Wave 1

1767 Words
"Ekang bakekang! Ekang bakekang!" 'Yan ang sigaw at tukso kay Felicity ng mga kapwa niya bata kapag nakikita siya. May isang kondisyon kasi sa kanyang mukha na kung saan may makapal na itim ang kalahati nito na may mga balbon. Ito ang lagi niyang naririnig sa mga kalaro. Tukso at panlalait ang lagi niyang nalalasap sa tuwing lumalabas siya sa kanilang bakuran kaya naman pinipigil siya lagi ng ama na lumabas para hindi tuksuhin ng mga katulad niyang bata. Hindi niya alam kung bakit siya nagkaroon ng ganito dahil sa kanyang pamilya ay siya lang ang bukod tanging may ganung kondisyon. Ang sabi-sabi ng ilan ay parang sumpa sa kanya at ang sabi din ng ilan ay may kamalasan siyang dala. Dahil sa panunukso ng mga bata pati na rin ng ibang mga tao sa kanilang lugar ay lagi siyang umuuwing luhaan. Sa mura niyang edad ay nararanasan na niyang pagtawanan, katakutan at kung minsan ay binabato pa siya ng mga taong takot at walang magawa sa buhay. "Oh, bakit umiiyak ka na naman diyan anak?" Tanong ng kanyang mapagmahal na ama. Sa kanilang magkapatid ay siya ang sinasabing paborito nito. "Papa, bakit ganun ang mga tao? Ang turing sa akin ay parang sakit na nakakahawa, parang lagi akong may dalang kamalasan sa tuwing nakikita ako? Kasalanan ko po ba na ganito ang itsura ko?" mangiyak-ngiyak niyang sumbong sa ama. "Hayaan mo na sila anak mga walang magawa lang sila. Hindi naman sa panlabas na anyo nakikita ang kagandahan ng isang tao eh kundi dito sa puso. Ang mahalaga nandito ako na nagmamahal sa 'yo ng walang hanggan." Pag-aalo naman ng ama. Natatanggal ang bawat hinanakit at lungkot niya basta kasama ang ama. Siya lang kasi ang nakakapagpagaan sa kanyang loob sa tuwing pinag-iinitan siya ng ibang tao. Ang ama lang ang taong alam ang sasabihin sa tuwing nalulungkot siya. Minsan nagtatanong siya kung bakit ganon ang itsura niya ngunit hindi ito masagot ng ama at kapag sa ina naman magtatanong ay nagagalit naman ito. Mainit kasi ang dugo ng ina niya sa kanya, kaya naman ay hindi niya ito minsan kinakausap. Minsan, pakiramdam niya ay parang hindi siya mahal nito dahil sa malamig na trato niya sa kanya. Sa araw-araw ng buhay niya ay lagi na lang siya ang napagdidiskitahan nito. "Felicity! Halika nga rito!" Tawag sa kanya ng kanyang ina. "Bakit po Ma?" "Hindi ba't sabi ko sa 'yo tulungan mo 'yung kapatid mo sa kanyang assignment?" Singhal ng ina. "Sabi po kasi niya kanina Ma, tapos na niya kaya iniwan ko na lang." Pagbibigay rason naman ni Felicity. "Eh, bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang nagagawa? Anong ginawa mo pagdating mo sa bahay galing eskwelahan aber?!" Galit na ang ina. Kapag ganito na ang tono ng kanyang ina ay parang gusto na niyang maglaho. "Tumulong po ako kay manang sa kusina Ma para po pagdating ninyo ay handa na ang ating hapunan." Masayang balita niya. "Hindi ba't sabi ko sa ‘yo na huwag na huwag kang hahawak sa mga kakainin natin?!” Singhal niya at walang anumang piningot niya ito. “Ilang beses ko bang ipapaalala sa 'yo yan? Paano kung 'yang dumi sa mukha mo ay mailagay sa kakainin natin huh!" Pagsusungit niya habang hila hila ang isang tainga nito. "Aray Ma! Masakit po!" Makaawa niya habang hawak hawak ang kamay ng ina. "Kailan ka ba magtatanda bata ka?!Ayaw naming maisalin sa amin ang kapangitan mo! Naiintindihan mo?" Sigaw pa ng ina niya sa kanya tsaka binitawan ang tainga nito. Hapo hapo ang tainga. