New

1329 Words
"Break, everyone!" Sigaw ng director, sa kanila. Kaya naman mabilis na lumapit ang make-up artist sa dalaga upang i-retouch ang makeup nito. Maging ang hairstylist ay lumapit din sa kanya. Ilang minuto lamang ay balik trabaho na ulit ang lahat. Mababanaag sa mukha ng dalaga ang labis na saya Kung kaya naman, walang kahirap-hirap nyang nagagawa ang instruction na binibigay ng photographer sa kanya. "Fierce look, baby! Chin up! That's it Helena! I love it! Good! One more shot we're done. Give your best shot! That was great honey!" Sigaw ng baklang photographer sa dalaga. Habang nilalaro nito ang camera upang makuhanan s'ya ng s'ya ng tamang anggulo. At hindi naman ito nahirapan dahil parang normal lang sa dalaga ang ginagawa sa harap ng kamera. Araw-araw, ganito ang eksena sa buhay ni Helena as fashion model ng isang kilalang clothing brand. Kislap at tunog ng camera ang normal nyang nakikita at naririnig. At walang bago sa ginagawa n'ya. At kung saan-saan na rin s'ya nakakarating na lugar dahil sa klase ng trabaho n'ya. At sinong mag-aakala na ang dating katulong, model na ngayon? Kaya naman malaki ang pasasalamat ng dalaga sa manager n'ya dahil na discover s'ya nito at kaagad syang pinakilala sa kaibigan nitong may ari ng company. Dahil sa angking ganda at tindig ng dalaga, talaga naman hindi malabong hindi s'ya mapansin.Masasabi talaga na kahit baguhan lamang ito sa pagiging modelo ay may ibubuga na. Hindi rin ito pahuhuli sa mga batikang modelo na makikita sa mga magazine. Kaya naman tuwang-tuwa ang manager nito sa kanya. Napangiti pa ang dalaga nang matapos ang ilang oras na pag-popose sa harap ng kamera. Kahit hirap na hirap s'ya sa suot n'ya ay nakangiti pa rin s'ya ng matapos ang photoshoot nila. Mabilis syang naglakad upang tingnan ang mga shots n'ya. Katulad pa rin ng dati manghang -mangha pa rin s'ya at tila ba hindi parin makapaniwala na ang nasa litrato ay mukha nito. "Ang galing mo talaga! Hindi mo ako binibigyan ng stress, kaya stay fresh ako!" malanding bulalas pa ng manager n'ya. Hindi akalain ng dalaga na magiging ganito kaganda ang takbo ng modeling career n'ya. Parang kailan lang aksidente lang syang nakuhahan ng litrato sa palengke. Kaya naman maraming clothing company ang gustong kunin s'ya upang maging modelo nila. Ngunit mas pinili ni Helena na mag-stay dito. Hindi n'ya gusto na nagpapakita kaagad ng interest sa kanya ang mga may-ari ng mga kompanya na sumubok mag-offer sa kanya. Para sa kanya trabaho ang hinahanap n'ya at hindi lalaki. Nangako kasi s'ya na sarili muna n'ya ang mamahalin at aalagaan. At pero sinisiguro naman ng dalaga na may oras pa rin s'ya sa kapatid at kay Ysha lalo na ngayon na bakasyon nila sa paaralan. At bilang isang modelo ay malaki ang sahod at libre pa ang kanyang tirahan. Dahil sa medyo malayo ang working place nito, kailangan nyang lumipat ng bahay. At ang dati nyang bahay ay sina Filipinas at Jordan na ang nakatira kasama ang anak nila. Maayos na ang pamumuhay nilang magkapatid at masasabi ng dalaga na kumpleto na ang saya na meron s'ya. Lalo na at malaya nitong nadadalaw si Ysha, at nakakasama pa. Kahit pa hindi sila nagkabalikan ni Trevor. Masakit sa kanya ngunit ang ibigay na kapatawaran nito ay higit pa sa nais n'ya. At naiintindihan naman ng mga bata ang naging sitwasyon nila ng dating nobyo. Bumalik na rin sa America ang magulang ng dating nobyo nang malaman na may bago ng karelasyon ang anak ng mga ito. "Sweetheart, may tawag ka. Sagutin mo muna," utos ng manager n'ya. Kaya naman kinuha nito ang bag at tiningnan ang cellphone. Ilang missed called galing kay Trevor ang nabasa nito. At hindi maiwasan kumunot ang noo n'ya dahil sa labis na pagtataka. Kaya naman tinawagan n'ya rin ito upang malaman kung anong kailangan nito sa kanya. Ilang ring pa at sinagot na nito ang tawag ngunit boses ng babae ang narinig n'ya. "Wrong timing pa bakit naman ang bisugo pa ang sumagot?" naibulong