Matapos nga ang pangyayari sa resort hindi na masyadong nagpakita si Trevor at mukhang umiiwas yata sa akin. Kapag naaalala ko pa ang mga pinagsasabi ko kay Trevor gusto kong mahiya kay Bea Alonzo. Pang FAMAS award ang datingan ko doon. Kulang na lang pati si Trevor umiyak. Kaya naman pagkauwi ko nga ng araw na 'yon gusto kong lunurin ang sarili ko sa sabaw ng sinigang! Ang tanga tanga ko for sure pinagtatawanan lang ako ng herodes na 'yon! At napansin ko rin hindi na si Trevor ang ang naghahatid kay Ysha sa tuwing pupunta dito, kundi si Alfred na. Aminin ko man o hindi namimiss ko rin pala s'ya gusto ko rin pala na nakikita s'ya. Siguro ayaw n'ya lang na magka problema sila ni Claire kaya umiwas na lang s'ya sa akin at nasasaktan ako sa isipin na ito. Pero unti-unti kong tinatanggap hindi

