Hindi ako makatingin nang tuwid kay Trevor paglabas ko ng kusina dahil lang sa simpleng yakap n'ya nagulo ang mundo ko. Pakiramdam ko tuloy medyo nailang pa ako sa sitwasyon namin ngayon. Kaya naman nang tumingin s'ya sa akin, hindi ko alam saan ko ibabaling ang paningin ko. Muntik na n'ya akong mahuli na nakatingin sa kanya. Nakita ko pa ang kakaibang ngisi sa gilid ng labi n'ya. Hindi tuloy ako makakain ng maayos kahit pa masarap ang pagkain. Dahil sa paninitig na ginagawa n'ya ngayon sa akin. Kaya naman para mabawasan ang pagkailang ko sa tuwing titignan n'ya ako irap ang sinusukli ko sa kanya. Nagulat pa ako ng bigla syang lumapit sa akin. Medyo nataranta pa ako kung saan ako lilipat sa kaliwa ba o kanan na bahagi? Halos malaglag pa nga ang hawak kong plato dahil sa labis na pagkataran