pa nito sa hangin. Mataray na boses na kaagad ang bumungad sa kanya. Akala mo naman aagawin sa kanya si Trevor! Sa isip pa ng dalaga. "Nasaan si Trevor? Pwede ko ba syang makausap?" malumanay na tanong n'ya sa kausap. "Bakit? Anong kailangan mo? Sa akin mo na sabihin!" utos pa ng kausap nito sa kanya. "Si Trevor ang kailangan ko hindi ikaw. Alam mo ba 'yung word na privacy? Mukhang hindi babaeng bisugo!" mataray na sagot din nito sa kabilang linya. "How dare you!" singhal nito. Kaya naman imbes na mainis si Helena, at tinawanan n'ya lamang ito. "Hanggang ngayon ba umaasa ka pa rin kay, Trevor? Wake up girl! Ako na ang bagong mahal n'ya!" pang-uuyam pa nito sa dalaga. "Hindi ko tinatanong. Ibigay mo ang cellphone sa kanya at mag-uusap kami." malamig na utos nito sa kausap. Mukhang nakikipagmatigasan pa rin ang babae sa kabilang linya. Kaya naman naubos na ang pasensya ni Helena, at pinagbabaan n'ya ito ng tawag. "Sweetheart, wag masyadong stress. Ang wrinkles at lines!" Sigaw pa ng manager ng dalaga. "Yes, Mamu!" nakangisi pang sagot nito. "May shooting ka pa bukas kaya chilax lang." "Sino ba naman hindi papangit kung ang kausap mo ay bisugo na bilasa!" naiirita pang sagot nito sa manager n'ya. Kaya naman nagtawanan pa silang lahat. Maya-maya pa ay muling tumunog ang cellphone ng dalaga. Muling tumatawag si Trevor. "Siguro naman ngayon hindi na si Ms. Bisugo ito?" sabi pa ng dalaga habang nakatingin sa cellphone na hawak n'ya. "Hello, Helena, I'm sorry." "Oh mabuti naman at ikaw na ang tumawag. Where's Ysha?" "Nasa bahay pa pauwi pa lang ako," sabi pa nito. "Okay lang nasa work pa ako. Later mo na s'ya ihatid sa bahay," walang ganang sagot nito sa kausap. "Sure. See you, then." "Bye." At muli nitong ibinalik ang cellphone sa loob ng bag. "Mamu, restroom lang ako," paalam nito sa manager n'ya, na abala sa pakikipag-usap sa ibang tao sa loob. Naglalakad na s'ya papunta ng restroom nang makasalubong n'ya si Jariz. CEO ng clothing company kung saan s'ya nagtatrabaho bilang modelo. Katulad pa rin ng dati sinalubong nito ang dalaga ng malawak na ngiti sa labi. "Hi, Where are you going?" tanong pa nito. "Good afternoon, Sir Jariz. Sa restroom lang," nakangiti naman sagot ni Helena. "Stop calling me, Sir Jariz. Jariz is better," nakangiti pa nitong pagtatama sa dalaga. "S-sure," nahihiya pa nitong sagot sa boss n'ya. "Hatid na kita pauwi. You can't say no to me," nakangiti pa nitong sabi kay Helena. Kaya naman tumango na lang ang dalaga bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. "Salamat Sir- I mean Jariz, sa paghatid. Naabala pa kita," nahihiyang saad ng dalaga ng makarating sila sa tapat ng condo n'ya. "Hindi ka abala sa akin, Helena," ani pa nito at nagmamadaling bumaba ng sasakyan upang pagbuksan s'ya ng pintuan. "Thank you," kiming sagot nito. "Mamaaa!!" sigaw ng matinis na boses. Kaya naman sabay pa silang napalingon sa pinanggalingan nito. "Mahal ko!" Sigaw ng dalaga at sinalubong pa ng yakap ang batang babae. "Hi, Kuya Jariz, " bati nito sa binata. "Hi, Ysha" ganting bati nito. Mahal ko, kanina ka pa?" masuyong tanong ni Helena habang karga nito si Ysha. "Nope, Mama," sagot nito habang patuloy sa paghalik sa buong mukha ng dalaga. "Helena, Ysha, I have to go," paalam ni Jariz. "Ingat ka huh," bilin pa ni Helena sa papalayong binata. "Bye po, Kuya Jariz." At kumaway pa si Ysha. Nang makaalis na ang manliligaw s'ya naman lapit ni Trevor sa kanilang dalawa. At nagtataka pa ang dalaga kung bakit mukhang iritable ang lalaki at salubong ang mga kilay. Hindi na lang pinansin ni Helena ang inaasta ni Trevor ngayon. "Boyfriend mo na ba s'ya?!" mahina ngunit mariin nitong tanong sa kanya. "Eh ano naman, kung boyfriend ko s'ya? Makaasta akala mo kami pa..." mahinang bulong pa ng dalaga. "Hindi kayo bagay," komento pa ni Trevor. Sila nga hindi rin bagay ni bisugo, pero jinowa n'ya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD