Matapos ang pag-uusap namin ni Caraig. Mas lalo akong hindi mapanatag ngayon mas lalo namin kailangan mag-ingat. Sana lang matapos na ang lahat ng ito. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na na nasa tapat ng condo ni Helena. Chance ko na sana syang makausap kanina naudlot pa. "Sir! Sir!" rinig ko pang tawag mula sa labas Habang kinakatok ang bintana ng kotse ko. Kaya naman kaagad ko itong binuksan. "Yes, Tatay?" tanong ko sa may ka-edaran na security guard. "Kanina pa po kasi kayo naka-park. Akala ko po kasi may nangyari na sa inyo sa loob" aniya. "Salamat, Tatay, pero ayos lang po ako," magalang kong sagot. "Napapansin ko, Sir, simula ng naging tenant dito si Ms. Helena, palagi na kitang nakikita dito. At halos gabi-gabi pa," natatawa n'ya pang sabi. Napangiti naman ako dahil sinabi

