Hannah point of view Babalik na sana ako ng makasalubong ko si Kathleen. "Uy." Tawag ko rito na kinatingin naman niya. "Bakit?at teka ba't bumubulong ka?." Nakakunot na tanong nito. Lumapit agad ako rito at ngumiti na parang natatae. "May favor sana ako hehe." Sabay kamot ko sa batok ko. "Ikaw hannah ano naman yan?." "Kasi ano..." "Hmm?." Sasabihin ko ba?napapikit na lang ako. "May mga taong kakilala ko ang nasa labas at..ayaw kong makita nila na dito ako nagtatrabaho." Napameywang na lang ito at kinuha ang tray saken. "Sige na ako na,naku hannah may utang ka saken nito." Napangiti ako ng malapad at tumango. "Salamat,salamat promise babawi ako." Napatango naman uto at hinatid na ang order nila Lucas. Nalaglag-panga na lang ako ng biglang..ayun halatang nagpapa-cute si kathleen