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak na lang dahil sa pananalita ng ina at sa p*******t sa kanya. "Eloisa! Ano na naman nagawa ng bata at umiiyak na naman?" tanong ng Papa niya. "Paano naman kasi yang bata na yan! Ilang beses ko nang sinabihan na huwag hahawak sa pagkain! Hindi nakikinig!" Singhal nito sa asawa. "Ano bang masama kung tutulong lang naman siya? Mabuti nga 'yan para wala ka ng problema pagdating natin galing trabaho." "Ewan ko sa inyong dalawa! Palagi mo na lang kinakampihan ang batang 'yan! Hindi mo naman...." Natigilan ito. "Tama na!" Sigaw na putol sa kanya ng asawa. Agad na tumigil ang ginang dahil kapag sumigaw na ang asawa ay natatahimik na. Naiinis man at gustong sumagot pa pero mas minabuti na niyang iwan na lang ang mag-ama. "Tahan na anak." Pag-aalo niya kay Felicity. "Bakit po ganun Pa? Hindi po ba ako mahal ni Mama?" iyak niyang tanong. Minsan ay naiisip niya ang mga bagay na 'yun lalong lalo na kapag nasasaktan siya ng ina. "Hindi naman sa ganon anak. Sadyang pagod lang ang Mama mo. Pagpasensiyahan mo na lang at sundin ang mga iniuutos niya sa 'yo." Pag-aalo naman ng naaawang ama. May tampo man siya sa ina ay hindi rin nagtatagal dahil sa mga salita ng ama at dahil na din mahal niya ito. Kahit anong pagsusungit ng ina ay tinatanggap lang niya. Nasanay na siya na ganun ang trato ng ina sa kanya. Hanggang sa nagdalaga na siya ay hindi na nagbago ang trato nito. Kahit ang kapatid kung ituring siya ay parang may nakakahawang sakit. Minsan ay nagagalit na lang si Freda, lalo na kapag sa eskwelahan. Nasa highschool sila nung harap harapan siyang ipahiya nito. "Freda, sabi ni Papa umuwi na lang daw tayo dahil hindi niya tayo masusundo." Wika ni Felicity sa kapatid. Kasama ni Freda ang mga kaibigan niya ng mga oras na 'yun. "Yuck! What happened to your sister's face? Nakakatakot naman!" Ani ng isa sa kaibigan ni Freda in a disgusted way. Tumambad kasi sa tingin nila ang mukha ni Felicity. Kahit may gamit itong bandana pantakip sa kanyang mukha ay makikita at makikita talaga iyun ng malapitan. Dahil sa ayaw mapahiya ni Freda ay binalingan ang kapatid. "Lumayas ka nga dito! Mauna ka ng umuwi kung gusto mo at uuwi din ako mag-isa!" Biglang sigaw ng kapatid. Nagulat siya sa inasta nito. Hindi ganun kung kausapin siya sa bahay. "Bakit ka ba nagagalit? Hindi pwedeng maiwan ka dito dahil iyun ang bilin ni Papa." Malumanay pa ring sagot ni Felicity. "Oh my god! So kadiri talaga." Bulong bulungan naman ng mga barkada ni Freda. Dahil dun ay padabog na iniwan ang mga kaibigan na hila hila si Felicity. Galit na galit na ito sa kanya. "Bakit ba ang hilig hilig mong ipahiya ako sa mga kaibigan ko!" Galit na sigaw niya kay Felicity na kagyat na itinulak ito. "Ako pa ngayon ang nagpapahiya sa 'yo? Kapatid kita pero bakit kung ituring mo ako para akong iba sa 'yo. Mas mahalaga ba ang mga kaibigan mo na 'yun kaysa sa akin?" Mangiyak ngiyak na wika ni Felicity. Pinipigil niya ang pagbuhos ng kanyang mga luha sa harapan ng nakababatang kapatid. "Alam mo na ngang nandidiri sila sa 'yo lapit ka pa ng lapit! Pwede ba, dumistansiya ka naman sa akin lalong