingin ako kay achilles na nakatingin sa cp niya problema nitong lalaking to di namamansin bahala sya. Nasa field na kame at nilapitan ako ni coach meron ka ng kapartner ash yung talagang player namin sa archery simula pa noon. Leigh!. lumingon ako sa pinanggalingan ng boses lumapit ito at inakbayan ako. Oh kent kilala mo na pala siya si ash kapartner mo sa achery and ash siya yung tinutukoy ko.  Leigh galingan natin buti ikaw kakampi ko. nakipag apir pa to saken at kinurot ang pisngi ko. Achilles POV Si kent yun ah close sila ni ash? si juno Kahapon lang sila nagkakilala nakabunggo ni rain yan tapos dinala niya sa clinic kase nagkasugat. si cash Tss bakit close agad kakakilala lang nila. inis na bulong ko sa sarili ko Natapos yung practice ni ash at masasabi kong sobrang galing mas magaling pa siya kay kent. Kent musta?. si juno plastic tong kaibigan ko Ayos lang kayo naman? tanong niya Ok lang din kame. si kev Ah sige una na ko tara na leigh. Leigh? feeling close talaga tong kent na to. bulong ko sa sarili ko At bakit kayo aalis saan kayo pupunta?. medyo nagtitimpi akong magalit Bakit nanay ba kita?. sagot ni ash LQ kayo? si kev, juno at cash Tss. inis na talaga ko Tara na leigh remember yung utang mo. sabay kumindat pa ang ungas Anong utang ako magbabayad magkano ba? tanong ko Yung utang niya kase saken eh magkakape kame or kakaen sa labas you wanna have a coffee with me or eat in a fancy restaurant? nakakainis tong lokong to ah. Humalakhak ang tatlong ungas maliban kay ash at kent. Tara na leo, boy text na lang kita pag uwe ko. binabanas talaga ko netong babaeng to Leo talaga tawag niya ha at pumayag naman tong isa na tawagin siyang leo. Pano si dos? si cash Sino yon? tanong naming apat na lalaki Yung motor niya. si cash Gagamitin ko angkas ka na lang saken leo. si ash. Sige ba gusto ko yan ayos. tuwang tuwa ang animal. Wow kent you're so lucky ikaw pa lang unang makakaangkas sa motor niya kahit ako di pinapasakay niyan eh. tss cash di mo lang alam na pinasakay na niya ko diyan bulong ko sa isip ko at biglang nabadtrip ako. Sasakay sa motor niya edi hahawak siya sa bewang ni ash nakakainis. Sa sobrang inis ko nag walk out nako don. Rain POV Damn ang angas ng motor mo Ducati Evo pwede ako mag drive?. parang bata to si leo binato ko sa kanya yung susi at nagmamadali siyang i-start ang motor ko. Dos ang angas mo mana ka sa amo mo ako muna magdadrive sayo ah be good to me. Sakay na. aya nito saken taas baba pa ang kilay ng ungas Nasiraan ka ng bait leo? pati si dos kinakausap mo?. tanong ko Wait you call me leo? actually i prefer kent than leo pero kung ikaw tatawag ng leo saken ok lang at ikaw lang pwedeng tumawag saken non at anong sira? parang ikaw di nasiraan ng bait kaya nga binigyan mo to ng pangalan eh sure ako na kinakausap mo din to. kumindat siya at pinaandar na ang motor. Ok lang kumapit ka sa bewang ko kung gusto mo pero kung ayaw mo sa balikat na lang kahit saan ka humawak ok lang saken. natatawang sabe nya. Binatukan ko ito at tumawa lang sya. Sira ka talaga kaya ko mag balance kahit hindi na kumapit sayo. sagot ko. Saan nga pala tayo pupunta?. pahabol na tanong ko Sa Rooftop cafe maganda don sigurado kong magugustuhan mo nakakasawa na sa madeline eh. aniya Nang makarating kame sa rooftop cafe namangha ako sa lugar na to ang ganda kita buong city bakit hindi ko alam ang lugar na ito may ganto pala dito. Actually 3months pa lang simula nung magbukas sila at last month ko lang ito nakita napapadalas na nga punta ko nakakarelax dito eh. mahabang paliwanag nya. Ano nga pala sayo? sabay kame tumingala at tumingin sa menu. Carbonara at isang Java chips. sagot ko Upo kana sa may dulo maganda view doon ako ng bahala dito my treat. kumindat ito at narinig ko ang bulungan ng mga babae dito. Shet ang gwapo Grabe sis ang kinis ng muka nya