Hannah point of view "Huy ayos ka lang ba?" tanong ni Melissa dahilan para mabalik ako sa huwisyo. "Hah?" Nakunot ang noo niya at ngumiti agad ako na tumango. "dahil ba kay Gray kaya nagkakaganyan ka? ang lalaki talagang iyon." naiiling na sabi ni Melissa. "Ano ka ba, nagmahal lang naman si Gray at sa maling tao pa tulad ko." sagot ko at napahilamos na lang ako sa mukha dahil sa mga sinabi ko kay Gray at naiinis ako sa sarili ko. "ahh nagsisisi na ako na sinigawan ko siya kanina. Nagkamali ako." inis na sabi ko sa sarili sabay yuko sa mesang kaharap ni Melissa. "Ginawa mo tas pinagsisihan mo? hahaha iyan ang napapala ng mga walang preno ang dila. Pero Hannah seryoso nagconfess sayo si Gray ng ilang beses pero tinanggihan mo lang? hindi mo ba alam na masakit kaya iyon?" konsensyang sab

