CHAPTER 15 (WARNING: SOME SCENES ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.) Maghuhubad? Bakit naman ako maghuhubad sa harapan niya? Itong si Ninong kung ano-ano na lang ang pinapagawa sa akin! Ano tingin niya sa akin tanga? “Hubad, Ligaya,” ulit nito. Mas nakakatakot na ngayon ang kanyang boses. Malamig at halatang hindi ito nagbibiro. “Bakit? May isusukat na naman ba akong damit?” tanong ko. Tumingin ako sa paligid niya ngunit wala naman akong damit na nakita doon. Curious pa rin ako kung kaninong bahay ba 'to. Dahil itong kasama ko ay hindi naman ako sinasagot. Ang layo-layo ng sagot niya sa mga tanong ko. Wala akong matinong sagot na nakukuha. Hinilot nito ang kanyang sentido na tila ba naiinis na sa akin. Kung naiinis siya, mas naiinis ako! Maghuhubad ako s

