*Briannah Cassandra*
"Oh, sh3t! ang sakit ng ulo ko!" Napadaing at napahawak ako bigla sa ulo ko habang nakapikit.
"Ano bang nangyari? Ang sakit ng buong katawan ko." Napadilat naman akong bigla ng maalala ko mga nangyari kagabi sabay lingon sa tabi ko.
"Ay, gaga! Shunga! Shunga! Shunga!" Sabi ko sa mahinang boses para hindi marinig ng aking katabi habang pinu-pokp*k ang ulo ko.
Maingat ako tumayo para hindi magising ang estrangherong katabi ko. Baka humirit na naman ‘to ng isa, hindi ko na talaga kaya!
"Shocks! Ang sakit…" napapangiwi kong bulong. Nawarak ata bahay-bata ko! Sorry, Kiffy nabugbog ka kagabi.
Masakit ang mga legs ko at buong katawan ko na para akong binugbog ng sampong marites sa kanto.
Kahit na nahihirapan ay pinilit ko pa rin isuot ang mga damit. Ayaw ko naman lumabas ng nakatapis lang noh! For sure marami nang guests sa labas. Nang matapos mag bihis ay tinitigan ko muna siya at pilit tinatandaan ang kaniyang Itsura.
"Paalam na. Hinding hindi kita malilimutan Mr. stranger. Salamat sa isang gabi na puno ng ligaya". Mahinang bulong ko sa hangin. At tuluyan na nga akong lumabas ng silid na iyon.
Pinilit ko lumakad ng maayos kahit na nginginig ang mga binti ko. Umayos ka talaga self! Last na kagagahan mo na yan!
Nang makarating sa room ko ay inaayos ko na ang mga gamit ko dahil ngayong araw na rin ang alis ko dito. Babalik na naman ako sa reyalidad.
Nakarating naman agad ako dito sa amin at kinabukasan nga ay nag apply na agad ako sa unang company na target ko na pasukan. Mas malaking company ito kumpara sa inalisan ko. Balita ko nga ay magaganda daw ang benefits dito at may mga incentives din. Sana talaga ay makapasa ako.
"Hi Miss Manlapaz. Thank you for being here today. This is Mrs. Ventura. Pleased to meet you." Bati sa akin ng interviewer.
"Hi, I am Briannah Cassandra Manlapaz.Nice to meet you too." Balik bati ko naman at binigyan siya ng napaka tamis na ngiti.
So, tell me about yourself. Tanong naman niya agad sa akin.
"I am an excellent team member. I like to collaborate and contribute as much as possible during the project. If I finish my homework and have free time, I will ask my colleagues if I can do something for them. I always try to take the time to answer any questions, especially questions from new team members. I believe that teamwork and collaboration can help create better and more efficient results. "
Mahabang sagot ko naman kay Mrs. Ventura. Napatango-tango naman siya. Ewan ko kung naniniwala ba siya sa sinabi ko eh echos ko lang naman yun hehe. Iba talaga pag nadiligan, char!
What makes you a suitable candidate for this job?
"Judging from the information I have gathered about your company; your company has a strong work system and you need organized employees to manage day-to-day operations. My Work experience shows that I have a history of success in organizing and communicating with employees. I look forward to using my skills to benefit the organization."
I answered confidently kahit sa kaloob-looban ko ay kinakabahan ako.
Tumango tango naman siya sa isinagot at parang may isinulat sa resume ko. Ilan lang ‘yan sa mga itinanong niya sa akin.
"Thank you for your time, Miss Manlapaz. We will disclose the results soon". Huling sabi niya at kaagad na rin itong tumayo.
Kinabukasan ay sobrang tuwa ko dahil nakatanggap ako nang tawag na naka pasa daw ako. Sinabi niya sa akin kung ano pa mga kailangan kong gawin at dapat ipasa. Inasikaso ko naman iyon lahat agad. Sobrang excited na ako pumasok at this time mas pag iigihan ko pa. Para mas maraming opportunities ang mag open para sa akin. Kaya ko ‘to!
One-month na ko ngayon dito sa L.M Electro World. Isa itong international electronics company. Mas malaki nang di hamak ang sahod ko ngayon kaya mas lalo ako ginanahan mag sipag sa trabaho. Mukhang okay naman mga katrabaho ko pero kahit ganun, hindi na ako basta magtitiwala pa. Ayaw ko nang ma attach sa knila ng sobra. Nadala na ako. Tamang pakikisama na lang.
Noong ilang araw ko pa lamang dito ay may nag papalipad hangin na agad sa akin. Neknek nila! Hindi na lang talaga mga guwapo ang nag loloko ngayon, nyusko pati mga... ay ewan! Basta mga pa fall lang naman sila tapos pag nag sawa mang iiwan!
Ay, teka parang ang pait ko naman doon? Hehe.
"Uhmm, K-keeeel! Malapait na. Ahhhh! Ohhhh!"
Krrrrrrrinnngggg… Krrrrrrrinnngggg…
"Letse namang alarm na ‘to! Ayun na eh! Kainis! "
Gigil ko namang pinatay ang alarm ng cellphone. Hayssst! 2 months na ang nakalipas pero lagi ko pa rin napapanaginipan ang nangyari sa amin ng stranger na yun. Minsan pa nga ay bigla na lang ako matutulala at mai-imagine yung mga naganap sa amin.
"Sh3t! nag wet dreams na naman ako! Basa na naman ang underwear ko!"
Nakabusangot naman akong bumangon para mag prepare sa pag pasok sa trabaho.
Ano ba itong nangyayari sa akin at lately lagi ko siya napapanaginipan at iniisip.
Parang gusto ko siya ulit makita at maamoy. Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko na para ba akong may hinahanap na kung ano. Palagi din sumasakit ang ulo ko kahit hindi naman ako puyat at nalipasan ng gutom. Weird.
"Ano ba yan para naman akong naglilihi sa kaniya!" Bigla naman ako natigilan sa itinuran ko.
"Naglilihi? Hindi naman siguro ako buntis noh? May PCOS nga ko hindi ba? Kaya nga hirap ako mabuntis agad." Nainis na naman ako bigla nang maalala ko ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Kurt. Masakit pa rin pero kaya ko na. Ano siya? Gold? Kakayanin ko kahit wala na siya!
"Imposible naman siguro na mabuntis ako ng isang gabi lang diba? Samantalang maraming beses namin iyon ginawa ni Kurt pero wala pa rin."
Pagkausap ko sa sarili ko. Para na nga kong t*nga na nag sasalita dito mag isa. Ipinag patuloy ko na lang ang pag aasikaso ng sarili ko para di ako ma late.
"Hmmm... bakit parang ang sarap kumain ng tortang talong na walang itlog!"
***
“Ano bang kasalanan ko at bakit lagi niyo ako binibigyan ng malisya”
--TALONG
End of chapter 5…