"I got you babe, kaya magsumbong ka sa akin kapag inaaway ka ng mga yan at ako ang makakalaban nila," I said. Nanlaki ang mata ni Kevin sa narinig, hindi makapaniwala. Namumula siya ng sinubuan ko din at ginaya ang dalawa kong kaibigan. Inis na inis kasi ako sa kanila. "Damn man," rinig kong sabi ni James. "Anak ng pucha...Kevin namumula ka," mura ni Nimer at humalakhak pero tinampal siya ni Jenny at dahil hindi niya makontrol ang kanyang tawa, sinalo niya ang kamay ni Jenny at tawa pa rin ng tawa. Tumingin ako sa paligid ng nagtatawanan din sila kaya tumingin ako kay Kevin at napansin ko ngang namumula siya. Naaliw tuloy ako sa lalaking to, hindi ako makapaniwala na ang playboy na to may ganyan din palang pakiramdam. Mukhang ngayon lang siya nakatagpo ng kagaya ko ah. Sige at dahil gus

