Pinainit ko ang mga may sabaw na lumamig na. Gusto naming mag sabaw ng mga kaibigan ko lalo na at may hang over ang mga to. Tsaka ko na iisipin si Kevin, hindi pa magaling ang akin kaya magpapahinga muna ako ng ilang araw dito sa bahay. Sinabihan ko na ang mga kaibigan ko na attend na lang ako ng final march namin next next week. Nalaman na naming lahat ang result ng aming exam at passado kami lahat. Practice na namin next week ng aming graduation march. I am beyond happy and proud sa aming mga narating na magkakaibigan. Sulit ang mga pinaghirapan namin dahil nagbunga naman. Makakahanap na rin ng magandang trabaho ang aming kaibigan naming si Jenny. May maipagmamalaki na siya sa pamilya ni Nimer although hindi naman matapobre ang pamilya niya pero ang mga ibang relatives niya baka may nasa