sana all kaso may gf na sis Onga wala tayong laban maganda si ate mo ghorl Magbubulungan na lang ang lakas pa hindi ba sila nahihiya kababaeng tao. Dumating si leo at umupo sa tabi ko. Ayos ba? tanong nya Oo maganda dito baka mapapadalas na din ako dito. sagot ko Sama mo ko kapag pupunta ka dito para magandang view plus magandang kasama at poging kasama. Humalakhak ito at tumitig saken. What? tanong ko Wala ngayon lang ako nakakita ng gandang hindi nakakasawa titigan. aniya Hoy wag mo kong paandaran ng ganyan hindi ako tatablan niyan konting practice pa o kaya mag seminar ka. Iba ka talaga kaya sayo ko eh. pipisilin niya sana yung pisngi ko kaso bigla siyang tinawag sa counter dahil ready na yung inorder namin. Napakaclingy neto feeling close siya agad pero magaan naman ang loob ko sa kanya. Matapos namin magkwentuhan mas nakilala ko siya ng lubusan mabait siya napaka masayahin pero ramdam ko at makikita mo pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata. Mag grab na lang ako leigh mag book muna ko. aniya Wag na hatid na kita sa school nandon ba kotse mo?. tanong ko Wala kong dala ngayon na kotse pinalinisan ko. aniya Ah ganon ba hatid na kita wag ka ng mahiya. pagpupumilit ko Nakakahiya naman babae pa maghahatid saken wag na kaya ko na to. pagtanggi nya. Tiningnan ko siya ng matalim Ah eh sabe ko nga Master sasakay nako kay dos eh eto na oh aangat ko na paa ko eto oh nakaupo nako. natawa ko sa kalokohan nya. Your laugh is the cutest thing tumawa ka palagi master lalo kang gumaganda lagi ka kaseng tigasin muka kang mananapak. aniya Tatawa lagi ano ko baliw? eh kung ilaglag kaya kita diyan? nagbabantang tanong ko Joke lang Leigh ikaw naman oh di mabiro tara na. aya nya Hininto ko ang aking motor sa kulay cream na bahay malaki at maganda. Pasok ka muna. aya nya Ah hindi na next time na siguro hinihintay na din ako ni cash. Ganun ba sige mag ingat ka leigh thank you sa time mo at paghatid saken. tumango lang ako at pinaharurot ko na ang aking motor. ----------------------------------------------------------- Kinaumagahan nagpunta ko sa kusina at naghanap ng makakaen tulog pa kase si cash napuyat kagabe meron kase siyang binabasang libro. Isusubo ko na sana yung tinapay na hawak ko ng dumating si cash huminto sa harap ko at nakapamewang. Busy ako kahapon kaya hindi kita natanong anong ginawa niyo kahapon ni Kent? San kayo nagpunta?. Kung makatanong ka parang nanay kita. sagot ko Ano nga kwentuhan mo ko. taas kilay na sabe nya. Sa rooftop cafe nagkwentuhan lang wag kang mag isip ng kung ano diyan. bagot na sagot ko. Sino mas bet mo si Achilles o si Kent?. taas baba pa ang kilay niya at ngumiti na nang-aasar Tigilan mo nga ko Cashmere. inis na sagot ko Susubaybayan ko yang love life mo ganda ng friend ko haba ng hair mukang may something din sayo yung kumag na achilles eh. dinalaan ako at tumakbo papunta sa kwarto niya. Siraulo talaga anong love life pinagsasabe niya makaligo na nga lang. Cashmere POV Boy bilisan mo baka malate na tayo wag mo na isipin si achilles at kent. Pang-aasar ko Nang marinig ko ang papalapit na yabang niya este yabag pala tumakbo agad ako kay flamie. Nauna na kong umalis mahirap na baka mahambalos ako ng wala sa oras. Nagpark ako at inayos ko sa lane ang motor ko dumating na din si rain at inayos ang motor nya at sabay kame na palingon sa bandang gilid ng parking lot may narinig kameng umiiyak. Hoy tigilan niyo na yan Isusumbong ko kayo sa Dean Wala naman ginawa si kaizer sa inyo ah Tumahimik ka bakla! Pumunta ko kung saan nanggagaling yung iyak na narinig namin at nakita ko si dirt na tinulak yung classmate naming lampa tinayo niya ito at sasapakin sa mukha pupunta na sana ko para tulungan si kaizer yung lampa naming classmate ngunit huli na dahil hawak na ni ash ang kamao ni dirt napapadalas ata ang pagiging super hero ng kaibigan ko ah. Ikaw nanaman pakelamera ka. si dirt Remember leader ka ng g**g pero etong isang to lang ang kaya mo. tinuro niya si kaizer Mayabang kang babae ka. sumenyas ito sa mga kasamahan nya Nag smirk lang si rain at hindi tumagal ng ilang minuto nakasalampak na sahig ang mga kupal. Di ka ba nag sasawa na mapahiya? Pinapahiya mo ang out law yung kinakatakutan na g**g daw next time galingan niyo pa yung matatakot talaga kame. natatawang sabe ni rain. Tumalikod si rain at sumigaw si dirt.  