lalo na kapag nasa skwela tayo?" Singhal pa ni Freda na binalewala ang reklamo ng kapatid. Sa sakit ng pagsasalita ng kapatid niya ay napapaluha na lang siya. Nagiging bastos na ito sa kanya. Ngunit naiintindihan niya kung bakit ganun na lang ang naging reaksiyon ng kapatid. "Sino ba naman kasi ang hindi matatakot sa pagmumukhang ito?" Sambit niya sa sarili habang pinapahid ng likod ng kanyang palad ang mga luhang pumatak sa kanyang mga mata. "Oh bakit ka na naman nag-eemote diyan?" Putol sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan na si Marivic na biglang sumulpot sa likod niya. Si Marivic ay kaibigan niya mula elementary pa sila. Kagaya niya niya pinagtatawanan din ng tao dahil sa pagiging wierdo daw niya. Mahilig kasi si Marivic na magsuot ng mga damit na hindi naaayun sa panahon at mga gamit na polka dots. Kahit saan mo kasi siya makita ay may suot na polka dots sa katawan samahan pa ng malaking salamin sa mata. "Wala ito. Napuwing lang." Tanggi ni Felicity sabay ayos sa kanyang mukha. "Hindi? Eh bakit kitang kita kitang nagpapahid ng mata kanina? Inano ka na naman ba ng kapatid mong maldita huh?" Inis na tanong ni Marivic. Alam kasi nito kung paano siya ituring ng kanyang kapatid. Saksi siya sa pagpapahiya nito sa kanya. "Wala nga!" Tanggi pa rin niya. "Hay naku, Felicity. Nagagawa mo pa talagang pagtakpan ang kamalditahan ng kapatid mong 'yan. Kung ako sa 'yo ay lumaban ka rin kasi paminsan minsan hindi 'yung papaapi ka na lang!" Payo naman nito dahil sa awa sa kaibigan. Nakikita niya kasi ang ginagawa ng kanyang kapatid at ang ina nito sa kanya. Naaawa siya dito ngunit wala naman siyang magawa. Hindi naman niya kayang turuan maging palaban ang kaibigan dahil alam niyang hindi niya iyun magagawa. "Hayaan mo na. Parang hindi ka pa nasanay sa ugali ng kapatid ko na 'yun?" "Hindi talaga! Kung ako ang may kapatid niyan naku! Kanina ko pa tinadyakan!" Inis na sagot ni Marivic. "Sino ba naman kasing kapatid ang matutuwa at ipagmamalaki ang mukhang ito? Ang mukhang malas na ito?" May lungkot sa boses na wika ni Felicity. "Hay naku friend. Kung maniniwala ka sa mga pinagsasabi ng mga tao, eh wala ka talagang patutunguhan. Sa akin ka maniwala, hindi ka salot at hindi nakakadiri ang mukha mo!" Giit ni Marivic. Lumapit siya dito saka niyakap. Ito na lang ang kaya niyang gawin para mapagaan ng kahit kaunti lang ang loob ng kanyang kaibigan. "Salamat sa 'yo, kahit na kitang kita ko ang itsura ko sa salamin na pangit ako pero nandyan ka pa rin to remind me na maganda ako kahit alam kong hindi." Ngiting wika niya. "Hahahaha. Parang sinabi mong sinungaling ako friend?" "Hindi naman. Malakas ka lang kasi sa akin kaya naniniwala na lang ako. Hahahaha." Nagtawanan silang dalawa. Gumagaan ang isip niya kapag si Marivic ang kasama niya,ngunit pagdating sa kanilang bahay ay parang nababalutan siya ng tensiyon sa tuwing nandun siya dahil sa kapatid at ina. Pagkatapos ng kanyang mga klase ay diretso bahay agad siya. Hindi niya naranasan ang makipaglaro sa ibang bata sa takot at hiya. Mas minabuti na niyang mag-aral at tumulong sa bahay kahit na may katulong naman sila. Sa bawat araw ay palaging ganun ang kanyang ginagawa. Sa katagal-tagalan ay nasasanay na rin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD