Kinuha ni Jayjey ang isang bote at sinabing maglalaro daw kami sumali pa rin ako kahit na masakit na ang aking ulo sa dami ng nainom pero sumali pa rin ako. Isa sa aking kaugalian ang katigasan ng ulo lalo na at nakainom kaming lahat. Bahala na sila mamaya, bahala na ang dalawa kong kaibigan pero I think tagilid ako at mukhang mumukbangin ata sila ng mga lalaking to. Bahala na, magpa mukbang na rin ako kay Kevin para patas. Napakaraming pumapasok na kung ano ano sa aking isip lalo na ngayong naka inom ako at mukhang mas kumapal ata ang aking mukha. "Maglalaro tayo ng truth or dare...maganda to promise," malakas na boses na sabi ni Jayjey na alam kong medyo may tama na rin to ng alak na gaya ko base sa mga kinikilos niya. "Sige game kami dito...sigaw din nila Nana Encar. Game na game din

