CHAPTER 37 “Ang judgemental mo naman sa kama ko, Ninong.” wika ko. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin dahil baka kung saan pa mapunta 'to. “Matulog ka na d'yan. Ikaw na ang bahala sa sarili mo malaki ka naman. Pagkasyahin mo na lang ang sarili mo,” Nagnakaw pa ito ng halik sa akin bago niya ako pinakawalan. Kinaumagahan, nagulat na lang ako nang makita ko ang sarili ko na nakahiga na sa aking sariling kama. Kumunot ang aking noo habang bumabangon ako at pinupunasan ko ang aking mga mata. Wala na si Ninong sa aking kwarto at ako na lang ang mag-isa. Paano ako napunta sa kwarto ko? Nakahiga naman ako sa sahig kagabi. Lumabas ako ng aking kwarto. “Magandang umaga, 'Nay,” bati ko kay Nanay nang makita ko ito sa mesa at nagtitimpla ng kape. “Magandang umaga. Ihatid mo