May araw ka rin saken humanda ka. Anytime kahit gabe pa yan. pang-aasar ni rain Naglalakad na kame papunta sa classroom. Hi ash and cash. si kev Ngumiti lang ako sa kanya at tiningnan lang siya ni rain. Rain POV Fist subject namin ngayon at nakita ko sa peripherial view ko na nakatingin saken si achilles kaya lumingon ako sa kanya ngunit nag iwas siya ng tingin ano bang problema nya. Matapos ang una hanggang pangatlong subject dumiretso kame sa cafeteria si cash ang umorder ako ang naghanap ng upuan sa bandang dulo doon favorite spot namin Bumalik si cash sa table namin dala ang mga pagkaen namin at may nagsalita sa likod namin. Can we join you guys? si Krystal Sure. sagot ni cash May inabot saken si kaizer isang box ng brownies. Sabe saken ni cash favorite mo daw yan. kamot ulo nyang sabe at tumingin ako kay cash. Nagtanong siya saken gusto daw niya kase mag thank you sayo dahil kanina. Pwede ba kame makipagkaibigan kung o--ok lang sa inyo?. si kaizer Actually hindi kame nakikipagkaibigan pero kung kayo ang makikipagkaibigan ayos lang. ngumiti si cash sa kanila at sabay sabay silang tatlo tumingin saken. Wag niyo siya pansinin may schedule kase yung pag sasalita niya masanay na kayo sa kanya kung gusto niyo kame maging kaibigan. awkward na natawa silang tatlo Spoke person ka nya sis? si riri Binatukan siya ni cash. Sira ganyan lang yan magsasalita yan kung kelan niya trip. Kailangan may pagbatok sis? kaloka ka. si riri Bruha gusto mo kame maging kaibigan diba kaya masanay kana. Ayy ganon mga dyosa pero mga barumbado kalerkey. aniya True. sagot ni cash na pumilantik pa ang kamay at nakipag apir kay riri Sana all maganda. si krytal Girl maganda ka naman ah. si cash Ako sis maganda ba? si riri Hindi sumagot si cash at sumubo lang ng burger kaya tumingin si riri kay kaizer at krystal pero di siya pinansin ng dalawa kumaen lang din. Ayy ganon ayaw niyo sumagot. tumingin ito saken. Ash maganda ba ko?. tiningnan ko si riri at silang apat ay naghihintay sa sagot ko. Lahat ng tao maganda sa paningin ng Diyos. sagot ko Eh sa paningin mo maganda ba ko? tumingin ako sa kanya at nag beautiful eyes siya hinawi niya yung patilya niya na akala mo eh napakahaba kung hawiin niya parang hanggang kanto yung patilya niya baklang bakla talaga. Hindi ako Diyos. sagot ko humalakhak silang lahat at halos mabulunan yung tatlo kakatawa. Ay oh wala akong kakampi dito mga bruha kayo. kumaen na lang sya at masama kameng tiningnang apat. Lagi tayo sabay kumaen guys ah masaya ko nadagdagan kaibigan ko dito. si krystal Oo ba krystal basta kayo malakas kayo samin. si cash Hindi pa kame nagpapakilala Krystal Reyes nga pala tala for short. si krystal Jose Rylle Cortez sa umaga Riri sa gabe nice to meet you mga bakla. si riri na nakanguso pa Kaizer Alvarez. awkward na ngumiti ito samin. Kaizer sa susunod na bugbugin ka ni dirt sumbong mo lang samin at lumaban ka ha sapakin mo sa ilong. si cash Sis masyadong mabait tong kaibigan namin ayaw ng g**o naiinis nga ko sa mga nambubully diyan wait dirt tawag niyo sa leader ng outlaw. humalakhak si riri Oo madumi kase siya sa paningin ko. taas kilay na sabe ni cash Korak seswang. nag apir ang dalawang abnormal Tara na mga bakla baka malate tayo sa next subject. aya samin ni riri
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD